I can do all things through God who strengthens me. -Philippians 4:13-
Naalimpungatan ako sa amoy na namamayani sa aming tahanan. Ano kaya 'yon? Idinilat ko ang aking mga mata, inaalala ang panaginip na para bang may katuturan. Bumangon sa pagkakahiga, at naghilamos ng mukha, nagbabakasakaling maaalala ang nangyari sa aking panaginip. Subalit, sa paglakas ng ihip ng hangin sa umaga, ay siyang pagtaas ng balahibo sa aking balat. Malamig ang simoy ng hangin. Ako'y natulala at nag-iisip. At biglang naalala ang napanaginipan,
~Habang ako'y nilalagyan ng mga palamuti sa mukha, walang ibang pumapasok sa aking isip kundi..... W A L A. Lutang, kumbaga. Walang pakielam sa paligid. Walang pakielam sa event na mangyayari ngayon. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sariling anyo. Mapula ang aking malambot na labi, mapula din ang mga pisngi, ang ilong ay tumangos pa ng konti, humaba ang pilik at nakalugay ang aking mahabang buhok na kinulot. Ako'y nakasuot ng isang kumikinang-kinang na damit, este gown. "Mala-dyosa ang kariktan!", Ika ng bakla matapos akong ayusan. Isang munting ngiti lang ang aking isinukli.
Eto na. My turn to prove myself. Lumabas ako sa backstage at pagkasabi ng emcee ng 'Miss Zechariah!" I walk as as queen but without a king. I walk with a class. I walk with a confidence. I give them my sweet and powerful smilee..
"Meghan Steven, 16, Representing Zechariah Deparment!" Someone shouted my name, and give me a warm of applause.
Matapos rumampa ang lahat ng mga sumali sa paligsahang ito, Question and answer na. At ako ang unang sasagot sa katanungan. I stepped forward at ngumiti."Good evening, Miss Zechariah!" Bati sakin ng emcee.
"Good evening din*smile*"
"Looks like you're ready to answer what question will be given to you." I nodded.
"So, bunutin mo na sa mahiwagang jar ang pangalan ng magtatanong sayo." Ginawa ko naman ang sinabi nya at ang magtatanong lang naman sakin ay walang iba kundi si.
"Miss Rachelle Steven! Oww!" He said. No other than my mom. And yes, she's one of the judges.
"Here's your question hija" nice mom. Napaka-formal.
" What is your reason why did you join this contest?"
"Standing here infront of you, my dearest mother and to all of the people who witnesses this pageant is too hard for me. Why? Because it's my first time to do this stuff. Btw, thank you for that question*smile*. First of all, I want to tell you my story. My dream is to be someone who wants to make my parents proud. Since i was a kid, i want to join beauty pageant but people around me doesn't believe me. They doesn't believe that I can, that I have a potential. So, I, Meghan Steven, wants to prove myself that I can do all things through Him(God), who gives me strength. I want to make you proud, mom. And, to all who are here, i want to encourage you all to make stuffs what you want. Do what you want and don't mind what others will said to you. We need to prove ourselves that we're strong, we're dauntless, and we're unpredictable. That would be all, and I, Thank you! " Ibinigay ko ang mikropono sa emcee at nagmodel uli pabalik sa aking kinatatayuan. Diko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa reaksyon nila. Tahimik sila, nakanganga yung iba, naiiyak ang iba at pagtingin ko sa aking ina, nakatingin din sya sakin. Tumayo siya at pumalakpak ng mabagal. Kasabay nun ay ang pagpalakpak din ng madla. Nakakatuwa naman at natupad ko ang isa sa mga pangarap ko. Yun ay ang maging proud sakin ang nanay ko. Salamat, Lord. ~"Anaaaak! Ano ba?! Wake up! May photoshoot ka pa this morning!" Nagising na naman ako sa sigaw ni mommy.
"Maaa, what?! Photoshoot? Kelan pa ako nagkaroon ng photoshoot?" Sabi ko habang nagbabanat ng buto at humihikab pa.
"Simula nung nanalo ka bilang Miss Youth of Parish nak! Ano baa?! Nakalimutan mo na kaagad?!"
"Haa?! Eh ma, panaginip ko lang naman po yun e. Tsaka mommy, nakadrugs ka ba?!" Naiinis na'ko dito kay mommy e. Yun lang yung napanaginipan ko kagabi.
"Ikaw yata nakadrugs nak. Pumunta ka ng salas at makikita mo!" Galit na sabi sakin ni mommy. Grabe haa?! Anong nangyayari sa buhay ko?! Hayst. Lumabas nako ng kwarto ko at pagkarating ko ng salas namin, nandun yung picture frame na pic ko kasama si mommy at sya ang naglagay sakin nung crown, tas nakasabit din sa taas ng frame yung sash na nakuha ko at yung crown.
"Ohmygosh. Hindi ako nananaginip?"
"Hoy Meghan, kumain ka na nga dito, gutom lang siguro yan."
Kumain na kami ni mama at habang kumakain eh bigla ko na lang nasabi ang
"Mommy, pero panaginip ko lang po talaga yun, swear."
"Alam mo anak, mahigit isang buwan na ang nakalipas nang manalo ka sa pageant na yon, pero diko alam kung ba't hanggang ngayon eh di ka pa rin makapaniwala?"
"Eh mommy, hindi ko nga po talaga alam yun!"
"Hay nakuu anak, siguro hindi ka pa rin nakakamove on sa pagkapanalo mo. Don't worry, you made me proud that day. "
"Sige na nga po. Baka nga po ganon lang. Thankyou mommy."
"Always welcome anak. Dalian mo na at may photoshoot ka pa diba?"Nakakatuwang mapakinggan kay mommy na proud sya sakin. Tsaka sinusuportaham nya na rin ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Thankyou God for doing all of this. At siguro nga, sa sobrang di ako makapaniwala, napanaginipan ko na naman yun kagabi.
After namin kumain, dumiretso ako sa kwarto ko at naligo na. Nakasuot ako ng isang simpleng fuschia pink na shoulder dress at naka-doll shoes. Light make-up at hinayaang nakalugay ang aking buhok. Perfect! A simplicity of myself. I smiled. Tumingin muna ako sa salamin at tinignan ang sarili ko as reflection at nasabi ko na lang na "You did a great job, Meghan. Thanks G!"

BINABASA MO ANG
Unreturned
Short StoryA compilation of one shot stories about unreturned love, chances, memories. Would that be a lesson? To change a person? Or you with past to be in prison?