Chapter 11: Team 2

53 2 4
                                    

Alam kong nagalit sya sa sinabi ko at halatang halata sa mukha nya ang pagkakainis.

Pumunta na sya sa Open Area at nakita kong nakatayo si Emmanuel at ginagamot na sya nila Phya at alalang alala nadin sila sakin. Ano bang nagawa ko, sa simpleng sabi lang nila sakin na mahina ako ay nagawa ko silang saktan. Nawala ako sa focus ko at pakiramdam ko na parang gusto ko nang sumuko.

Maya maya pa ay narinig ko ang boses ni Vin na naging dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ko.

"Simulan na natin" sabi nya sabay atake nataranta ako kaya medyo nahuli ako sa pagiwas na naging dahilan para mapaso ang kaliwang braso ko.

Umatake sya ulit at patuloy parin ang pagiwas ko. Di ko magawang umatake dahil baka may masaktan ako.

"Hanggang pagiwas kana lang ba? Di mo ko matatalo kung di ka aatake" pangaasar nya sakin na naging dahilan nang pag atake ko.

Nakaiwas din sya pero sa pagkakataon ngayun ay ako naman ang umaatake. Patuloy ang pag iwas nya at napansin kong tinamaan sya sa kaliwang paa nya na naging dahilan nang paghinto ko sa pag atake.

Pero sa paghinto ko ay napansin kung ginamit ni Vin ang pagkakataon na yun para umatake at gumawa ako nang apoy na pangsangga pero hindi sapat yun para mapigilan ang pag atake nya kaya tumalsik ako at napansin kong natanggal ang kwintas ko dahil nakasabit na ito sa mga ugat na ginamit ni Emmanuel sakin.

Pinilit kong makuha ang kwintas pero humarang sya na naging dahilan nang pag atras ko. Di ko na alam ang gagawin ko dahil sabi sa Libro pag di ko na suot ang kwintas ay mawawalan ako nang kapangyarihan maliban pag. Di ko na nahanap ang nawawalang parte nang pahina nayun.

Hanggang sa narinig ko ang pagsigaw si Phya.

"Ella kahit hindi mo na suot ang kwintas ay magagamit mo parin ang kapangyarihan nito pag naniwala ka! " sigaw ni Phya sakin. Pano nya nalaman? Nahanap nya ba ang nawawalang parte nang page nayun. Wala nakong nagawa at naniwala nalang sa kanya.

Maya maya ay napansin kong nagpapalabas na si Vin nang isang bola nang apoy. Ginawa ko ang sinabi ni Phya pero bakit wala parin muli akong napatingin kay Vin at napakalaki na nang apoy at napapikit nalang ako, dahil sa sobrang init ay parang nawawalan ako nang hininga at nanghihina na ako at naramdaman ko na lang ang pagdilim nang paligid.

Phya PoV:

Ok naman si Emmanuel at napaso lang ang kamay nya pero si Ella kaya paba nya? halos mapagod sya sa laban nila Emmanuel at ngayon ay kakalabanin nya na si Vin. Sana walang gawing masama si Vin kay Ella dahil alam ko na alam nya na kailangan namin si Ella sa Team para sa Siperia's Cup.

Nang magsimula sila ay di makaatake si Ella hanggang sa makahanap sya nang pagkakataon na umatake at si Vin naman ang umilag nang umilag pero nung tinamaan ni Ella si Vin ay napahinto si Ella sa pag atake na para bang natatakot sya baka may nasaktan sya pero nagulat ako nang biglang umatake si Vin na naging dahilan para mapatalsik si Ella sa kinatatayuan nya at napansin kong natanggal sa leeg nya ang kwintas dahil sa pagtalsik nya, sumabit ito sa isang ugat na ginamit ni Emmanuel sa pag tatali kay Ella.

Napansin kong natataranta na si Ella dahil hindi nya na alam ang gagawin nya hanggang sa naalala ko na nasakin pala ang piraso nang papel na binigay ni Micco at sumigaw ako para marinig ni Ella to.

"Ella kahit hindi mo na suot ang kwintas ay magagamit mo parin ang kapangyarihan nito pag naniwala ka! " sigaw ko sa kanya. Alam kong nagtataka sya kung pano ko nalaman pero alam kung sinusubukan nya pero nagulat ako nang makitang nag palabas nang apoy sa kamay ni Vin at palaki ito nang palaki. Nang tingnan ito ni Ella ay gulat na gulat sya sumigaw ako kay Vin pero di sya nakikinig at nakita ko nalang na napapikit nalang si Ella at maya maya pa ay nawalan na nang malay.

Biglang dumating ang mga teacher at nagsialisan na ang ibang nanunuod at yung iba ay nanatili parin dinala nila si Ella sa Clinic para gamutin nakita ko ang pagaalala ni Vin pero ayaw nya tong ipakita. Pero bakit nya parin ginawa yun alam nyang mapapahamak si Ella.

Hanggang sa maalala ko na napapalabas ni Ella ang kakaiba nyang kapangyarihan kapag nanganganib sya at kung gusto nya talaga ito palabasin pero kanina di nya nagawa wala ba syang tiwala sa kapangyarihan nang The Chosen Necklace. Di ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Nandito ako sa labas nang clinic at hinihintay na gumaling si Ella.

*******

Halos 2 araw ako dito pero nung nagising nako nang araw na pagkatapos nang laban namin ni Vin ay ayus nako sabi lang sakin nang nurse na magpahinga muna ako nang isa pang araw para tuluyan nakong gumaling.

Nang makabalik nako sa Dorm ay di ko maalis sa isip ko ang nangyari. Bakit di ako inatake ni Vin at ano ba ang pabor na gagawin ko sa kanila.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto ko at dali dali akong tumayo para buksan ito. Nang mabuksan ko ito ay nakita ko si Angeline na nakatayo sa labas nang dorm ko.

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya, medyo nawala na ang galit ko sa kanila dahil alam kong sila ang nagbantay at nagalaga sakin nung nasa ospital pako.

"Ella kailangan nating mag usap." sabi nya na parang gustong gusto nya talaga akong kausapin.

Wala nakong nagawa kundi papasukin sya tsaka may itatanong ako sa kanya.

"Ano ba ang paguusapan natin?" tanong ko ulit sa kanya.

"Ella sasabihin ko na lahat nang tungkol sa Amin nila Anna, Phya, Emmanuel, Vin, at Micco" sabi nya na ikinagulat ko.

Ano pati ba si Micco ay kasama pero bakit at pano? Alam kong posible yun pero nung laban nila ay parang di sila magkaibigan.

"Oo Ella pati si Micco"

Authors Note:

Salamat sa patuloy na pagsuporta fighting lang vote at comment narin kayo. Pasensya sa pag antay 1 year nadin to nakatambak ngayon ko lang ulit nasimulan magulat dahil sa Inyo. I rerevise ko din ang Ibang chapter para ma's maging malinaw ang mga chapter.

Magical Academy for Magicial Abilities. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon