Chapter 11

4.3K 109 7
                                    

"Do you want to go to the supermarket with me?" Tanong sa akin ni Terrence na ikinabigla ko.

Matapos kong magsuka kanina ay ipinagpahinga niya ako. Ngunit tatlong oras na akong nakahiga at nababagot na ako kaya ilang beses ko siyang kinulit na pabangunin na ako. Pero pinipilit niya akong magpahinga kaya nagtampo kuno ako. At heto na nga siya at nagtatanong nang sobrang ikinagulat ko.
"T-Talaga?"

"Yes. I don't know what to buy anyways so it would be best to have you with me." Ngiti niyang sagot.

Dahil sa sobrang tuwa, niyakap ko siya. Hindi ko mapigilan ang saya dahil makakalabas na ako sa condo niya. Ilang araw na ako dito at sobra kong namiss ang labas.

Pinaliguan niya ako katulad ng ginagawa niya sa akin nang mga nakaraang araw. Pinasuot niya ako ng karaniwan na puting dress na lagi niyang pinapasuot sa akin. Sinuklayan niya rin ako at tinirintas ang aking buhok na siyang aking ikinagulat.

"Paano ka natutong magbraid?" Tanong ko habang nakaupo sa kama at siya naman ay nasa aking likod na inaayos ang aking buhok.

"I have a younger sister and was forced to play with her when we were kids. I learned how to braid because of her." Sabi niya sa akin.

May nakababata pala siyang kapatid. Bumungisngis ako sa imahinasyon na naglalaro si Terrence kasama ang kanyang kapatid na babae habang nagtitirintas ng buhok ng isang Barbie doll.

"Stop giggling." Niyakap niya ako mula sa likod at hinalikan ang aking pisngi na nagpatambol sa aking puso.

Pagkatapos niya akong lambingin sa kama ay umalis na kami ng condo niya. Magkahawak kamay kaming lumabas ng condo at dumiretso sa parking lot kung saan sumakay kaming dalawa sa isang magarang sasakyan na hindi ko alam kung anong pangalan. Ang isa niyang kamay ay nasa manibela habang ang isa naman ay hawak-hawak ang aking kamay. Imbis na tumingin sa labas, nakatitig lang ako sa kanya. Ang gwapo niya habang nagdadrive. Bwisit lang ang hindi maiinlove sa kanya.

Nang makarating kami ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Hindi niya binitawan ang aking kamay nang pumasok kami sa mall at dumiretso sa supermarket. Siya ang nagtulak ng trolley habang ako naman ang kumukuha ng mga pagkain at ilan pang mga kailangan namin sa condo.

"Magkano ba ang budget mo?" Tanong ko sa kanya matapos makitang marami pala akong inilagay sa trolley, dahil marami siyang kailangan sa kanyang condo.

"Just get whatever you need, babe." Nakangiti niyang sagot.

Hindi na ako magtataka. Kahit college pa lang siya, may magara na siyang sasakyan at sobrang laking condo. Kahit ang kanyang mga galaw ay halatang anak mayaman.

Nang matapos na akong maglagay ng mga kakailanganin sa kanyang condo, pumunta na kami sa counter para magbayad nang magring ang kanyang cellphone. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang kanyang cellphone.

"I will just answer this." Sabi niya sa akin at inabot ang kanyang credit card.

"Okay." Tanging sagot ko nang umalis siya.

Nang matapos ang pagbabayad, hindi pa rin bumabalik si Terrence. Habang patingin-tingin sa paligid upang hanapin siya, nakita ko ang isang pharmacy kaya't naisipan kong bumili ng bagay na magbibigay sa akin ng alam kung tama ba ang aking naiisip tungkol sa nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. Itinago ko iton sa mga pinamili namin. Pagkatapos kong bumili, bumalik ulit ako malapit sa counter kung saan niya ako iniwan, pero wala pa rin siya.

Halos kalahating oras akong nakatayo kasama ang aming mga pinamili. Gusto kong maiyak na baka hindi na niya ako balikan.

Nang makita ko siya ay agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya. "Akala ko hindi mo na ako babalikan." Garalgal kong sabi sa kanya.

"Claire, baby, I'm sorry." Binalik niya ang aking yakap. "I just had to fix something."

Humiwalay ako at nakita ang mga taong nakatingin sa amin. Nakaramdam ako ng hiya sa mga tingin ng mga tao. Tahimik kong binalikan ang aming mga pinamili at ibinigay iyon sa kanya at hinila siya paalis ng supermarket. Naririnig ko naman ang pagbungisngis ni Terrence habang hila-hila ko siya.

"Now my baby's shy. Ikaw ang yumakap sa akin sa harap ng maraming tao." Pang-aasar niya sa akin.

Tahimik lang ako habang pulang-pula ang mukha sa kahihiyan hanggang sa makarating kami sa condo.

Nang makapasok kami sa kanyang condo, kinuha ko ang mga plastic bags at inilagay ang mga iyon sa kusina. Habang hindi siya nakatingin ay kinuha ko ang bagay na binili sa pharmacy at mahigpit na hinawakan iyon at siniguradong hindi iyon makita ni Terrence. Hindi pa rin ako nagsasalita at ramdam ko naman ang pagtingin niya sa akin.

Pagkatapos ayusin ang aming pinamili ay dumiretso ako sa kwarto at sa banyo. Ginawa ko ang dapat gawin at hinintay ang resulta sa pregnancy test na binili. Nang makita ang dalawang guhit sa PT, hindi ko malaman kung ano dapat ang maramdaman o ang dapat gawin.



AQUEOUS KATE

Kidnapped by a Possessive StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon