To choose or to be chosen I

2 0 0
                                    

CONFESSION!

It's May 28,2017 and summer youth come was done. Pauwi na ako ng bahay and I'm totally redeemed. May nakilala akong isang sakristan na lalaki that captures my eyes. Naging crush ko sya. Naging active ako sa activities sa church. One time, inadd nya ako at inaccept ko naman. That time, hindi ko pa sya masyadong nagugustuhan. Konti lang. Sakto naman na magpapasukan na and June 11,2017 nang sumali ako sa choir. He's there. He gave me a piece of bond paper na may lettering ng name ko. Then June 19,2017 nagstart lahat. Nagkacrush ako sa kanya at sya din. Alam kong mabilis pero naging MU kami and at the same time nanliligaw sya. Every weekends, magkasama kami sa church. Sya bilang sakristan at ako naman bilang isang choir member. Chat, tawag ang nagiging communication namin every may pasok. Nalaman ng mga kasamahan namin sa simbahan yung sa amin kaya naman lagi kaming kinukulit sa simbahan. You wanna know his name? Laxden (not his real name) Dahil nga sakristan sya, nalaman din ng mga kasamahan nya. Hinding hindi ko makakalimutan yung time na lagi kaming magkasama though napakamahiyain ako nun. He's so caring. Maalaga sya. Maalalahanin. Much concern pa sa akin than himself. As a fact nga, he's really loyal. Kahit nga sa school nila, ako ang bukambibig nya. Nung time na nagkaroon sila ng activities, ako yung topic nya. Naglelettering sya ng pinagsamang name namin kung saan saan. And I remember na, the first callsign namin ay 'bhe'. Everytime na pupunta ako ng simbahan, sya yung tagasundo ko at tagahatid na rin. One time nga, may lakad ang youth ng simbahan namin and wala akong kadala dala kahit anong panglagay sa ulo, pumunta sya sa parang dorm nilang sakristan at kumuha ng sumbrero. Kinilig ako nung time na yun lalo na yung mga taong nakapaligid samin. Binigay nya saken yon at tinanong pa kung baka mabaho. Pero mabango naman kasi pinabanguhan nya. HAHA he's really sweet. He gave me also headset and hanggang ngayon ay nasa akin pa din. We made many memories. Naalala ko pa non nung nagkayayaan kami na magnight market galing school, i have my own money pero nilibre nya pa din ako. I'm not that showy type of person that time kaya hindi ko masyadong napadama sa kanya yung love ko. Nung pauwi na kami, binilhan nya ako ng mcfloat with fries na nagkakahalagang 70. He's really sweet talaga. Then, naalala ko din nung nagkakatawagan kami, seloso din sya. Kinilig ako sa sinabi nya na "Akin ka lang!" Kinabahan ako nun at parang namula ako non. Madami kaming memories. Naalala ko pa nung may aattendan sya na debut. Kasali sya sa 18 roses. Chinat nya ako nun, saturday. Tas sabi nya di daw sya nakaattend then kinabukasan, simba. After ng simba pumunta sya uli sa dorm nya sabi nya may ibibigay daw sya, yun pala yung 1 red rose na dapat sa debut ay binigay nya saken. Kinilig din ako non. Super blessed ko kasi may naggaganun saken. Sya yung first ko sa lahay actually. Binigyan nya din ako ng bracelet na parang rosary and honestly, suot ko pa din hanggang ngayon. Yung rose na yun, inalis ko yung tangkay at yung petals ay nasa diary ko. Until now, nandun pa din pero bulok na. Tas may pinuntahan sya uli. Pinamalayan yata yun with Father and his co-sakristan(s). Sabi nya bibigyan nya daw ako ng pasalubong and guess what? Binigyan nya ako ng crucifix na may nakaukab na pinagcombine na name namin. Tandang tanda ko pa lahat ng pangyayari. Pero diko alam na biglang humantong sa ganito.

Kasalanan ko. Chinat kita nun. Sabi ko may sasabihin ako sayo. Sinabi ko na ayaw ko na. Na wala na akong feelings sayo. At kung anu-ano pa. Pero sa totoo lang, that time naguguluhan lang ako sa feelings ko sayo. Naguguluhan lang talaga ako kaya nagdesisyon ako na tapusin lahat ng sa atin. Pinagtabuyan kita. Pero ikaw, lumalaban pa. Sabi mo, baka pwede pa, baka maayos pa natin. Baka pag sinimulan ulit natin ay maaayos pa. While me, tuloy pa din sa pagtataboy sayo. Ang tigas tigas ng puso ko nun. Sinabihan mo pa ako ng "wag lang isip pairalin mo, pati din naman puso mo" nahihirapan ako sa sitwasyon natin. Madaming nangyaring di maganda.

UnreturnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon