Chapter 10: Team

75 2 3
                                    

Ito na ang araw na kung saan kakalabanin ko na sila Vin at Emmanuel.

Di ako makatulog nang maayos kagabi dahil iniisip ko kung anong mangyayari ngayon at kung pano ko sila tatalunin pero isa lang ang pumapasok sa isip ko.

KAILANGAN KONG LUMABAN

Friday ngayon kaya 8:30 pa ang pasok ko. Kaya nagpahinga muna ako sandali pumunta ako sa kama at humiga, iniisip ko parin kung pano sila tatalunin.

Nang tumingin ako sa orasan ay mag 8:17 na kaya umalis nako nang dorm at pumasok na sa klase namin.

Gaya parin nang dati ay lagi akong gustong kausapin nila Angeline pero di ko parin sila pinapansin pero kanina binigyan ko sila nang isang pilit na ngiti dahil alam ko naman na di nila gustong gawin yun pero di parin maalis sakin ang magalit kasi niloko nila ako.

Nagsimula na ang klase namin at di ako makapag focus dahil mamaya ay lalaban nako sa kanila. Pagdating nang lunch ay kumain ako nang marami dahil alam kong kailangan ko ito para sa laban mamaya.

Habang papalapit na nang papalapit ang oras na pinagusapan namin ay parang gusto kong sumuko nalang dahil natatakot ako, pero sa tuwing naalala ko na ang tingin nila sakin ay mahina biglang lumalakas ang loob ko.

Nang Magical na ang subject bigla akong nanghina dahil isang oras nalang. Bigla akong nawalan nang lakas at napaupo.

Di ako mapakali, kung tumakas nalang kaya ako o sabihin kong masakit ang katawan ko pero hindi pwede eh kasi baka isipin naman nilang duwag ako. Kaya tumayo ako at pumunta sa Training Hall. Kanina ko napapansin at kanina pang first subject ay wala pa sila Vin at Emmanuel at baka naduwag na sila at natakot o baka nahiya.

Nang natapos ang klase namin ay wala parin sila pero pumunta na ako sa Open Area na pinagusapan namin. Pakiramdam ko ay nanghihina ako pero sinasabi nang isip ko na kailangan ko tong gawin.

Pagdating ko sa Open Area ay walang tao. Nakahinga ako nang maluwag dahil pakiramdam ko umatras sila. Baka natakot sila sakin kaya tumalikod nako at nag lakad pabalik pero bigla akong kinilabutan nang marinig ko ang boses nya.

"Saan ka naman pupunta ha? Mukhang natatakot ka" sabi ni Vin habang nakangiti pero yung ngiti nayun ay nang aasar.

"Ako natatakot sa inyo! No Way! Kala ko kasi umatras kayo kasi wala kayo sa room kanina at pagdating ko dito ay wala pa kayo! " pagmamatapang kong sabi pero alam kong natatakot nako.

"Well dahil nandito na kami simulan na natin" sagot ni Emmanuel

Bigla silang pumunta sa gitna at pinundot ang button para kung may masira man sa laban namin ay di yun totoo.

Bigla biglang dumami ang nanunuod at nakita ko sila Anna, Angeline, at Phya at parang may gustong sabihin sakin si Phya pero di nya magawa kasi alam nyang nagsimula na ang laban namin.

Naghanda na ko at nagdasal na sana matalo ko sila. Sana magawa ko.

Phya PoV:

Dali dali akong pumunta sa training hall para makita si Ella at para ipakita sa kanya ang nawawalang part nang page nang The Chosen Necklace. Nakuha ko to kay Micco at sabi nya ay nakita nya to nung biglang umalis si Ella sa Library. Pero wala na sya doon at pagpunta ko sa Open Area ay nagsisimula na sila at napakadaming nanunuod.

Flashback

Papunta nako sa training hall nang makasulobong ko si Micco at parang may hinihintay sya.

"Micco sinong iniintay mo? " tanong ko sa kanya.

"Nakita mo ba si Ella? " Tanong nya sakin at para bang naging sagot nya narin sa tanong ko. Si Ella alam ko nasa Training Hall sya ngayun.

"Ah sige salamat" sabi nya sabay alis pero pinigilan ko sya kasi bakit nya gustong makita si Ella.

"Ano bang kailangan mo sa kanya? " tanong ko ulit sa kanya at hinihintay ko ang sagot nya.

"Nakita ko to sa Library nang umalis sya kasi napansin ko may hinahanap sya at parang nagmamadali sya" pinakita nya ang isang papel at napansin ko na parang ito yung nawawalang part nang page nayun at nabasa ko kung ano ang kadugtong nang huling salita doon sa libro.

But if the Chosen One believe in herself  she can used her power even if she doesnt wear the chosen necklace and she can be even more stronger.

"Kaya gusto ko syang makita para maibigay yan" napansin ko na parang gustong gusto ito ibigay ni Micco kay Ella. Naisip ko na ako nalang ang magbigay kay Ella at pumayag sya pero pagdating ko sa Training Hall ay wala nang tao kaya dali dali akong tumakbo sa Open Area pero huli nako nagsimula na sila.

End of Flashback

Ella PoV:

Nagsimula na kami ang unang laban ay kami ni Emmanuel napakalakas nya at halos ako ang umaatake sa kanya nang mga bato. Dilaw kasi ngayon ang nasa pendant nang necklace ko at natutunan ko ang paggamit nito dahil nag search ako kung paano ito palalabasin at nagawa ko siya nang ilang beses. Pero di sya tinatamaan at ang nakakagulat pa ay hindi pa siya umaatake hanggang sa mapagod ako at naramdaman ko na ginamit nya ang pagkakataon nayun para umatake. Bigla syang naglabas nang mga dahon at mga ugat na naging dahilan para di ako makagalaw. Dahan dahan syang lumapit at nararamdaman ko ang paghigpit nang pagkakapulopot sakin hanggang sa napasigaw nalang ako nang malakas

Kainis ang sakit na talaga at nakita ko na nasa harapan ko na si Emmabuel at nagpalabas sya nang isang Ugat na matulis at nakatutok ito sa akin. Diko na alam kung ano ang gagawin ko pero maya maya ay napansin ko ang pagiba nang kulay nang pendant ko sa dilaw na naging pula.

Naisip ko na kayang talunin nang apoy ang halaman kaya nagfocus ako at maya maya pa ay nawala na ang mga ugat na nakapalibot sa akin at nasusunog na sila napansin kong nagulat si Emmanuel at ginamit ko ang pagkakataon nayun para umatake pero bigla akong napahawak sa kanang braso ko na biglang dumugo at napasigaw ako sa sakit, umatake rin pala si Emmanuel kasabay nang pag atake ko.

Pero nakita ko ang kinaroroonan nya ngayon at nanghihina sya nakita ko na parang may paso ang kamay nya na ginawa nya atang pangsangga sa atake ko.

Narinig ko ang pag palakpak nang mga nanunuod pero alam kong di pa tapos ang laban.

Tumayo ako at tumingin kay Vin at may sinabi ako sa kanya na kinainis nya.

"Tapusin na natin to! "

Magical Academy for Magicial Abilities. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon