Umiiyak ka. Kasi mahal na mahal na mahal mo talaga ako noon. Nagmakaawa ka saken na mag usap tayo sa personal nagbabakasaling babalik tayo sa dati pero hindi na ako pumupunta non sa simbahan. Yun yung dahilan kung bakit hindi na ako naging active sa pag attend sa simbahan. November 29,2017. Nagchat ka sakin sabi mo mahal na mahal mo ako. Na iba ako sa lahat ng nakilala mong babae. Na mag ingat ako lagi na wag kong pababayaan ang sarili ko. Ako naman tong si tanga, todo seen lang sayo. Likezone. Inboxzone. Blinock pa nga kita e. December 4,2017- bday ko. Nasa service ako non at kasabay ko lagi ang mutual friend natin. Binati nya ako at may binigay sakin na isang box. Sabi nya galing sayo. Regalo mo. Sobrang saya ko non kasi may magbibigay pa din pala sakin ng gift at effort pa. Binuksan ko. Puro pictures ko na stolen galing sa phone mo at pictures din natin sa dulo. Nagulat ako nun kasi may lalaki pa palang mageeffort sakin ng ganun. Deserve ko pa ba yun? Matapos kitang masaktan. Nagchat ka saken. Sabi mo may tissue dun. Tinignan ko. May pangalan ko at pangalan mo na nakasulat. Sabi mo, dapat matagal mo nang naibigay sa akin yon pero wala kang chance. Sabi mo ibibigay ko sayo yung isang tissue na pipirmahan ko. Kapag pinirmahan ko, pwede pa. Kaso, hindi ko pinirmahan. Matigas ang ulo ko. Akala ko wala nakong nararamdaman sayo kasi kitang kita ng mga kaklase ko na nakamove on na ako kahit ako yung nang-iwan. Pinasuko kasi kita e. Napagod ka na kakasuyo saken hanggang sa nalaman ko na may girlfriend ka na.
March 27,2018- kaarawan mo yan. Matagal nakong nagpaplano para sa bday mo kahit konting effort nung MU pa tayo pero tanga ako e. Kasalanan ko, kasi hindi na umabot at nung time na yan, yan yung araw na sinagot ka ata ng gf mo ngayon. 1 year and 2 months na kayo hahaha. Mahal na mahal na mahal nyo ang isa't isa at kitang kita ko yon sa inyo. Nagtext ako sayo diba? Sabi ko wrong send pero yung totoo sinadya ko yon kasi namimiss na kita . Hahaha nakakatawa diba? After 1 year mahigit, tsaka ko lang narealize lahat ng ito. Nagkakaroon tayo ng communication, sa text lang. Di yun alam ng jowa mo at jowa ko. Yes. May boyfriend ako. Mahal ko yun syempre. Sure ako dun pero tila naguluhan ako ngayon simula nung nagpaparamdam ka na naman.
This year, 2019. May youth camp uli. Bilang pambawi, sumali ako as facilitator(service). Ikaw ay kasali din at tsaka ang girlfriend mo. Natutuwa ako kasi alam din ng buong YM family yung sa inyo at support nila kayo. Katulad din nung satin dati HAHAHA. At dito na nagsimula lahat. Naguluhan na naman akk. Ayokong magdesisyon na naman ng biglaan at pagsisihan na naman. Nakikita ko kayong magkasama pero iniisnob ko na lang dahil nga wala naman na ako. Others lang ako. Oo. Nanghihinayang ako sa'yo kasi pinakawalan pa kita. Pinakawalan ko pa yung lalaking sobra yung pagmamahal sakin. Yung lalaking sobra yung care sakin. Yung lalaking handang gawin ang lahat para lang maisalba pa yung satin. Nasasaktan ako ngayon hahaha. Alam mo ba pagkauwi ko after ng camp, kinuha ko yung binigay mo saking regalo nung bday ko at pinirmahan yung tissue. Na kahit huli na ang lahat ay umaasa pa akong pwede pa maibalik. Pero pano? E may bago ka na e, may bago na din ako. May mahal ka nang iba at alam kong sobrang mahal na mahal mo yun at kaibigan nalang ang turing mo sakin. Wala nang special katulad ng iba. Pag-uwi ko napaisip ako, bakit ako umiiyak? Bakit ngayon lang ako naging ganto matapos ang ilang taon? Masaya ka na sa iba guguluhin pa ba kita? Alam ko sa sarili ko na hindi na maibabalik pa yung satin. God-centered yung relationship nyo ni ano e. Wala na akong magagawa kundi ang magsisi at manghinayang sa mga oras, araw na nawala. Edi sana kung di ako nagmatigas nun, tayo na sana ngayon. Hahaha napapatawa na lang ako kasi naiisip ko pa ito? Malala na yata ako.
BINABASA MO ANG
Unreturned
Short StoryA compilation of one shot stories about unreturned love, chances, memories. Would that be a lesson? To change a person? Or you with past to be in prison?