Chapter 14

3.7K 102 21
                                    

"Renz? I didn't expect to see you here." Sabi ng babae na tumigil sa table namin.

Tumingala ako at nakita ang isang pamilyar na magandang babae. Siya iyong babae sa magazine na nakita ko sa kwarto ni Terrence.

Tumingin ako kay Terrence at nakita ko ang pagbalatay ng gulat sa kanyang mukha, at bigla niyang binawi ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay.

"Isabelle... what are you doing here? I thought you're in Italy." Sabi ni Terrence sa babae na halatang hindi pa rin makapaniwala.

"I just came back to do some things." Sagot naman ni Isabelle habang nakangiti.

"I see." Tipid na sabi ni Terrence na tutok na tutok sa babaeng kausap.

Parang sinaksak ang puso ko sa nakikita sa kanyang mga mata. Para akong wala sa paligid niya. Ni minsan, hindi ko siya nakita na nakatingin sa akin ng ganoon. Sabagay, ilang linggo lang kaming nagkasama at kasal agad. Hindi ko nga siya lubusang kilala; ngayon ko nga lang nalaman na isa siyang Ainsworth. Kahit sabihin pang sinabi niyang mahal niya ako at ako ang pinakasalan niya, hindi pa rin maiaalis na si Isabelle ang dahilan kung bakit napunta ako kay Terrence. Kung iisipin para lang akong pamalit kay Isabelle.

Hindi Claire! Hindi ka pwedeng mag-isip ng ganyan.

"So who's with you?" Tanong ni Isabelle habang napunta sa akin ang kanyang mga tingin at ngumiti na mas lalong nagpaganda sa kanya.

Wala ako sa kalingkingan ng kagandahan ng babaeng ito. Kung gusto niyang agawin si Terrence sa akin, madali niyang magagawa.

"She's Claire... she's my friend." Sabi ni Terrence habang iniiwasang tumingin sa akin.

Sa puntong iyon, parang gusto kong maiyak. Ang sakit! Ikinakahiya ba niya ako? O baka ayaw niyang malaman ni Isabelle na may asawa na siya? Hindi ko alam at ayaw kong malaman. Sa sakit na nararamdaman ko ngayon, parang gusto kong tumakbo para mailabas ang luha na gustong kumawala sa mga mata ko.

"Hi, I'm Isabelle Grace Alcoriza. I'm Terrence's closest friend... I guess." Ngiting pakilala ni Isabelle habang inilahad ang kanyang kamay.

"Hello." Tinanggap ko ang kanyang kamay at tipid na ngumiti.

"Why don't you sit with us?" Pag-imbita ni Terrence kay Isabelle.

Akala ko ba ay celebration to ng aming kasal? Haha! Gusto kong matawa sa mga nangyayari. Kanina lang ay sinasabi niya sa akin kung gaano niya ako kamahal, pero heto siya at ipinapamukha sa akin na mas mabigat ang kanyang nararamdaman para sa babaeng kasama namin ngayon. Kani-kanina lang ay ang saya-saya ko, ngayon ay parang mamamatay ako sa sakit na nararamdaman.

"You don't mind if I share a table with you?" Tanong sa akin ni Isabelle.

At sino naman ako para tumanggi. Tumango lang ako at tipid na ngumiti.

Umupo siya sa bakanteng upuan. Si Terrence ang tumawag ng waiter para sa kanya at ang tumanggap ng menu.

"The usual?" Tanong ni Terrence kay Isabelle.

"Yes please." Ngiting sagot naman ng babae.

Kumbaga si Terrence ang umorder ng pagkain para kay Isabelle.

Nang makaalis na ang waiter ay nagsalita si Isabelle. "You really know me well, Terrence. Kung sabagay, we used to come here often and I order the same thing always."

Kung gano'n, dito pala sila laging pumupunta ni Isabelle. Bakit ba hindi na ako nagtataka. Siguro nga ay dinala ako dito ni Terrence dahil dito sila laging pumupunta ni Isabelle dati, at ako ang pamalit sa babaeng mahal niya kaya pwede niyang maimagine na si Isabelle ang kanyang kasama.

Patuloy silang nag-uusap kahit dumating na ang pagkain na inorder ni Terrence. Marami silang pinag-usapan tungkol sa mga dati nilang ginagawa na magkasama. Nagkumustahan pa sila sa kanilang mga pamilya at sa mga business na hawak ng kanilang pamilya. Habang nag-uusap at nagtatawanan, may mga kaunting physical contact na dumudurog sa puso ko. Maraming alam si Isabelle tungkol kay Terrence na hindi ko alam. Mas may pinagsamahan sila kaysa sa amin.

Tahimik lang akong kumakain at nakikinig sa kanila. Para lang akong extra sa kanilang dalawa eh. Ako pa ata ang nakishare lang ng table sa kanila. Kung pwede lang na ipagsigawan ko sa buong restaurant na asawa ako ni Terrence Ainsworth, pero para saan pa kung ang pakilala lang niya sa akin ay isang kaibigan. Hindi ko maipaglaban ang sa akin, kasi parang ipinagsiksikan ko lang ang sarili ko. Ang sakit!

Pero alam mo kung anong mas masakit, yung hinawakan ni Terrence ang kamay ni  Isabelle at sinabi niya, "Why don't you stay? Don't leave Isabelle."

Tungkol sa pagbalik ni Isabelle sa Italy ang kanilang piang-uusapan pero parang iba ang gustong iparating ni Terrence.

"Excuse me." Dali-dali akong umalis dahil hindi ko na kaya ang mga nakikita.

Wala na akong pakealam sa sasabihin o sa reaksyon ni Terrence, tutal nandoon na si Isabelle at hindi na niya ako kailangan.

Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha habang naglakad palayo sa kanila. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng aking mga paa. Hindi ko na rin nakikita ang nadadaanan dahil sa mga luha na nagpapalabo sa aking nakikita.

Hindi ko namalayan na may tao pala sa aking unahan kung kaya ay nabangga ko siya. Dahil sa bigat ng nararamdaman ay natumba ako.

 Dahil sa bigat ng nararamdaman ay natumba ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sorry po." Paghingi ko ng paumanhin.

"Sorry din miss." Sabi ng isang lalaki habang tinutulungan akong tumayo. "Okay ka lang ba?"

"O-Okay lang." Sagot ko habang nakayuko at pinapahid ang mga luha.

"Claire?" Tawag sa akin ng lalaki na nakabanggaan sa aking pangalan.

Tumingala ako sa lalaki at nakita ang lalaking hindi ko inaasahan na makakasalubong.



(A/N): Sorry sa hindi magandang update.

AQUEOUS KATE

Kidnapped by a Possessive StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon