"Good Evening, kuya :) This is Primrose Derayunan, your new blockmate, remember? I just want to inform you na ako ang may hawak sa notebook mo, yung kulay brown na medyo luma na. Naiwan mo kasi kanina sa Auditorioum. Don't worry about it, balik ko na lang sayo bukas. I hope you're doing okay."
It takes a lot of attempt to come up with that short message. Ayoko kasing mapahiya, ngayon lang ako nag-chat ng taong hindi ko pa masyadong kilala. My very first impression to him is very important, I want to be his friend. I pushed the send button of messenger. And then it was sent. Nakahinga na ako ng maluwag.
***----***
I opened my eyes because of the annoying sunlight on my face. Umaga na pala. But it's too early to get ready for school. So, I remained in my bed looking at the ceiling. Mukha akong tanga na nakatunganga at hindi alam ang gagawin.
Tahimik ang buong paligid, malamang dahil ako lang mag-isa ngayon sa bahay. Marahil hinatid na ni Papa si kuya sa airport kaninang madaling umaga. Nalulungkot ako.
Kinapa ko ang phone ko sa gilid ng kama to spare my time in something useful. And then I remember something. Maybe if I'll stalk Chandler Vergara's social media, my inner soul will wake me up. And just thinking of that thought gising na gising na ang diwa ko.
I don't know why pero para sa akin iba ang aura ng lalaking ito. Ang lakas makahawa ng positive energy. I don't easily fall for guys, but he's an exception. And the more I think about him, parang nagiging masaya ako. Maybe I saw his vulnerability yesterday. I know he is struggling for something, and I want to help him at any cost.
Napaupo ako sa pagkahiga. I was shocked when I saw his facebook profile. Nagbago na lahat. He changed his profile picture into a black photo. And his cover photo is so scary, it was a color white background with a simple black text in the center written "The End."
Bakit ganito? Kagabi lang mga picture niya ang mga nandito. Natakot ako. Naguguluhan. I decided to check his recent post, and I was shocked to what I saw. Tumaas lahat ng balahibo ko. It was a facebook live video posted last night. Ang daming reactions and shares. Sandamakmak ang mga comments.
Without any hesitant, I play the video. I wear my earphones . The video was started while Chandler holding the camera, or a phone, hindi ko alam. I can see his face, I can hear his heavy breathing, behind him was the dark sky, lots of spiky trees, rock formations, crickets sounds, hindi ko alam kung anong lugar 'to.
Biglang binago ni Chandler ang view ng video, nakita ko ang isang malalim na bangin. Ngayon ko lang napansin na nakatayo pala si Chandler sa itaas ng isang bangin. Sa ilalim ng bangin ay ang mga matutulis na bato na may humahampas na malalaking alon ng dagat. Tiyak akong instant death ang matatamasa mo kapag tumalon ka rito.
Muling binalik ni Chandler ang view ng video sa harap ng mukha niya. Ngayon nasisilayan ng aking mga mata ang mukha ni Chandler na hindi ko mapinta. He look so afraid of something, at the same time, he's crying. Namumula ang buong mukha niya.
"I hate myself. And so do you," mahinang sambit ni Chandler.
"Ayoko na. Hindi ko na kaya." nanginginig ang boses niya dahil sa sobrang pag-iyak.
Humagulgol si Chandler sa video. His whole body is shaking and trembling. This is the first time na nakakita ako ng lalake na ganito umiyak. Seem his pain is real. I can see it on my eyes. I don't know why pero napapaiyak ako sa tuwing nakikita ko ang mukha niya. Mabigat sa pakiramdam. Parang kahit ako nasasaktan.
"I love you, Mama. Sorry if I need to do this. I don't have a choice anymore." Lalong lumakas ang pag-iyak ni Chandler sa video. Iyak na walang katapusan. Iyak na parang isang batang iniwan ng magulang.
"And to all of you. . ." huminahon ng konti si Chandler sa pag-iyak. Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mukha gamit ang kanyang braso. At unti-unting naging seryoso ang kanyang mukha.
"I guess this is the time when all of you will care." Kumakabog ang dibdib ko. Kinakabahan. Gustong kumawala ng puso ko sa sobrang kaba. Anong gagawin niya?
"But it's too late," pagkatapos sambitin ni Chandler ang mga salitang ito. Nilabas niya ang isang baril mula sa bulsa ng hooded jacket niya. Tumaas lahat ng balahibo ko. Natakot. Anong gagawin niya sa baril? He's freaking me out.
Hinigpitan ko ang paghawak sa phone ko. Wala akong nagawa kundi tumitig sa video. Kinakabahan habang pinapanood si Chandler.
Hindi ko siya kaibigan o kahit kakilala man lang ng lubos. Wala pa kaming pinagsamahan. But I caught myself crying in vain while I'm watching his video. Parang sobrang sakit sa pakiramdam. Damang-dama ko ang kalungkutan niya. Naaawa ako sa kanya. He did not deserve this kind of pain.
Suddenly, mas nakuha ng atensyon ko ang mga sumunod na pangyayari. Biglang tumigil sa pag-iyak si Chandler. Ngumiti siya habang deretsong nakatitig sa camera. Nagtagpo ang aming mga mata, gusto kong umiwas dahil tila nasisindak ako sa kanyang mga mata. Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ng kanyang mga labi. Imbis na matuwa ako sa kanyang ginawa parang mas natakot ako sa susunod niyang gagawin.
"I love you, guys. I love you so much." mayabang na may pagkagalit ang tono ng boses ni Chandler.
"I hope after this masaya na kayo, Thank you for making me hate myself!" malalakas na sigaw ang pinakawalan ni Chandler. Mga sigaw na puno ng poot at galit.
Halos pumutok na ang mga ugat niya sa leeg at noo. Namula ang buong mukha niya nang dahil sa poot. Hinahabol na niya ang kanyang hininga na para bang mauubusan siya ng hangin. Ang kanyang mga titig ay nakakasindak na parang demonyo na papatay anumang oras. Ibang-iba 'to sa Chandler na nakita ko kahapon. Ibang-iba.Nagulat ako sa mga sumunod na kilos ni Chandler. Pinasok niya ang dulo ng baril sa kanyang bibig.
Pinikit niya ang kanyang mga mata at tumulo ang mga maiinit na luha.
Hinawakan niya ng mahigpit ang baril at biglang. . .
-
-
-
-
-
-
Kasabay ng malakas na putok ng baril ay ang pagbitaw ni Chandler sa bagay na pinagkuhanan ng video. Nawala si Chandler sa video. Wala na si Chandler. Patay na siya. He killed himself.
BINABASA MO ANG
The Rumor
Mystery / ThrillerEveryone has a reason to fear the boy who killed himself. A boy named Chandler Vergara posted a live video while he killing himself. However, the video was interrupted not knowing what really happened to him. His corpse is nowhere to be found. There...