Querika's POV
"Zachie bakit bumalik tayo dito di ba dito tayo nag honeymoon?" Tanong ko Kay Zachie pero heto no choice wala rin akong nagawa kung Hindi sumunod na lang tutal naman dito kami mag cecelebrate ng three months ni baby Zarik
Nandito sila lahat nagtataka ako na para bang bakasyon ang nangyayari kasi ang akala ko kaming tatlo lang tapos pati sila pala nandito
****
Nasaan na kaya si Zachie ?nagising kasi ako na wala na siya sa tabi namin ni baby ZarikKaya ngayon hinahanap ko siya at si baby Zarik pinabantayan ko muna Kay Xesia kasama si baby Xhiann
Hindi ko alam kung saan ba nagsusuot si Zachie
"Aizel si Zachie nakita mo ba?"tanong ko Kay Aizel
" Hmmm si Kuya Zachie ah kanina kasama niya si Rhee Anh may pinuntahan yata baka mamaya pa yun babalik...pero yung dalawang yun ha kakaiba sila parang ang saya saya nila Kanina "sabi niya
Si Zachie at si Rhee Anh sila ang magkasama ngayon...no...siguro nag usap lang sila o kaya naman may pinag usapan lang silang dalawa
" Oh Querika bakit nandito ka.si Zachie di mo ba siya kasama?"Nagulat ako ng tanungin ako ni Rein para kasing may hinahanap din siya
"Ah eh hinahanap ko nga siya kanina ko pa nga di nakikita yung si Zachie sabi naman ni Aizel kasama daw ni Rhee Anh" sabi ko nakita ko naman na nag iba yung aura ni Rein yung kaninang maaliwalas na mukha niya ayun biglang nag iba
"Si-sinong kasama Teka Querika okay lang ba sa iyo na kasama ni Zachie yung ex niya di ka ba nagseselos?" Tanong niya sa akin
Nagseselos siguro Oo pero alam ko naman na yung totoo na wala nang nararamdaman pa sa isat isa yung dalawang yun pero pagdating Kay Kuya Rein iba talaga
"Lets go find them...Querika si Zachie huwag mong hahayaan na dumikit dikit sa kanya ang ex niya minsan kasi awkward yun" pananakot niya pa
Si Kuya nakakahalata na ako sa kanya may something... Eh bahala sila basta ako si Zachie never niyang magagawa yun sa akin
***
Nakita naman namin sina Rhee Anh at Zachie na magkahawak pa ang kamay wow gaano sila ka close yung close na close oh shocks bakit ganun
"Zachie!!!" Sigaw ni kuya Kay Zachie sabay lapit at hatak Kay Rhee Anh
"Kanina pa namin kayo hinahanap bakit ba kayo kung saan saan nagpupunta at ikaw Rhee Anh pinayagan kita na sumama dito kung Hindi dahil request ni Zachie !!!" Sigaw ni Kuya Rein sabay hila paalis Kay Rhee Anh
Lumapit naman si Zachie sa akin at niyakap ako ng mahigpit
"Hon si Kuya galit ba siya ?" Tanong ko
"Hmm hayaan mo siya akala kasi nun may namamagitan sa amin ni Rhee Anh wala naman kasi talaga halika na hon magpahinga na tayo...please" pangugulit niya sabay buhat sa akin patungong room namin
***
Ano naman kaya ang naiisip an kasi nitong si Zachie at palagi silang magkasama ni Rhee Anh di ba?medyo awkward nga kasi talaga yun at di rin siguro? Magandang tingnan
Siguro ngayon ang tanging meron na lang talaga ako ay tiwala ...
Tiwala Kay Zachie
****
Bitbit ko si baby Zarik kinaumagahan nakapag ayos na rin ako at sinuot ko yung puting dress na ibinigay sa akin ni Zachie pero yun na lang ang naabutan ko at isang note na naka dikit sa box ng damit na yun

BINABASA MO ANG
Kahit Kunwari(Montes series #4)
General Fiction"Alam ko ...masakit man sa akin yung totoo nagpapanggap lang ako nagkukunwari nagbabasakali na isang araw ako na iyang laman ng puso mo"-Zachie