To choose or to be chosen III

2 0 0
                                    

Nagbackread ako ng convo natin. It was 2 years ago. Diko alam kung bakit ako umiiyak hahaha. May bf ako. Alam kong mahal ko sya pero bakit nung binasa ko yung convo natin, nasaktan ako kasi ang tanga tanga ko. Deserve mong pahalagahan ka. Deserve mong di ka saktan.  pero ako ? Pinagtabuyan pa kita at Pinakawalan pa kita. Ikaw yung tipo ng lalaki na pangmatagalan. Na loyal talaga. Na pag nagmahal, sya lang. Ayun nakahanap ka na ng iba ngayon. Alam mo ba ? Nung nakita ko kayong magkasama, naiinggit ako. Ganyan ka din saken dati e. Ganyan ka din ka concern at kaalaga sakin. Lagi kang nakatingin saken. Nakamasid. Ayaw mo akong mawala sa paningin mo.

Dati. Oo dati na. Ngayon kasi sa kanya mo na ginagawa. Sya na yung nakakadama ng sobrang sobra mong pagmamahal. Sabagay, bagay naman kayo kasi sya, pinaramdam nyang mahal na mahal ka nya na hindi tulad ko, pinabayaan nalang. Hindi ko pinaglaban. Napagod kasi ako e. Utak lang yung pinairal ko at yung puso ko nabalot na ng kung ank. Okay lang. Kasalanan ko naman lahat e. Kasalanan ko kung bakit sumuko ka sakin. Gusto mo din namang lumaban pero ako tong ayaw na. Siguro nga ay mahal na mahal mo ako. Ay mali, minahal mo ako at ngayon, may mahal ka nang iba. Matapos ang mahigit isang taon tsaka ko lang narerealize lahat ng worth mo. Lahat lahat. Ewan ko kung bat nagdadrama ako ngayon eh wala na naman tong saysay. Hindi naman na maibabalik yung dati kasi may mahal ka na. May jowa ka na. At alam kong mahal na mahal nyo ang isa't isa. At meron na din naman akong boyfriend. Mahal ko sya, oo.

Sa lahat ng lalaking nanligaw saken, ikaw lang yung pinaka-pinanghinayangan ko. Kasi kahit ang konti ng time nung satin, madami tayong nagawang memories. God-centered naman tayo e. Pero, God-centered din kayo ng girlfriend mo ngayon. Umaasa pa din ako na babalik tayo sa dati and I'll pray for that to happen if it's God's will.

Dati, may choice pa ako kung ano ang pipiliin ko kasi may feelings ka pa saken pero ngayon, wala na dahil nakapili ka na ng iba.

THE END-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnreturnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon