Chapter 3: New Classmate

158 14 1
                                    

Hindi ako normal.

Kung hindi ako normal ano ako.

Kakaiba ba ako sa mga normal na tao.

Ano bang meron sakin.

Halos mawala ako sa sarili ko sa nalaman ko na hindi ako normal. Pagkatapos sabihin sakin yun ni Mr. Principal ay pinatawag nya ang isang babae na sobrang ganda. Matangkad siya, kulay grey ang mga mata niya katulad din ng kulay ng buhok niya, napaka sexy niya din dahil ang liit ng bewang niya at may malaki syang hinahanap at nakakakalma ang mga ngiti nya na para bang sinasabi nito na wala dapat akong alalahanin.

Habang naglalakad kami ay lagi syang binabati nang mga estudyante at nalaman ko na isa pala syang teacher sa school na to. Wala kasi sa itsura nya ang pagiging teacher dahil mukha syang bata.

Sya daw si Maam Carmela.

"Ms Ella nandito na tayo sa Dorm mo" sabi sakin ni Maam Carmela

"Salamat po" sagot ko.

"Kung may kailangan ka ay tumawag ka nalang sa telepono and dont worry kusa nalang yan mag didial base sa kailangan mo"

Nag nod ako at pumasok na sa Dorm at tama nga ang sinabi nang principal, nandito na ang mga gamit ko at mas ikinatuwa ko ay may refrigerator dito katulad ng refrigerator namin sa bahay at pagbukas ko nito ay nandito ang mga babies ko.

Hay salamat naman at hindi ako medyo malulungkot. Pero kamusta na kaya si Mama kumain na kaya sya? gusto ko nang umuwi pero sabi nila si Mama daw nagpasok sakin dito at ni minsan ay di ko sinuway si Mama.

Sinubukan kong matulog at humiga ako sa kama para makaidlip pero di ko magawa dahil di parin nag si-sink in sakin ang mga nangyari.

Maya maya ay biglang umilaw nanaman ang Necklace na Binigay ni Mama at nagkulay Asul nalang ito di ko alam ang dahilan pero ang alam ko lang ay may mangyayaring di ko gusto.

******

Anong oras naba..

WHAAATTTT!!!!!!

Mag 7:16 na kailangan ko nang mag madali dahil nakalagay dito sa schedule ko na binigay ni Maam Carmela bago ako nakatulog kagabi ay 7:45 start nang klase ko.

Dali dali akong naligo at sinuot ang uniform na nakita ko sa upuan. Para itong sailormoon dahil may kaiklian at kulay maroon ang palda at ang blouse ay kulay dilaw.

Tumatakbo ako papunta sa building na nakita ko sa schedule ko pero tumingin muna ako sa school map para masigurado kong hindi ako maligaw.

Gutom na gutom na ako di kasi ako nakapag almusal sa pagmamadali kaya nagbaon nalang ako nang fries medyo hindi pa to luto kasi minadali ko at baka malate pako.

Nandito nako sa building na nakalagay sa schedule ko at may kalakihan ito hanggang fourthfloor ito at may tatlong room kada floor.

Umakyat ako sa 3rd floor at 2nd room kasi yun yung nakalagay dito sa schedule na bigay sakin. Buti nalang talaga binigay to sakin ni Maam Carmela kasi kung hindi ay malabong mahanap ko ang room na ito.

Nang makarating ako ay dali dali kong binuksan ang pinto pero huli na dahil late nako at nagsisimula na ang klase.

"Welcome Ms. Ella you are late 3 minutes and 25 seconds" sabi ni Maam Carmela na teacher pala namin at wow bilang na bilang ang oras ha.

"Sorry po Maam"

"Well its okay, pumasok ka na. Well class meet your new Classmate" pag papakilala ni Maam sakin at tinaas nya ang dalawa nyang kilay na parang sinasabi sakin na magpakilala ako.

"Hello Im Ella Ramirez. Sana maging close tayong lahat."

Pagpapakilala ko na may halong takot at hiya. Pagkatapos kong magpakilala ay umupo nako sa likuran kung saan may bakante at sa tabi ko ay nakita ko nanaman yung lalaking lumabas sa principal Office.

Mukha syang masungit kaya di ko nalang sya kinausap at nakinig nalang. Halos mga normal subject lang tinuturo nila hanggang may isang subject akong narinig na kakaiba. Magical ang tawag sa subject na yun

Lumabas kami nang room at pumunta sa isang training Hall isa isa silang nagpakitang gilas gamit ang mga kakaiba nilang kapangyarihan.

Teka may kapangyarihan sila!!!  Kaya pala sabi ni principal ay hindi kami normal. Teka pati rin bako meron din!? muli akong napatingin sa Necklace ko at kulay blue parin ito.

Nanuod muna ako. May nakita akong kaya nyang makakita nang malayo pero ang kakaiba pa ay kaya nyang makita kahit ang nasa likod nya kaya naiiwasan nya ang lahat.

Pangalawa naman ay yung isang babae na nakakapagpalutang nang mga gamit at nagagawa nya itong baliin upang gumawa nang shield, espada at marami pang iba.

Marami pakong nakita at namangha ako sa kanila hanggang doon na sa lalaki na nakatabi ko at nalaman ko ang pangalan nya, siya pala ay si Vin.

Nagulat ako sa kanya dahil naglalabas sya nang apoy pero ang kakaiba ay nagiging pula, asul at ang pinaka mainit ay itim. Grabe ang lakas nang kapangyarihan nya.

Hanggang tinawag ako. Di ko alam kung pano ko palalabasin to pero ang mas malala di ko alam kung may kapangyarihan ba ako.

"Ms. Ella para mapalabas ang kapangyarihan kailangan mong maniwala na meron ka at isipin na mapapalabas moto"

Nakinig nalang ako kay Maam at sinubukan ko pero di ko nagawa inulit ko pero di ko nagawa halos mawalan na ako nang tiwala at tumingin sa necklace na binigay ni Mama at naalala ko kapag nandito si Mama i-checheer nya ko kaya sinubukan ko uli at nagconcentrate ako.

Nilagay ko ang kamay ko sa harapan at nagulat ako nang may lumabas na tubig pero ang mas kinagulat ko nung tinigasan ko ang kamay ko ay naging yelo ito.

Nagpalakpakan sila at naririnig ko ang pinaguusapan nila.

Sya nga ang chosen.

Grabe di ko inakala na sya yun.

Ang galing nya.

Bakit ang bilis nyang natutunan yun.

Baka manalo na ang Academy natin.

Natuwa ako sa mga narinig ko pero ano yung manalo ang academy namin bakit may laban bang mangyayari.

Natapos ang klase naman at di parin ako makapaniwala na may kapangyarihan ako.

Pagkabalik ko sa Dorm ay kumain nako at nagpahinga grabe ang daming nangyari sakin ngayung araw nato.

Mukhang di ko kakayanin ang mga susunod pa na araw. Muli akong tumingin sa necklace ko at napagisip isip ko kung alam bato ni Mama.

Authors Note:

Nag enjoy ba kayo sana nagustuhan nyu yung story ko.

Dont forget to vote and feel free to comment babasahin ko po yan isaisa at baka isama ko ang name nyu sa mga susunod pa na chapter.

Magical Academy for Magicial Abilities. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon