Prologue

44 7 0
                                    

'Paano ako mabubuhay?'

'Yan ang tanong na kanina pa bumabagabag sa akin na hanggang ngayon hindi ko masagot. Paano nga ba? Hindi ko alam. O baka naman hindi ko masagot ang tanong dahil wala naman talagang sagot sa tanong.

Pagod na'ko. I'm tired about everything. Tired of being hurt. Tired of being left behind. Tired of being a victim.

And maybe I'm also tired on breathing. . .moving. . .living.

Pagod na akong mapagod.

One of my biggest fear in life is death. Takot akong mamatay. Takot ako sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa kamatayan. Nasusuka at pinagpapawisan ako sa tuwing nakakakita ako ng kabaong. Nangingilabot sa tuwing napapadaan sa mga funenaria at sementeryo. Hindi mapakale sa tuwing pumupunta ako sa hospital. I can't even imagine myself laying inside of a coffin or buried under the ground. Nakakatakot diba? Pero bakit ngayon tila hindi na ako natatakot? In fact, I want to greet death and meet him.

Why? Beause I realized something. Napagtanto ko, kung gusto kong mawala lahat ng sakit at hinagpis sa buhay ko, baka ako ang kailangan na mawala. Sad? Yeah. But that's the truth. The whole truth, and nothing but the harsh truth.

I'm asking myself again right now with different questions,

Paano kaya ako mamatay?
Ano kaya ang pakiramdam ng isang patay? Contentment? Painless? Happiness?

"Chandler!" I hear my mother's voice call from downstairs.

"Nandiyan na po!"

Tumingin ako sa salamin at inayos ang aking mukha. Pinunasan ang luha sa gilid ng aking mga mata. At isang mapait na ngiti ang pinakawalan ng aking mga labi. I stand motionless and stare myself deeply in front of the mirror. I want my thoughts to sound like jokes, but with broken look, I know there's nothing that I can't do.

After a few seconds, upon the realization that I'm still existing, gumalaw na ako nang mabilis at nilagay sa bag ang lahat ng gagamitin ko sa araw na'to. Everything was ready.

Until I remember something.

I walk so slowly towards my drawer. I can feel the tension of my body in each footstep. As soon as I get there, binuksan ko agad ang cabinet at hinanap and isang mabigat na bagay na nakabalot sa mga damit. Nilabas ko 'to sa cabinet at nilagay agad sa loob ng bag ko.

Tumingin ako sa buong paligid para masigurado na walang nakakita sa ginawa ko. Wala naman, nag-iisa lang talaga ako sa loob ng kwarto. Binuhat ko na ang bag kong biglang bumigat ng kaunti dahil sa bagay na nilagay ko rito.

"Chandler!" my mother calls again.

Lalabas na sana ako sa kwarto nang mahagip ng aking mga mata ang isang kwaderno na nakapatong sa study table. At that moment, I saw myself smiling. I feel contented. And I'm happier.


"Wala na talagang makakapigil sa akin."

The RumorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon