Chapter 8: Give Up

134 6 2
                                    

Medyo late ako nagising ngayon dahil halos wala akong sapat na tulog this past few days kaya ngayun ang sarap nang gising ko.

Nagluto ako nang kakainin ko. Nagsaing nako at nagluto nang Fried Chicken na nakita ko sa Refrigerator ko at timplado na to.

Pagkatapos ko kumain ay naghugas nako at naglinis nang dorm dahil medyo madumi na ang dorm ko. Pagkatapos ko maglinis ay naligo nako at nagbihis then nag simula nakong magbasa nang libro.

"The Chosen"

Yun ang title nang libro at pagbukas ko ay may nakita akong ibat ibang Jewelry may Ring, Watch, Earring at yung necklace ko.

Actually apat lang talaga silang jewelry at lahat sila ay may chosen sa name katulad nang sakin The Chosen Necklace, The Chosen Ring at puro chosen na.

Binasa ko na yung akin at pumunta sa 2nd Page pero wala namang instruction dito at nakita ko lang dito ay isa pang description.

The Chosen Necklace is the most powerful Chosen Jewelry than the three. Chosen Necklace gives great power to the Chosen One who have it.
This Necklace can show what ability you can use. But if this necklace has been remove or get from the chosen one. The power that he/she had been obtained from the necklace will be gone. Unless -

Di ko na nabasa ang ibang description dahil punit ito. Pero pag nawala sakin tong necklace nato ibig sabihin wala nakong kapangyarihan, pero ano yung unless nayun? bakit kasi punit yung part na yun nakakainis naman.

Sinara ko na yung libro at nahiga at naisip ko na baka naiwan sa library ang part nayun kaya dali dali akong tumakbo papunta sa library.

"Nasaan naba yun? " mahina kong sabi.

"Ano bang hinahanap mo? " sabi nang isang lalaki na familiar ang boses sakin at nang mapatingin ako sa mukha nya di nga ako nagkamali, sya nga.

"Ah Micco, wala naghahanap lang ako nang magandang libro. Si-sige alis nako" tumakbo ako palayo sa kanya dahil nahihiya ako.

Bumalik nalang ako sa dorm ko at nahiga na ko. Mukhang di ko na mahahanap yung last page na yun hayssss suko nako, halos lahat na kasi nang libro na nasa hilera nang librong The Chosen eh wala pa rin. I Give Up.

Micco PoV:

Ano kaya ang ginagawa nya dito at ano ang hinahanap nya. Niligpit ko nalang ang mga librong pinagkukuha nya at iniisa isa ko itong inilagay at medyo mataas ang hagdan na aakyatin ko pero hayaan mo na.

Umakyat nako at nasa pinaka taas ako nang Book Shelves at parang may kung anong piraso nang papel doon na naiwan at mukhang galing ito sa isang page na napunit.

Hindi kaya ito ang hinahanap nya o baka nagiimagine lang ako. Itatago ko nalang at tatanungin sya.

Paalis nako nang library nang makita ko sina Vin at Phya na nag uusap. Diba galit si Ella kay Vin at tinutulungan naman ni Phya si Ella.

Lumapit ako sa kanila nang kaunti para marinig ang sinasabi nila.

" Sigurado kana ba na sya nga? "

"Sigurado nako at malalaman natin yun sa laban namin"

"Sige mauna na ako"

Anong sya nga at sino ang tinutukoy nila. Bigla nalang umalis si Phya at naiwan si Vin doon at biglang dumating si Emmanuel at parang may pinaguusapan sila pero di ko marinig.

Masama ang kutob ko kailangan kong malaman kung ano ang pinaguusapan nila.

Ella PoV:

Nakaidlip ako dahil sa pagod. Pero di ko na talaga malalaman kung ano ang huling description doon sa manawalang part nang page.

Maya maya ay kumain ako nang ice cream at chocolate. Ang sarap parang nawala ang problema ko.

Pagkatapos ko kumain nang ice cream ay napagdesisyunan ko na lumabas muna at maglakad lakad.

Ang ganda talaga nang academy na to napakilinis at talagang wala kang makikitang dumi.

Nakapunta ako sa Mall nang Academy at di ko alam na meron palang ganun dito. Sabagay kasi bawal ka lumabas nang Academy kaya naglagay nalang sila nang mall dito para di mainip ang mga estudyante.

Maganda ang mall nila may kalakihan at marami kang mabibili dito katulad nang damit, mga gamit sa school, pagkain at syempre ICE CREAM.

Pumunta muna ako sa Ice Cream Shop at kumain ako nang Ice Cream at hulaan nyu ang flavor......... Cookies and Cream!!! Binili ko yung pinakamalaki at alam kong di pa to sapat para sakin.

Pagkatapos ko kumain ay naglakad lakad ako hanggang makita ko si Emmanuel at Anna na nag uusap.

Magkaibigan ba sila? Kung oo bakit niya ako tinutulungan para labanan sila at ano ang pinaguusapan nila. Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko at maya maya ay naghiwalay na sila at napansin kong nagmamadali si Emmanuel umalis.

Isa pa sa napansin ko ay parehas ang kapa nilang may tatak na letter T at may design na nakapaligid dito para syang isang logo.

Nang mapansin ko si Anna na bumaba ay inayos ko ang sarili ko at kunwari ay hindi ko sila nakita at kakamustahin ko siya.

"Huy Anna bat ka nandito? " tanong ko sa kanya at halata sa mukha nya na para bang nagtataka kung bakit ako nandito.

"Ka-kanina ka paba dito? " tanong nya na parang di nya narinig ang tanong ko.

"Hindi kakarating ko lang at nakita kita sa escalator pababa kaya sinalubong kita" pagsisinungaling ko.

"Tara na kain tayo Ice Cream libre kita" pag aanyaya nya na para bang iniiba ang usapan.

Pumunta kami doon sa Ice cream shop na kinainan ko at parang walang nangyari at pagkatapos ay umuwi nako.

Habang naglalakad kami sa corridor na naka red carpet pa at may mga chandelier ay di ko mapigilan na tanungin sa kanya kung ano ang ibig sabihin nang logo sa kapa nya.

"Anna ano ibig sabihin nang logo nayan? " tanong ko.

"Ah ito binibigay to nang school sa mga estudyante dito na - " napatigil sya na para bang hindi nya dapat ito sabihin dahil mukang importante ito.

"Na? "

"Na - matagal na nag aaral dito" sabi nya pero alam kong may tinatago sya.

"Eh bakit sa ibang estudyante wala silang ganyan? " tanong ko.

"Ba-baka di nila kinukuha. Mauna na ako Ella kita nalang tayo sa room bukas" sabi nya at nagmadali syang pumasok sa dorm.

Alam kong may tinatago si Anna sakin pero di ko alam kung ano. Bumalik nalang din ako sa dorm at nagpahinga. Maraming nangyari ngayong araw at pagod na pagod ako at natulog nalang para sa pasok ko bukas.

Authors Note:

Maraming maraming salamat sa inyo keep voting and comment lam na pag magaganda ang comment.

My story is nothing without you Magicals.



Magical Academy for Magicial Abilities. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon