Chapter 18

4.8K 147 69
                                    

  Dalawang buwan na ang nakalilipas nang umuwi ako at sinabi sa aking pamilya ang pagbubuntis ko. Gulat at pagkadismaya ang kanilang naramdaman na naiintindihan ko naman. Ilang araw akong pinagalitan nila daddy at mommy habang si Zach naman, kahit hindi makapaniwala, ay pinapatigil sila dahil hindi raw makabubuti sa akin iyon.

Nung tinanong nila kung sino ang ama, hindi ako sumagot. Ayaw kong malaman nila ang nangyari sa akin at ang tungkol kay Terrence. Hindi naman nila ako pinilit pa dahil alam nilang kahit anong tanong nila ay hindi ko sasabihin. Pero si Zach naman ay nagkaroon na ng ideya at tinanong ako, pero hindi ko siya sinagot at sinabing kalimutan na ang lalaking iyon dahil MAGKAIBIGAN lang kami.

Sa ngayon ay hindi na ako pinapagalitan pa nila daddy at mommy. Kahit nasaktan sila, nararamdaman ko naman na tanggap na nila ang aking sitwasyon. Laging nagtatanong si mommy tungkol sa mga nararamdaman ko at sumasama sa akin sa doctor para sa mga check-ups. Si daddy naman ay binilhan ako ng mga libro tungkol sa pagbubuntis at pag-aalaga ng bata na binabasa ko. Si Zach naman ang excited sa lahat, kapag nagkaroon ako ng cravings, siya ang bumibili. Lagi na rin siyang umuuwi sa bahay imbes na tumuloy sa bahay ng mga kaibigan. Bumili na rin siya ng mga damit na panlalaki dahil gusto niyang lalaki ang magiging pamangkin niya. Nakipag-away pa siya kay mommy at nakipagpustahan kay daddy tungkol sa magiging kasarian ng anak ko. Naramdaman ko ulit ang pagmamahal na hindi ko naramdaman noon. 

Dalawang buwan na rin at hindi ko na nakita pa si Terrence. Siguro ay hindi na niya ako kailangan pa dahil kasama na niya si Isabelle. Kasi kung gugustuhin naman niya na makita ako, mahahanap niya ako kasi isa siyang Ainsworth. Wala rin siguro sa kanya ang anak niya na nasa sinapupunan ko.

Nabalitaan ko na hindi natuloy ang kasal ni Isabelle sa Italian business tycoon, ang lalaking kasama niya sa magazine na nakita ko sa kwarto ni Terrence dahil daw sa third-party. Kaya siguro hindi na ako hinahanap ni Terrence dahil masaya na siya kasama si Isabelle.

Galit ako kay Terrence, pero mas nagagalit ako sa aking sarili dahil hindi ko pa rin siya makalimutan. Sa kabila ng lahat ng nangyari, alam ko sa sarili kong mahal ko pa rin siya ng sobra sobra. At kung hinanap niya ako at nagmakaawa siya na balikan ko siya, babalik ako sa pagiging tanga at sasama sa kanya.Ngunit naisip ko rin na siguro mas mabuti na rin na hindi na siya nagpakita pa dahil ako lang din naman ang masasaktan. Ako lang din ang mababalewala. Ako lang din ang maiiwan. Pero naaawa ako sa aming anak kasi isisilang siya na walang kikilalanin na ama.

"Mag-iingat kayo lagi. May napapansin akong mga sasakyan na nagpapark sa subdivision natin na ngayon ko lang nakikita." Sabi ni daddy habang nag-aalmusal kami.

"Baka naman po mga bisita ng kapitbahay natin." Sabi ko.

"Mas mabuti na ang nakakasiguro tayo, lalo ka na Claire dahil buntis ka." Pagwawarn ni daddy. 

"Opo." Hindi na ako umalma pa dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan.

Nang umalis na si daddy, tinulungan ko si mommy na magligpit ng mga pinagkainan namin. Pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto ko para maligo. Pakatapos ay ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng librong binili ni daddy tungkol sa pagbubuntis at pagpapalaki ng bata. Gabundok na ang mga librong pinamili ni daddy, at sayang naman kung hindi ko babasahin. May natututunan din naman ako kahit papano.

Nang matapos na ako sa pagbabasa ay napag-isipan kong kailangan kong maglakad-lakad sa labas ng bahay. Ilang araw na rin akong hindi nakalalabas ng bahay dahil parang lagi akong tinatamad. Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni mommy nang buksan ko ang pinto.

"Malalakad-lakad lang po sa labas."

"Mag-iingat ka ha." Sabi sa akin ni mommy.

"Opo. Diyan lang po ako sa malapit."

Nang makapagpaalam na ako ay lumabas na ako sa bahay at nagsimulang maglakad. Habang naglalakad ay napansin ko ang dalawang sasakyan na ngayon ko lang rin nakita na nakapark sa aming subdivision. Isang puting van at isang black na sasakyan. Ito siguro iyong sinasabi ni daddy na mga sasakyan.  

Hindi ko na masyadong binigyan ng pansin pa ang mga sasakyan at nagpatuloy sa paglalakad. Pero napansin ko na umandar ang mga sasakyan at dahan-dahan na umabante. Sobrang hina ng pagmamaneho nila. Dahil sa parang kinakabahan ako sa mga sasakyang ito.

Naisip kong bumalik na lang sa bahay. Nang maglakad ako pabalik ay parang sinasabayan ako ng mga sasakyan na siya namang nagpabilis ng puso ko sa kaba.

Tatakbo na sana ako pero huli na ang lahat, bumukas ang pinto ng van at may mga lalaking hinila ako papasok. Nagpumiglas ako pero nawalan din agad ako ng malay nang may itinakip sila sa aking mukha na biglang nagpawala ng malay sa akin.




AQUEOUS KATE

Kidnapped by a Possessive StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon