31

78 8 0
                                    

Nagkwentuhan pa kami ng konti nila Patricia hanggang sa napagpasyahan na naming umuwi, inalok nila akong ihahatid na nila ako sa apartment, at hindi ko naman iyon tinanggihan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagkwentuhan pa kami ng konti nila Patricia hanggang sa napagpasyahan na naming umuwi, inalok nila akong ihahatid na nila ako sa apartment, at hindi ko naman iyon tinanggihan. Hindi naging tahimik ang byahe namin dahil naipagpatuloy namin ang usapan namin sa loob ng kotse ni Joseph.

Nakakagaan sa pakiramdam kasi wala na yung awkward feeling sa pagitan naming tatlo, wala na yung feeling na kailangan mong umiwas, wala na rin yung feeling na nagkukunwari kaming tatlo na okay lang kami sa lahat ng nangyari noon kasi this time totoo na talagang okay na kami.

Tumigil ang sasakyan ni Joseph sa harap ng building ng apartment ko, naputol ang kwentuhan naming tatlo, at agad akong lumabas sa kotse ni Joseph. Bumukas ang bintana sa part ni Patch.

"Thank you for everything Demi, sana hindi pa ito yung huling beses na magkakasama tayong tatlo," nakangiti niyang sinabi.

"This won't be, I promise. Thank you rin sa lahat tsaka sa paghatid," sabi ko.

"Wala yun, basta ikaw." Muling ngumiti si Patricia. "Sige, mauna na kami sa'yo. Kita na lang tayo sa school."

"Sige, ingat kayo pag-uwi." Kumaway ako sa kanila at siya ring pagkaway sa akin ni Joseph. Nang makaalis na sila ay pumunta na ako sa apartment namin.

Pagpasok ko at nadatnan kong kumakain si Dane sa dining table.

"Hi Dane," bati ko sa kanya at naupo sa isang bakanteng upuan.

"Uy Ate, kumusta lakad mo?" tanong niya.

"Okay lang naman, nag-usap kami nila Joseph at Patricia." Sumandal ako sa sandalan ng inuupuan ko at iniabot sa kanya ang ni-take out kong chocolate cake sa café na pinuntahan ko. "Para sa'yo."

"Salamat Ate," aniya, binuksan niya iyon at inilipat niya sa isang plate. "Si Kuya Joseph? Yung ex mo? Tapos yung bago niyang girlfriend?" dagdag niyang tanong na tinanguan ko naman.

"Sure kang okay na kayo?" tanong niya ulit.

"Oo naman, ramdam ko naman kasi kapag nagkukunwari lang," sagot ko.

"Ay Ate, may nagdala nga pala nito rito." Tumayo siya sa kinauupuan niya at kinuha niya ang isang maliit na envelope sa mini table na nasa salas.

"Sinong nagbigay nito sa'yo?" tanong ko nang iabot niya sa akin ang envelope.

"Hindi ko kilala e, naka-face mask kasi siya. Pero ikaw kilala ka niya."

Iniwas ko ang tingin ko kay Dane at binuksan ang envelope.

Pangatlong sulat na natanggap ko na 'to ah. Hindi kaya mula kay Rio nanaman 'to?

Pagbukas ko ay hindi na ako nagulat sa unang mga salita kong nabasa.

From Anonymous C.

Napatingin ako kay Dane na abala sa pagkain niya kaya naman ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ko.

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon