06

184 12 15
                                    

"So, that Rio is here in PCU, he's also in our university publication, at isa rin siyang admin ng university blog natin plus he has your journal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"So, that Rio is here in PCU, he's also in our university publication, at isa rin siyang admin ng university blog natin plus he has your journal." Napatingin ako kay Mavy na iniisa-isa yung mga impormasyon na nakuha namin ngayon. "It's just a small world Demi. Makikita at makikilala mo rin siya dito somewhere," Mavy assured me.

Kwenento ko na sa kanya na sumagot na si Anonymous C or should I say Rio sa e-mail ko, lahat ng nalaman ko kagabi tungkol kay Rio kwenento ko.

"But how Mavy? He knows me but I don't know him. Paano ko siya makikilala? Isa pa, it's too risky if I use his nickname to find him. Maliit na mundo nga ang PCU pero madami namang estudyante dito," I frustratedly said.

"May point ka naman diyan pero I'm not telling you to find him." Napatigil siya saglit. "Anyway, natanong mo na ba kay Sir Harvy kung sino si Anonymous C?"

"I tried pero hindi talaga pwede. Yun na lang yung pinakamadaling paraan para makilala ko siya pero wala e, meron kaming policy na dapat sundin," I sighed.

Natahimik kaming dalawa at parehas pinagmasdan ang quadrangle na nasa baba namin. Nakatambay kasi kami sa pasimano ng 4th floor dahil breaktime namin.

"How about your work? Kumusta naman? Sisante ka na ba?" biglang tanong sa akin ni Mavy pero umiling lang ako. "Did something happened?" interasadong tanong niya.

Tumalikod ako para sumandal sa pasimano at nagsimula na akong magkwento.

"Nabunggo ko accidentally yung sinabi ko sa'yong nasampal ko, nung una hindi ko talaga alam na siya yun pero nung tinanggal niya yung shades niya dun ko nalaman na siya pala yun," pagsisimula ko. "Ayun kahit sinigawan niya ako okay lang, humingi pa rin ako ng sorry sa nagawa ko at sa pagsampal ko sa kanya nung nakaraang araw, para makabawi sa kanya, I invited him to dinner... sa apartment." Napatingin sa akin si Mavy.

"You invited him at your apartment? Pumayag siya?"

"Oo," kunot noo kong sinabi "And to make it short, napatawad na niya ako but not fully, and it turns out the guy I slapped and bumped with was... Zecky Otto."

"OMG!" gulat na gulat na sinabi ni Mavy. "Zecky hot as fire Otto?" medyo binulong niya dahil maraming dumadaan.

"Oo, kilala mo siya?" kunot noo kong tanong.

"Of course! Transferee siya from SMA, he's also an athlete, I heard isa siyang threat kay Joseph because of his skills and actually Senior 12A din siya." Agad akong lumingon sa kanya. "What?" nagtataka niyang tanong.

"Senior 12A? Sa klase natin?"

"Oo, e kasi naman Demi you're too busy on being a journalist and a student at the same time, that's why you don't know what's happening around you," she shrugged.

"Should I be sorry for that?" sarkastiko kong tanong.

"Tss, whatever Demi. Tara na nga." Hinila na niya ako papasok sa classroom namin at nang makaupo kami sa pwesto namin ay hindi ko maiwasang ilibot ang mga mata ko sa room. "Uy, hinahanap niya," rinig kong pang-aasar ni Mavy pero hindi na ako nakasagot sa kanya dahil saktong pumasok si Zecky sa room at nagtama ang tingin namin.

The hell?

Agad akong umiwas ng tingin at binuklat yung libro ko sa Biology.

"Aha! Hindi pala ah?" pang-aasar ulit ni Mavy.

Kaklase nga namin siya. Pakiramdam ko nawala lahat ng dugo ko sa katawan.

Dumating din agad yung professor namin at pinagpasalamat ko yun dahil titigil na rin si Mavy sa pang-aasar sa'kin.

30 minutes before the next subject nang mag-end ang discussion, nilibot niya ang tingin niya sa aming lahat bago siya ulit nagsalita.

"At the end of October you'll be having your first thesis project by group," our professor announced.

Nabalot ng mga angal ang classroom namin at sumenyas yung prof namin na tumahimik kami.

Biglang may nag-raise ng kamay at tinawag siya.

"Yes Ms.Guevar?"

"I think, hindi naman po yung thesis project ang problema namin... yung group po." Maraming nag-agree sa sinabi niya at kasama ako dun.

Isa lang ang masasabi ko pag-group sa paggawa ng thesis-HINDI MAIIWASAN ANG MAG-AWAY. Ayoko nun.

Totoo yun, baby thesis pa nga lang ginagawa namin last year puro away na ang nangyari kasi malapit na ang deadline mga kulang-kulang pa sa research at information.

Kaya isang malaking HINDI para sa'kin pag groupings sa thesis. Ako na lang gagawa mag-isa, hindi man madali atleast wala akong nakakaaway at walang sisisi sa'kin kapag mababa ang grades ng thesis ko.

"Okay, sit down Ms.Guevar. Kung ayaw niyo ng groupings then I think partners will do," our prof said.

"I'm super sure na hindi tayo magiging partners-swerte ng magiging partner mo," bulong sa'kin ni Mavy.

"Swerte din naman yung magiging partner mo. Libre na lahat," bulong ko din habang di inaalis ang tingin sa prof namin.

Wala ng umangal sa sinabi ng prof namin kaya naman kinuha na niya yung student list niya, sumandal siya sa edge ng table niya habang pinagmamasdan yung list.

"Okay, since parehas naman ng bilang ang boys and girls, yun na lang ang magiging pattern ng pairs natin." Tumingin siya sa amin. "I'll start to pair all of you now and this is in no particular order so listen."

Nagsimula na siyang magtawag ng pairs, sa totoo lang ay kinakabahan ako. Baka kasi tamad yung maka-partner ko o 'di kaya naman ay bossy. For sure, hindi ko makakasundo kapag ganoon.

"Ms. Adler and Mr. Samaniego."

"OMG, si chinito," kinikilig na bulong sa'kin ni Mavy nang tawagin si Rafael as her partner. "Ako yata ang swerte sa partner ko," bulong niya ulit.

Jusko basta gwapo, sapat na sa bestfriend ko.

Napailing na lang ako at nakinig na ulit sa Professor namin.

"Ms. Yelich and Mr. Otto."

Nagulat ako-hindi sa sinabi ng prof kundi sa pagkurot ni Mavy sa braso ko. Napalingon ako sa kanya.

"Mas swerte ka sa'kin Dems," kagat-labi niyang sinabi.

"Alam mo, kung wala lang prof sa harap natin kanina pa 'ko sumigaw sa sobrang hapdi ng pagkakakurot mo sa'kin. Gigil na gigil lang?" bulong ko habang hawak yung braso ko.

"Umiwas ka sa sinabi ko ah," aniya at kinindatan niya ako.

Nakarinig kami ng bell mula sa labas at sakto namang tapos ng magtawag ng pairs yung prof namin.

"Read our next topic on your textbooks kasi dun tayo kukuha ng topics para sa inyong thesis projects, magsimula na rin kayong makipag-usap sa partners niyo dahil next meeting magbibigay ako ng sitting plan according to your pairs. That's all for today. Good day."

Pagka-exit ng prof namin ay kanya-kanyang bulungan na sa loob ng classroom-saka lang ito tumahimik nang dumating na yung kasunod naming prof.

Hindi ako makapag-concentrate sa discussion, nalulugaw yung utak ko kahit hindi naman mahirap yung dini-discuss ng prof namin. Ewan-maraming gumugulo ngayon sa isip ko, si Rio, si Zecky... wait what? bakit biglang nagiging isipin ko na yung mga lalakeng yun?

Bwisit! Mag-focus ka Demetria! Hindi pwedeng magtuloy-tuloy yung ganyang attitude mo.

"Demi, may nagpapaabot sa'yo," bulong sa'kin nung isa kong katabi. Kinuha ko yung papel na hawak niya at binuklat yun.

So we'll stick together because of that thesis project? honestly, i'm not good in pairs but i'm hoping we could build a good team :)

- Z

Ayoko mang ngumiti pero napangiti rin ako. I wrote back.

yeah, i hope so

- D

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon