Chapter 3

27 7 0
                                    

Pagpasok ko pa lamang sa gate ng school campus ramdam ko na ang kakaibang simoy ng hangin. Kalungkutan. Paghihinagpis. Paghihinayang. Pagkatakot.

Bawat taong nadadaanan ko ay may mabibigat na enerhiya sa kanilang mga puso. Lahat ng taong nahahagilap ng aking mga mata ay tila magkakahawig na dahil sa pare-parehong ekspresyon ng aming mga mukha, tila lahat kami ay nakasuot sa iisang maskara. Maskara na puno ng katanungan, pagtataka, pagkadismaya at paghihinagpis kung bakit at paano nagawa ni Chandler Vergara ang ganoong bagay.

"Miss Prim! Primrose Derayunan!"

Napatigil ako sa paglakad at napalingon sa tumatawag sa akin. I saw Ms. Almazhar, the secretary of our College Dean, tumatakbo ng mabilis para mahabol lang ako. Halata rin sa mukha niya ang pag-aalala at pagkatakot. She look so frustated and exhausted.

"Kindly go to your classroom immediately and tell your blockmates na wala munang lalabas hangga't hindi dumadating si Madame Dean. We need to have an immediate talk about what happened to Chandler. This is a serious matter. Tell your block na susunod kami sayo, susunduin ko lang ang mga parents ni Mr. Vergara sa President's Office."

After that, she run again without getting my reply. Parang ibang Ms. Almazhar na ang nakikita ko ngayon. Yesterday she's so elegant and proper, now I even don't recognize her face.

Tumakbo ako ng mabilis papunta sa classroom para masabi ko kaagad sa mga blockmates ko ang anunsyo ni Ms. Almazhar. Ngunit iba ang nadatnan ko roon.

"Kasalanan mo ang lahat ng 'to eh! Namatay si Chandler ng dahil sayo!" pagpasok ko pa lamang sa pintuan ay sinarado ko na agad ang pinto para hindi marinig ng mga nasa labas ang mga sigaw ni Edros. Anong nangyayari? Bakit nag-aaway ang magkapatid na Villafuego?

"So, it's my fault now! Bakit ako ang sinisisi mo!? Eh diba ikaw ang unang nag-" hindi na ituloy ni Errol ang sasabihin niya dahil sinuntok na siya ni Edros sa panga.

That's it, nag-away na nga ang magkapatid. I never expect in the first place na ang magkapatid pa ang mag-aaway. I hate fights, I hate violence.

"Stop it, guys! Namatay na nga ang kapatid ninyo, nag-aaway pa kayo! Hindi kayo nakakatulong!" pumagitna ang class representative namin na si Sandro. Wait, what? Kapatid ng mga Villafuego si Chandler? Tama ba ang pagkarinig ko?

"Oh come on, Sandro! Santo santino ka pa rin ba? I'm pretty sure kung mumultuhin man tayo ni Chandler ngayon, ikaw ang uunahin niya." harap-harapang sinigawan ni Noah si Sandro sa buong klase. Si Noah ang kausap ni Chandler kahapon sa may canteen bago ko siya nakita sa may Auditorium, namumukhaan ko siya.

"Shut up, Noah." pagpipigil ni Sandro.

"I know what you did. And I will never forgive you for what you did to him! Matagal na akong nagtitimpi sayo kung hindi lang ako kinausap ni Chandler noon matagal na sana kitang nasaktan." hindi na napigilan ni Noah ang kanyang sarili. Hindi na rin nakatiis si Sandro at sinuntok niya na rin si Noah sa sobrang galit.

Ngayon, mas nagkagulo. Nagsusuntukan na ang apat sa harap  habang ang iba ay walang sawang umaawat sa kanila. Ang iba naman ay tahimik lang habang pinapanood ang awayan ng magkapatid na Villafuego at ng class representative namin laban kay Noah.

"Tama na!"

Isang sigaw ang sumakop sa buong silid. Napatahimik ang lahat. Parang biglang tumigil ang oras. Hinanap ko agad ang pinagmulan ng sigaw at natagpuan ng aking mga mata ang lalaking palaging nagpapatawa sa klase kahapon, I don't know what his name pero siya raw ang class clown ng klaseng ito. Pero sa itsura niya ngayon, hindi siya mukhang nakakatawang clown. Namumula ang buong mukha niya sa sobrang galit at pagkainis.

The RumorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon