Querika's POV
Isang linggo ...isang linggo na rin ang lumipas pagkatapos ang di ko inaasahan na inasta ni Zachie sa akin pero tutal naman wala lang naman yun ang mas iniisip ko ngayon ay ang minsanan na pag Iwas niya sa akin
Minsan kasi Kapag napag uusapan namin yung tungkol Kay Trevis bigla na lang siyang umiiwas o kaya kapag may customer na lalaki nakikipag usap sa akin I know he's jealous kahit sa pinaka maliit na bagay lang
At ang minsan na pag Iwas niya sa akin ang bumabagabag sa akin na baka naapektuhan ang relasyon namin lalo na ang pag sasama namin
Kailangan ko siyang kausapin ng masinsinan tungkol sa mga bagay na di niya masabi sabi sa akin
...
Nararamdaman ko naman ngayon na may yumayakap mula sa likuran ko mainit ang mga yakap na iyon
Nakatulog na rin kasi ako sa kama kakahintay Kay Zachie ilang beses na siyang ginagabi siguro talagang iniiwasan niya ako
Ang mainit na paghinga sa bandang leeg ko at ang bawat paghalik sa parte na iyon
Habang ang mga kamay niya ay dumadampi sa braso ko
Pumuwesto naman ako sa harapan niya at idiniin ang katawan ko sa kanya nararamdaman ko pa ang Amoy ng alak na galing sa kanya nag lasing ba siya
At bakit naman?
Di naman siya ganun dati?
Pinaghalong alak at amoy ng menthol candy ang naamoy ko siguro sinubukan niyang takpan ang Amoy ng alak sa bibig niya
"Hon Amoy alak ka Bakit uminom ka may problema ba?" Tanong ko sa kanya
Pero niyakap niya lang ako ...at bigla siyang umiyak
"Zachie? Bakit ba ?ano ba talagang problema?" Sunod sunod na tanong ko
"Hon...kung sakali na di mo na ako makilala...kung sakali na masaktan kita...please umiwas ka na...pero tatandaan mo mahal kita..." Sabi niya na di ko maintindihan di ko alam kung bakit niya sinasabi yun kung bakit naman niya nasabi yun
Ipinagtapat ko naman ang mukha namin dalawa at pinunasan yung bawat luha na pumapatak sa mata niya
"Hon ...sabihin mo nga sa akin ano ba talaga ang problema?" Sabi ko
Pero nanahimik lang siya...ilang sandali naghihintay ako sa sagot niya
"Hon...Mahal kita...mahal na mahal..." Sabi niya Hanggang sa nakatulog na siya
....
"Querika..." He said while rubbing his temple
May headache siguro siya dahil sa Sobrang kalasingan niya inabutan ko naman siya ng kape para mawala ang hangover niya
"Hon...anong oras na ba?parang... Late na yata ako ..." Sunod sunod na sabi niya
"Okay lang iyan hon tinawagan ko yung kapatid mo na kung sana icancel mo muna lahat ng gagawin mo ngayon....kasi may gagawin tayo" sabi ko habang inaayos yung nagkakagulo ng buhok niya
Nagulat naman siya sa sinabi ko at nagtaka na rin siguro dahil sa nagawa ko iyon
Tumayo ako at kumuha ng damit niya sa closet sabay lagay sa tabi niya
"Heto pagkatapos mo diyan isuot mo ito at ako naman mag aayos na...Zachie" sabi ko sabay kindat sa kanya
...
Matagal tagal din bago nakalabas si Zachie sa kwarto ako naman kanina pa naghihintay sa kanya mas matagal pa kasi siyang nakapaghanda kaysa sa akin
Nakasuot lang siya ngayon ng white long sleeves at tinernuhan pa niya iyon ng rugged jeans kaya mukhang casual lang siya tingnan ngayon malayo sa mga porma niya dati hmmp di niya sinuot yung damit na binigay ko sa kanya
At samantalang ako ay red shirt at sweatpants lang ayoko naman kasi mag dress ngayon
"Let's go hon bilisan mo naman...kanina pa kaya kita hinihintay ang akala ko titira ka na sa banyo " sabi ko sa kanya at siya naman nginitian lang ako
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya yung tipong na ayaw ko nang bitawan pa matagal tagal na rin kasi ang huling mahigpit na paghawak niya sa akin...ang huling matatamis na ngiti sa mukha niya nalulungkot ako dahil parang ako ang may kasalanan kung bakit nagkakaganyan siya pero ngayon handa ako na ibalik yung ngiti niya .
Nakarating kami dun sa park medyo tahimik at walang nangugulo yung tipong parang kami lang dalawa ang nandun at walang iba pa
"Hon ano bang gagawin natin dito bakit parang kanina pa tayo palakad lakad" tanong niya
"Basta..." Sabi ko
Sunod lang siya ng sunod sa akin Hanggang makarating kami sa lugar kung saan dati Kong pinupuntahan kapag malungkot ako
Sa parte kasi ng park na iyon ay may mini tree house at sa baba nun ay may swing ayun yung paborito Kong swing nung bata pa ako
"Hon here dito muna tayo tahimik dito atsaka walang manggugulo" masayang pinakita ko sa kanya yun pero sumagot siya
"Hmm...dito ayaw mo ba hon yung swing na pinagawa ko sa may garden ah baka gusto mo rin ng tree house pwede ko naman padagdagan ng ganyan dun para di ka na napagod na pumunta pa dito" seryosong sabi niya
Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya
"Teka Zachie ikaw napapansin na kita ha sineseryoso mo lahat nag iiba ka itigil mo nga iyan makinig ka nga muna sa akin ngayon ako muna ang boss ha" sabi ko kaya napatango na lang siya
Umakyat kami dun sa tree house at habang nandun kami sa taas ay may inabot ako sa kanya tutal naman di matulog yung date namin nung nakaraan babawian ko na lang siya
May isinuot ako na red na bracelet sa kanya
"Ano ito hon...para saan ito?" Tanong niya habang tinitingnan yung bigay Kong bracelet
Pinakita ko naman ayung suot ko na katulad ng bigay ko sa kanya
"Iyan ...parang ganito lang rin tingnan mo pareho tayo tatawagin natin iyang promise bracelet kapag nakasuot na iyan sa ito magpapromise tayo.." Sabi ko
"Anong promise?" Sabi niya
Kinuha ko naman yung kamay niya at pinagdikit iyon sa kamay ko
"Promise mag pa promise tayo na mamahalin natin ang isat isa forever ....at higit sa lahat sasabihin mo lahat ng secrets mo pati ako sasabihin ko rin " napabitaw nan siya sa sa kamay ko
"Wait...I don't think tama yung second rule mo...para kasing.." Unti hunting sabi niya
Kinuha ko naman ulit iyong kamay niya
"Ano ka ba nasasaiyo naman yun eh ikaw talaga" sabi ko
Hinila naman niya ako palapit sa kanya
"Hon...I think I lied to you about me...hon..." Sabi niya
Napa yakap naman ako sa kanya at nakinig
"Its okay kahit ano pa yun kaya kitang pakinggan... Pero sana huwag mo akong bitawan...kasi kung sakali parang ang bilis naman kasi nung una alam ko na kahit saan ako tumalon sasaluhin mo ako pero ....pakiramdam ko ngayon kahit tumalon ako sa iyo iiwasan mo ako...Zachie I promise mo na Kahit anong mangyari di mo ako bibitawan ha ...kasi mahal kita" sabi ko kaya naman nagsalita rin siya
"Promise hon ....I will ....di ko hahayaan na dumating ang araw na bibitawan kita ...hon mahal kita mula nung una kaya kahit anong mangyari...di kita iiwan..."
#kahitkunwari
..
Plagiarism is a crime so don't try
BINABASA MO ANG
Kahit Kunwari(Montes series #4)
General Fiction"Alam ko ...masakit man sa akin yung totoo nagpapanggap lang ako nagkukunwari nagbabasakali na isang araw ako na iyang laman ng puso mo"-Zachie