Chapter Eighteen

67 52 0
                                    

Arkin's Pov

-

Hindi ko alam na ganon pala sila ka-close ni Kent. Ilang araw pa lang sila mag kakilala pero ganon na agad sila ka-close? May gusto ba si Kent sakanya? No way! Hindi pweding mag kagusto sakanya si Kent at hindi rin pweding mag kagusto si Ry kay Kent.

I can't let that happen.

Tuwing nakikita ko siyang tumatawa sa harap ni Kent natatakot ako. Natatakot ako na baka mag kagusto siya sa pinsan ko.

Kahapon sinusundan ko sila. Nakasunod ako kay Ry kahit san siya mag punta. At don ko nalaman na close pala sila ni Kent. Nasasaktan ako pag may nakakapagpasaya sakanyang iba, dapat ako yon. Dapat ako yung nagpapasaya sakanya pero hindi ko magawa kasi hindi naman niya ako maalala. Masaya ako kasi nakakasama ko siya kahit bilang kaibigan lang yung tingin niya sa akin.

"Arkin kanina ka pa hinahanap ni Ryleigh" Sabi ni Keyshia. O? Anong nangyari dito sa babaeng to? Nakasimangot kasi siya, hindi bagay ni Kesh sumimangot bagay sakanya tuwing ngumingiti siya ang cute niya.

"What are you staring at?" Nakataas kilay niyang tanong.

"Nothing. Where is she?"

"Sa kwarto" She said emotionless and left me.

What's with that girl? She's not in the mood I think. Ang sungit niya ngayon, bakit kaya? Mukha siyang naiinis.

"Uy, Kiyu saan ka nag punta?" Tanong agad ni Ry pagpasok ko sa loob ng kwarto nila.

"Sa labas" tipid kong sagot. Nakita ko siyang nag pout tapos ngumiti.

Napatingin ako sa braso niya na may mga kalmot at pasa. Nakita niya sigurong nakatingin ako sa braso niya kaya agad niya itong tinakpan. It's Ashleigh, sigurado akong siya yung may gawa niyan dahil nakita ko kung anong ginawa niya kay Ry. Lalapitan ko na sila dapat kaya lang naunahan ako ni Kent.

"A-ah sige, lalabas na muna ako" sabi niya tapos ngumiti siya sa akin at mabilis na lumabas ng kwarto.

Sunundan ko siya paglabas niya at nakita kong pinuntahan niya si Kent sa may kubo. She left me for Kent?

Hinayaan ko nalang siya at matamlay na bumalik sa loob ng hotel. Kasama niya naman si Kent at alam ko namang hindi siya ipapahamak ng pinsan ko.

Sana lang hindi sila mahulog sa isa't isa dahil pag nagkataon pareho kaming masasaktan .

Ryleigh's Pov

"Kent?!" Tawag ko sakanya. Nakita ko siyang mag-isa sa kubo kaya naisip ko na samahan na lang muna siya.

"Hi" nakangiti niyang bati sa akin. Pakiramdam ko natutunaw ako sa mga titig at ngiti niya sa akin. Ang gwapo niya talaga.

"Kumain ka na?" Sana hindi pa para sabay ulit kami hihi.

"Yeah, you?" Uhh, akala ko hindi pa. Gusto ko kasi ulit siya makasabay kumain e.

Alam ko na.

Alam ko na yung sagot sa gusto kong malaman kung gusto ko ba si Kent o hindi.

Gusto ko siya.

Pero naisip ko lang kasi pwedi ba yun? Yung magkagusto ka sa isang tao kahit ilang araw mo pa lang siyang nakakasama?

Nakakalungkot nga kasi uuwi na kami mamayang gabi. May pasok na kasi bukas, baka hindi ko na makasama si Kent huhu.

Ay! Oo nga pala partner kami bukas sa mapeh hihi. Excited na ako sa kakantahin namin.

"Ry?" mahinang tawag sa akin ni Kent lumingon naman agad ako sakanya. "Yes?"

"Bakit ka inaway ni Ashleigh kagabi?" natigil ako sa tinanong niya. Sasabihin ko ba? Sasabihin ko ba na kaya ako inaway ni Ash kagabi ay dahil sakanya?

Before Midnight Where stories live. Discover now