Bwisit na bwisit ako, yun na lang ang meron ako, hindi pa magawang ibalik.
Eh pano kasi, kanina pumunta ako ng tindahan at magpapaload ako pang-internet. Nakita ko yung kwass ko (ayiiieeee), papunta rin ng tindahan. Yeah, nikikilig ako pero alam mo yung worst? Ganto yung scene oh.
"Oh, Hi Bernadette! *Smile*"
"Uy, hello! An'ginagawa mo dito?"
"Di pa ba obvious?"
"Ah-eh, hahaha" sabi ko nga, bibili ka o kaya magpapaload rin. Sabay na kaming naglakad papuntang tindahan ni aling Karee. Tas pagdating namin dun, sumigaw ako. Matagal kasing lumabas yung tindera dun e."ALING KARE(KARE KARE), PALOAD HOOO!"
"Huy, ang ingay mo dyan."
"Ah, sorry. Matagal kasi lumabas yung tindera dito e."
"Sabagay." Hindi nalang ako umimik. After 5 minutes, di pa rin lumalabas kaya ang ginawa ko, niyugyog ko na yung parang grills ng tindahan nila.
"Tao poo! Paload!!" Sabi ko habang niyuyugyog.
"SAGLIT LANG, JUSKO ANG MGA BATANG ITO!" Sa wakas at lumabas na rin. Matanda na si aling Kare pero malakas pa rin immune system nyan kaso may pagkabingi lang. Sarap hambalusin ng hawak nyang walis tingting at dustpan e. Chareng, dejoke lang.
"Ahm, Aling Kare, paload nga po. Globe, 90 pesos." Sabi ni kwass. Aheee! An'gwapo ng boses nyaa.
"Ano hijo?! "
"Paload po"
"Ah, wala kaming loaded e. Sa kabila, meron."
"Eh? Load po? L O A D! " Mukhang naiinis na si Kwass. Hahaha ankyooot.
"Ah sorry hijo, kukunin ko lang ang cellphone."
"Sige po"
"Anong number?" Ayoown. Sakto makukuha ko number ni kwass. Di naman ako mahahalata, e kasi kanina pako nakahawak sa cellphone ko.
"09168562955" mabilis nyang sabi. Ako naman mabilis makasaulo kaya tinype ko sa cellphone ko. Maitext nga mamaya pag nagload nako.
"Hijo, bagalan mo naman, wag kang magmadali"
"Pasensya po." Eh ako naman si mabait,
"Ah Aling Kare, ako nalang magtatype ng number nya." Kaya nagvolunteer nako. Kinuha ko kay aling Kare yung de'keypad nyang cellphone at tinype yung number ni kwass.
"Ah, Bernadette? How did you know my number?"
"Ah, diba sinabi mo kanina? Mabilis ko lang na'memorize e hahaha"
"Ahh ganon. Hahaha. Sige"
"Ahm, Aling Kare, 91 pesos lang po yung dala ko. Nahulog yata kanina yung piso."
"Ah, sge hijo okay lang" pagkabayad ni kwass umalis na sya kaagad kaya ako naman yung nagtype ng number sa cp ni Aleng Karee!."Oh, 50 pesos lang po." Binigyan ko ng buong 50 at buong lima. Sinuklian nya ako ng 2. Huh? Ba't dos? Eh 52 pesos lang yung load.
"Ahm, kulang po ng piso yung sukli nyo saken."
"Haa? Eh sabi nung binata kanina, sa'yo ko kunin yung kulang na piso ah"
"Eh?! Ang bingi mo po talaga! Pandagdag ko po kasi yun sa tshirt na bibilhin ko"
"Oh sige hija, umalis ka na at ako'y may gagawin pa."
Umalis tuloy ako ng tindahan na nakabusangot ang mukha. Piso din yun e. Si Aling Kare naman, kulang kulang ang sukli. Malaki din yung piso na yun. Waaaaahhhhh! Paano na'to? Panira naman kasi si Aling kare eh. Huhuhu. Yung piso ko di na naibalik. Hindi ba nya alam kung gaano kahalaga ng piso na yun ???Habang naglalakad tuloy, ayun nabangga ako. Nakayuko kasi ako tas napatigil ako nang may tumama sa ulo ko na matigas. Tumunghay ako nang nakapikit at sa super inis ko, sumigaw ako.
"Aaaaaaaaahhhhhhhh!" ay este nagtantrums pala. Pagkamulat ko. uh-oh!
" Anong nangyayari sayo?" OMG si krass pala 'toh!
(Omo, relax lang. Inhale,exhale)"Ah-eh, hehe eh kasi kulang ng piso yung sukli sakin ni aling Kare e. Pandagdag ko sana sa pambili ko ng tshirt." sabi ko habang kumakamot sa ulo. Wala naman akong kuto pero diko alam ba't parang biglang nangati?
"Ow. Hahaha. Pwede bang ako na lang?"
"anong ikaw na lang?"
"Ako na lang ang magpupuno ng kulang sayo. "
"Huh? I don't get you."
"Uh--- I mean-- Ahm-- I like you Bernadette. I know it's not the right time and uh-- right place for me to say these to you but----- I want to fulfill all those things you needed and wanted to in your life. I want to be part of your life. Can i court you? "Nang dahil sa piso, magkakalovelife na akooo? O- to the M- to the G!
BINABASA MO ANG
Unreturned
Short StoryA compilation of one shot stories about unreturned love, chances, memories. Would that be a lesson? To change a person? Or you with past to be in prison?