Querika's POV
Natakot ako kanina Kay Zachie akala ko kung anong gagawin niya Kay Trevis kaya mas minabuti ko na lang na paunahin muna si Trevis na umalis baka kasi kapag nag tagal pa siya dito sa shop kung saan pa makarating itong inaasal ni Zachie
...
Nakasandal ako sa kanya habang nakaupo dun sa sofa nilalaro laro niya yung buhok ko at Hinahalikan pa niya yung ulo ko
"Hon gusto ko mag date naman tayo bukas " sabi ni Zachie sa akin
Bukas siguro okay lang naman siguradong magiging masaya ang magiging date namin bukas
"Hon ano papayag ka ba nagpareserved na ako sa resto ng oras para sa date natin?" Sunod na tanong niya pa
"Oo hon sige sunduin mo na lang ako sa shop" tipid na tugon ko
Mas okay na rin siguro na pumayag na lang muna ako sa gusto ni Zachie tutal naman mahal ko siya at higit sa lahat ayokong magalit siya na kahit kailan ay di ko pa nakikita sa kanya
***
Nakita ko na masayang masaya si Zachie na ginising ako
Iminulat ko naman ang mga mata ko habang siya hinalikan ang mga pisngi ko
"Hon mamaya susunduin kita sa shop ...I love you" sabi niya at nagpaalam na
Iniisip ko tuloy si Zachie kaya may mga bagay pa kaya siyang di nasasabi sa akin katulad ng mga bagay na Hindi ko magugustuhan sa kanya
***
Busy ako ngayon sa pagpili ko ng mga damit na isusuot mamaya nagpatulong pa ako Kay Mardie na pumili ng damit pero parang di kami pareho ng taste sa pananamitMedyo liberated kasi siya
Sexy kung manamit
Makapal mag make up
Pero elegante siya kung titingnan
Sabagay di naman kasi magkalapit ang edad naming dalawa
"Mam Querika ano po ba talaga ang gusto niyo kasi kung mas gusto niyo ng medyo conservative na style meron din naman po dito na inorder ko " sabi niya
May pumasok naman na delivery boy sa loob ng shop may inabot siya sa akin na box
"From Zachie... Hon wear this..." Iyon ang nakasulat sa box na binigay sa akin nung lalaki
So pinaghandaan pala ni Zachie ang date namin...how sweet
Binuksan ko iyon pink pastel colored off shoulder dress ang binigay niya sa akin
Mabuti pa siya alam niya ang damit na babagay sa akin kaysa sa akin na di alam kung ano ang dapat na susuotin
"Mam Querika may tawag po kayo sa telepono"
Sinagot ko naman kung sino man iyon
"Hello who is this?" Tanong ko hinihintay ko naman na sumagot ang nasa kabilang linya"Hey si Rhee Anh ito gusto lang kita kamustahin Querika ano kamusta na kayo ni Zachie?" Tanong niya
"Kami?okay lang kami masaya naman walang gumugulo at walang problema
Kaso nga lang kahapon si Zachie iba ang inasta niya...nakita niya kasi akong nakikipag kausap sa friend Kong lalaki ayun nagalit siya...pero di naman masyado siguro nagselos lang kaya siya nagkakaganun"kwento ko sa kanyaNapigilan naman sandali si Rhee Anh sa kabilang linya
" Querika...nakita ka niya na ganun well sana next time huwag mo nang uulitin iyon...kasi si Zachie...masyado niyang tinetreasure ang mga malapit sa kanya kung ngayon nakikita mo na okay lang sa kanya pwes Hindi ...si Zachie you don't know the other side of him...his dark side kaya sana huwag mo nang uulitin ulit yun ha...may kasabihan masamang magalit ang mabait "patawang sabi niya Hmmm si Rhee Anh parang tinatakot ako sa sinabi niya well di naman ganun si Zachie oo magagalit siya pero di naman matindi
![](https://img.wattpad.com/cover/146866940-288-k75208.jpg)
BINABASA MO ANG
Kahit Kunwari(Montes series #4)
Fiksi Umum"Alam ko ...masakit man sa akin yung totoo nagpapanggap lang ako nagkukunwari nagbabasakali na isang araw ako na iyang laman ng puso mo"-Zachie