Chapter 12

4.3K 114 9
                                    

Lumabas ako ng CR bitbit ang pregnanct test na may dalawang guhit na nagpapatunay na buntis ako. Hindi ako handa para sa sitwasyon na ito. Walang ginamit na proteksyon si Terrence no'ng may nangyari sa amin. Pero hindi ko inaasahan na aabot sa ganito, na mabubuntis ako. Matagal akong nanatili sa banyo habang tinitingnan ang PT. Tatanggapin ko ang buhay na nasa sa aking sinapupunan. Pero ang mas inaalala ko ay si Terrence. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Isa siyang college student, at siguro'y umaasa pa sa kanyang mga magulang. Pareho kaming hindi handa sa ganitong sitwasyon, pero matatanggap kaya niya?

Paglabas ko ay nakita ko si Terrence na nakatayo sa harap ng pinto na para bang hinintay niya akong makalabas.

"Baby, are you okay? You were in the bathroom for a long time." Tanong niya sa akin habang nilapitan ako.

Hindi ko alam pero humakbang ang sarili kong paa paatras. Hindi ako makatingin sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo na parang naguguluhan. "Are you still mad at me for teasing you? Oh please, don't be like this." May tono ng pagmamakaawa sa kanyang boses.

"Hindi naman ako galit sa'yo." Sabi ko sa kanya habang tinitigan siya sa kanyang mga mata.

"Then what's the problem?" Tanong niya sa akin na nagdududa pa rin.

"T-Terrence..." Kinakabahan ako. Kung nasa normal kami na relasyon o di kaya'y mag-asawa kami, masaya kong ibabalita sa kanya ang pagiging buntis ko. Ngunit hindi naman ganoon ang sitwasyon namin. Hindi ko nga alam kung ano ang relasyon namin eh.

"Baby, what's wrong?" May halong pag-aalala niyang tanong habang lumalapit sa akin.

"T-Terrence, b-buntis ako." Utal kong sabi sa kanya. Tumitig ako sa kanyang mukha at pilit na binabasa ang kanyang reaksyon.

Natigilan siya at tahimik na tiningnan ako sa aking mga mata na mas lalong nagpakaba sa akin.

"Nitong mga nakaraang araw nakaramdam ako ng pagkahilo pero hindi ko na pinansin. Pero nang magduwal ako, naisip ko na baka buntis ako. Kanina no'ng wala ka, bumili ako ng pregnancy test, k-kaya nakumpirma ko na... buntis ako." Pagpapaliwanag ko.

Pinakita ko sa kanya ang PT na tinitigan lang niya. Hindi pa rin siya nagsalita at hindi ko naman mabasa kung ano ang kanyang iniisip.

Nagsimula ng tumulo ang aking luha dahil hindi ko na alam kung ano pa ang dapat sabihin. Nasabi ko na na buntis ako, at ang gusto ko ay malaman ang kanyang iniisip. Humagulhol ako sa isipan na baka hindi niya matanggap ang bata. "Magsalita ka naman, please." Hikbi kong pakiusap sa kanya habang niyuyugyog siya.

Natauhan lang siya nang yugyugin ko. Tumingin siya sa aking mukha at pagkatapos ay niyakap ako na ikinagulat ko naman. "Please don't cry, Claire. It will be bad for our baby."

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Humiwalay ako sa kanyang yakap. "A-Anong sabi mo?"

"It will be bad for our baby." Sabi niya at unti-unting ngumiti. "Damn! I didn't know that I would feel this good saying that."

"Ibig bang sabihin... tanggap mo ang bata?" Tanong ko sa kanya dahil gusto kong makasiguro.

"Claire, you don't know how happy you made me feel telling me that you're pregnant. I will take care of you and the baby." Kitang-kita ko ang ningning sa kanyang mga mata.

Bumilis ang aking puso sa kanyang mga sinabi. Hindi ko inaasahan na magiging masaya siya na malaman na buntis ako. "Thank you." Sabi ko nang wala sa sarili.

"No, Claire. Thank you for staying and giving me so much."

Itinaas niya ang aking baba at hinila ang aking baywang palapit sa kanya. Hinalikan niya ang aking noo, ang aking ilong bago ang aking mga labi. Pumikit ako at tinugunan ang paggalaw ng kanyang mga labi. Napakapit ako sa kanyang damit dahil sa sensasyon na dala ng kanyang halik. Sa gitna ng aming halik ay nagsalita siya...

"Let's get married."




AQUEOUS KATE

Kidnapped by a Possessive StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon