Zachie's POV
"Hey Ano!maeextend pa tayo dito teka lang ang akala ko three days then bakit five months Keldrick ano na ba pinagtitripan mo ba ako" gulat Kong sabi sabay bitaw dun sa bagahe ko na inihanda ko na kagabi
Si Keldrick naman ay humiga dun sa kama At humarap sa laptop niya
"Wala bang iba na pwedeng mag substitute sa akin Keldrick" sabi ko
"Wala...lahat kami may parte dito except Jalri and Kuya Rein dahil exempted sila Nakita mo naman si Celdrick maya't maya ang tawag Kay Xesia pagkatapos si Aizel di makakapunta sa first recognition ni Aero si Kuya Jannie kahit sobrang busy niya nandito pa rin siya kaya huwag kang magreklamo Kuya si Daddy Kailangan niya tayo ngayon lalo na humuhina na siya" seryosong sabi ni Keldrick
"No!aalis ako si Querika ang paalam ko sa kanya three days tapos five months kung ayaw mo akong paalisin pwes di mo ako mapipigilan"
Naging seryoso naman si Keldrick at humarap sa akin
"Okay ganyan ka naman iiwan ako tapos pag iisipin ng mga Gawain...alam mo Kuya ako rin naman sa tingin mo ba di ko namimiss sina Brenna pati yung kambal intindihin mo naman ako kahit ngayon lang after five months naman malaya ka na" sabi niya sabay baba ng laptop at lumabas nagalit yata siya
Napaupo na lang ako at naghahandusay sa kama si Querika mamimiss ko siya three days pa nga lang kami dito parang isang taon na paano pa kaya ngayon na extended na!
....
*
Querika's POV"Hon okay lang mahihintay naman kita basta ang gawin mo lang pagbutihin mo diyan okay lang ako dito...kaya tandaan mo pagdating mo dito mag cecelebrate tayo ha " sabi ko sabay baba ng phone
Kahit parang di ko tanggap okay lang si Zachie mawawala siya ng five months habang ako nag iisa dito
Hmmm paano na ako !sabagay ganun din naman sina Xesia
~ding dong~
Narinig ko naman na may nag doorbell
Binuksan ko iyon at bumungad sa akin yung pagmumukha ni Rhee Anh
Marami siyang dalang pagkain"Ang tagal mo naman buksan teka nandyan na ba si Love may dala dala akong pagkain" sabi niya sabay dirediretsong pasok sa loob ng bahay
At alam na alam pa niya yung kusina at binuksan yung refrigerator sabay kuha ng gatas
"Si Zachie di pa siya makakauwi five months ayun maghihintay pa ako ng five months..." Malungkot na sabi ko
"Ano!duh bakit si Zachie pa teka eh yung kuya niya nga ayun tambay lang sa resto niya tapos si Love pinapahirapan nila dun" gulat na sabi ni Rhee Anh
Nakaupo na lang ako sa may counter table
"Hindi naman daw ganun yun exempted naman si Kuya Rein kaya heto si Zachie mamimiss ko siya Rhee Anh" sabi ko
Lumapit naman sa akin si Rhee Anh
"Hmmm edi habang wala si love mag pakasaya tayo mag party party tayo tapos isama kita sa salon and after that mag mall tayo" sabi niya
Duh!bad influence talaga ni ayoko ngang lumabas ng bahay tapos isasama niya pa ako sa mataong lugar
"Ayoko dito na lang ako Rhee Anh"sabi ko
"Kill Joy ka oh sige samahan mo na lang ako mamili ng damit sa mall itext ko na rin si Xesia tutal naman hiniram ni tita si baby Xhiann at wala siyang gagawin ngayon free na free si Xesia
*
" Ano na Rhee Anh kanina ka pa diyan namimili ng damit na halos pareho lang ang design tapos magkaiba lang ang kulay naiinip na talaga ako"sigaw ni XesiaSi Rhee Anh kasi akala mo hirap na hirap pumili ng damit
"Okay okay heto na para magtigil ka na mainipin ito" sabi niya
...
Hinila ni Rhee Anh yung kamay ko papunta sa perfume shop
"Hmm ang bango naman dito wait niyo lang ako bibili lang ako ng perfume" excited na sabi niya kaya pati si Xesia nakisama na rin
Di maganda pakiramdam ko dito para bang nakakahilo di ko rin gusto yung Amoy ng mga pabango parang masakit sa ilong
Lumapit ako Kay Rhee Anh
"Rhee Anh pwede na ba tayong umuwi para kasing~~" Hanggang sa di ko na natapos yung sasabihin ko at ayun dumilim na yung paligid ko
***
Pagmulat ng mata ko nakita ko sina Xesia at Rhee Anh na ngingiti ngiti sa akin"Ano bang nangyari kayo ba nag dala sa akin dito" sabi ko
Lumapit naman si Rhee Anh at niyakap ako
"Hmmp oo naman and Congratulations!" Sabi niya
"Congratulations !?bakit para saan" gulat na tanong ko
"Congratulations kasi magiging Mommy ka na ikaw Querika honeymoon baby ba iyan kasi sabi nila Two Months na daw iyan eh ikaw talaga" sabi ni Rhee Anh
Gosh dahil ba sa di ko pinupuntahan yung mga appointments ko sa doctor kaya...tapos heto ng si Zachie di gumagamit ng proteksyon
"Ano na di ka ba happy Querika gusto mo tawagan natin si Zachie para malaman niya" sabi niya pa
"No I will surprise him baka kasi magkandarapa yun na pumunta dito at higit sa lahat ang alam niya pinupuntahan ko yung doctor na nirekomenda niya sa akin " malungkot na sabi ko
"Ano so ayaw pa niya?" Gulat na tanong ni Rhee Anh
"Sabi niya ienjoy muna namin kaming dalawa muna kaso di ko siya sumunod kaya...huwag mo.munang ipaalam sa kanya Rhee Anh" sabi ko sabay tungo
"Okay I will keep it as a secret pero siguraduhin mo na sasabihin mo sa kanya baka kasi magulat yun Querika
Okay sige si Xesia at ako lang muna ang makakaalam well sabihin na natin Kay tita " sabi ni Rhee Anh"Okay " sabi ko sabay ngiti
#kahitkunwari
....
Plagiarism is a crime so don't try
BINABASA MO ANG
Kahit Kunwari(Montes series #4)
Ficción General"Alam ko ...masakit man sa akin yung totoo nagpapanggap lang ako nagkukunwari nagbabasakali na isang araw ako na iyang laman ng puso mo"-Zachie