Chapter 15

110 2 0
                                    

Querika's POV

Naglalakad kami ngayon sa labas kasama si Zachie mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya at nakasandal sa mga braso niya

Tinititigan ko lang siya ngayon para akong teenager na umamin sa crush niya na mahal niya siya kasi iba yung feeling parang bagong bago lang sa akin

Bawat pagpintig ng puso ko siya lang ang tinitibok nito

Tapos pati isip ko punong puno na ng mga imahe niya

At parang ang tanging naririnig ko lang ay yung boses niya

"Ho-hon a-ano yung tungkol sa si-sinabi ko ka-kanina nagulat ka ba? Putol putol kong banggit sa kanya

Nginitian naman niya ako at inaayos yung nakalalay na buhok ko na tumatakip sa mukha ko

Haaay bakit ang gwapo gwapo ngayon ng asawa ko...dati rati  kapag tinitingnan ko siya ay walang sparks ngayon humarap lang siya sa akin parang may lumiliwanag sa kanya

" Oo pero ang saya saya ko kasi kita mo natupad yung wish ko "sabi niya sabay pingot sa Ilong ko

Napaisip ako siguro kaya nainlove ako Kay Zachie kasi di siya tumigil na ipakita sa akin na mahal niya ako at siguro rin dahil sa sobrang nag selos ako

Ang sarap sa pakiramdam na let go ko na talaga yung feelings ko Kay Dravin
Siguro nga matagal ko nang naletgo ang feelings ko sa ex ko at aalala na lang talaga niya ang gumugulo sa isipan ko kaya nahirapan akong ipasok sa buhay ko si Zachie kahit na una pa lang ay parang may feelings na ako sa kanya

" Hon for you "inabutan naman ako ni Zachie ng flowers
Napaka sweet niya ...Hmmm  siguro pulang pula na yung mukha ko sa pagblush ngayon dahil sa kilig ko

Ano ba iyan!parang ang landi ko yata dati rati di naman ako tinatamaan ng kilig kahit ilang bouquet ng flowers ang ibigay ni Zachie sa akin ngayon naman tatlong pirasong roses ay parang maiihi na ko sa kinatatayuan ko iba na talaga itong feelings ko sa kanya mahal ko na nga talaga siya

" Hon promise ko di ko na tatawagin na love si Rhee Anh di na rin ako magiging masyadong malapit sa kanya ...atsaka hon kinilig ako sa iyo iba ka pala mag selos"hinawakan niya yung pisngi ko at saka hinalikan

Oo tama Zachie pero Hindi dahil sa Sobrang selfish ako makasarili or what ayaw ko lang talagang may lumalapit Kay Zachie na babae nangigigil ako

Lalo na kay Rhee Anh ...speaking of Rhee Anh hayan na naman siya paligid ligid

"Love pwede ko bang makausap yung asawa mo" sabi niya habang hinahawi hawi yung red na buhok niya

Teka bakit ako atsaka hey bakit niya ako kakausapin anong gusto niyang sabihin may gusto ba siyang itanong

Tumingin naman sa akin si Zachie at para bang nagtatanong na kung papayag ako o Hindi

Napaisip ako ano naman kaya ang nakain ng babaeng ito at gusto akong kausapin tatakutin ba niya ako na hiwalayan  si Zachie

Nakita ko naman yung mukha ni Zachie at para bang sinasabi niya na uy kausapin mo na siya pumayag ka na

"Okay mag usap tayo" sabi ko sabay nagpaalam ako ng halik Kay Zachie naglakad lakad muna kami ni Rhee Anh para magkaroon ng sarili naming usapan yung usapan ng babae sa babae

Nagtungo kami dun sa may veranda mas maganda ang pwesto dun tahimik at walang mangugulo sa pag uusap namin

Inabutan naman ako ni Rhee Anh ng bottled coffee na binili niya

Noong una walang kumikibo sa amin dalawa nakakatuyo ng lalamunan

Nakakaubos ng laway

Di pa ba siya magsasalita anong gagawin namin dito tutunganga

Bubuka na sana ang bibig ko para magsalita nang bigla naman siyang magsimula

"Mahal mo na ba siya?" Prangkang tanong niya na ikinagulat ko

Ang galing nang tanong niya straight to the point

Nginitian niya ako at sabay tinaasan ng kilay

"Yes ,I love him more than everything " sagot ko para naman mawalan na siyang pag asa na balikan yung asawa ko

Natawa siya bigla sa sagot ko di ko alam kung bakit baliw ba ang babaeng ito tatanungin ako tapos kapag sumagot ako tatawa siya

"Hmmm I did a good job right?I planned to get you jealous kasi nung nalaman ko na ikaw pala ang asawa ni Zachie ay naalala ko yung sinabi mo nung unang makausap kita sa mall

You just like him...at Naisip ko Wow she just like him...but Zachie really love her" napatigil siya sandali at lumagok ulit ng kape

"Napaisip ako nun kawawa naman ang best ex boyfriend ko di siya mahal nung taong mahal niya kaya nagplano ako I want my ex to have a happy married life...
And i thought gusto mo naman siya bakit di mo pa siya mahalin then gumawa ako ng mga paraan para mag selos ka yung tipong sasabog ka sa galit at aaminin mo na mahal mo na siya...kasi narealize mo na "

Inalok pa niya ako ng tinapay na nakahanda dun sa lamesa

"So si-sinadya mo lahat ng yun mula simula
Dun sa lipstick...
Sa pabango...
At higit sa lahat yung bracelet..." Gulat na tanong ko kaya naman napatawa siya nang malakas at itinaas na naman ang kilay niya

" Tama ka ano pa ba sa tingin mo na may feelings pa ako Kay love well no way wala na ...
Pero kung tatanungin mo ako kung attached pa rin ako sa kanya siyempre oo kaibigan ko siya bago maging kami
At higit sa lahat ayaw Kong masaktan ang taong maganda ang naging pakikitungo sa akin...Querika di ako tulad ng mga kontrabidang ex na nakikilala mo well sabagay mukha nga akong kontrabida pero I'm not one of them...di ako yung tipong babalikan pa yung nakaraan"sabi niya sa akin sabay hawak ng kamay ko

"I'm sorry ha kung nag selos ka basta huwag mong sasaktan  si Love ko kasi kung sakali baka ako na mismo ang kumuha sa kanya sa iyo...promise me that Querika" sabat pa niya

Na konsensiya naman ako sa nalaman ko haaay tamang hinala heto ang napala ko napaamin  na mahal ko si Zachie
Inilahad ko naman ang kamay ko sa kanya

"Can we be friends Rhee Anh?" Yaya ko sa kanya siguro sa lahat ng nalaman ko tama na ang maging mag kaibigan kami

Tinanggap naman niya yun

"Okay if you want but huwag mong aasahan na magiging mabait akong kaibigan" sarkastikong sabi niya parehas talaga sila ni Xesia ng ugali

Bigla naman siyang tumayo...

"Goodbye na rin siguro gusto ko munang bumalik sa Japan dun muna ako magtatago...ayoko na rin kasi dito baka mas matunton pa ako ni Daddy kaya nice to meet you my new friend Querika... Alagaan mo si Love ha" sabi niya sabay yakap sa akin para kaming mag bestfriend sa inaasta namin ngayon

****

"Hon ano ba yung pinag usapan niyo ni Rhee Anh?" Tanong ni Zachie habang nilalaro laro yung buhok ko

Tiningala ko naman siya mula sa pagkakahiga ko sa mga braso niya

"Uhmmm usapang babae lang yun hon kaya secret"nakakalokong sabi ko

" Okay if that's what you want keep it as a secret basta ang iniintindi ko ngayon ay mahal mo na ako Hon say the magic word again namiss ko na ulit yun kanina"pangugulit niya sa akin at mas nilapit pa niya ako sa kanya

"I love  you Hon ...I love you...I love you Mr.Gwapo!!!" Sabi ko
Nakita  ko naman na halos mamula na sa kilig itong si Zachie baliw na talaga siya

"I love you din hon!!!haaay tagal Kong hinintay  to ang sabihin mo nang ilang beses iyan sa akin di talaga ako makakatulog nito"

Bumangon naman ako at dumagan sa kanya sabay pisil sa mukha niya

" Naku! Tuwang tuwa ka lang kasi ikaw na yung kinababaliwan ko at higit sa lahat ang mahal ko ikaw Hon kilalang kilala kita"sabay halik sa bawat parte ng mukha niya

"Siyempre naman mahal na mahal kaya kita" tugon niya

#kahitkunwari
....
Plagiarism is a crime so don't try









Kahit Kunwari(Montes series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon