Pumasok kaya siya? I have not seen him since then. What if he is absent now? Paano nalang yung performance namin mamaya?
"Huy Ry! Are you listening?"
Wala pa naman akong phone number niya. Hindi ko rin alam kung saan siya nakatira. 20 minutes nalang mag start na yung mapeh class.
Hayst Kent naman!
"Ry? Yuhooo! Are you still listening?" Sabi Kesh with matching pagyugyug sa balikat ko.
"What?!" Irita kong tanong sakanya. "Tsk! I said, paano yung performance namin ni Clyde later? It's embarrassing! I'm not good at singing you know that."
Oo nga pala, sintunado nga pala siya hihi. Dibale boyfriend naman niya yung kasama niyang kakanta e. Buti pa nga si Clyde nanjan na, si Kent wala pa.
Nasa cafeteria kami ngayon ni Kesh. Si Kiyu? Ah, ewan ko kung saan nagsusuot yung lalaking yun!
"How about you and Kent? Meron na ba kayong kakantahin?"
Tanong niya. Actually, meron na kaming kakantahin ni Kent. Nag practice na kami nung nasa resort pa kami.
"Yeah"
"Really? Anong kakantahin niyo?"
Nakangiting tanong niya. Yung ngiti niya may halong pangaasar like 'yieee partner sila'. Kung kanikanino ako inaasar ni Kesh kahit ang totoo naman si Kent yung gusto ko.
"You'll see later" I said. Suddenly her face expression turned into sad. Nako! Hindi nako madadaan sa ganyan ni keyshia.
"It'll not be exciting if i tell to you what are we going to sing"
Tumango tango lang siya. Maya-maya ay nakita ko si Clyde at Mico na papalapit kung na saan kami ni kesh.
"Oh, ayan na yung babe mo!"
"Shhhh! Ry ano ka ba?!"
Nanahimik nalang ako hanggang sa tuluyan ng nakalapit sa amin yung dalawa.
"Hi Ry and Kesh!" Masiglang bati sa amin ni Mico.
"Hi babeeee"
Tumayo si kesh para i-kiss si Clyde sa cheeks.
"Hoy! Hoy! Ang PDA niyong dalawa ah?" Sabi ni Mico atsaka niya pinaghiwalay si Kesh at Clyde.
Ang bitter ni Mico grabe.
"Oh, bat kulang kayo? Nasan yung dalawa?" Tanong ni kesh.
Oo nga, nasan si Kent at Rence? Wala ba talaga si Kent? Huhu.
"Si Rence pinatawag sa Principal's office. Si Kent naman---Ay! may pinapasabi pala si Kent, Ry! He said hr couldn't come so, don't wait for him. Sinundo niya kasi daddy niya sa airport kaya ayun hindi siya makakarating"
Nalungkot ako bigla sa sinabi ni Mico. He's not coming. Pano na yung performance? Ako nalang ba mag isa mag perform ng kakantahin namin?.
"Ry! Tara na. 5 minutes nalang mag be-bell na" matamlay akong tumayo at sumunod kay Kesh.
"Okay class, are you ready?"
Hindi ko namalayan na nasa loob na pala ng room namin si Miss Del Pilar.
Mukhang hindi nga talaga papasok si Kent. Sayang naman yung kakantahin namin.
Kinakabahan ako.
Pakiramdam ko hindi ko kayang mag perform mag isa sa harap.
"Omg girlssss! Maririnig ko na rin kumanta yung Four Kings!"
YOU ARE READING
Before Midnight
Teen FictionThania loves going somewhere where she can see and admire the moon. She loves going to a place where she can express her feelings, where she can be alone.