"What's up with you?" agad na tanong sa akin ni Mavy nang makapasok siya sa apartment. "May pasok tayo bukas plus it's already 8P-"
"Hi, so you're Mavis" pagpuputol ni Cess sa sasabihin ni Mavy nang bigla itong sumulpot sa tabi ko.
"H-Hey... Cess?" Napasulyap sa akin si Mavy habang patanong niyang sinabi iyon kay Cess.
"That's me," Cess nodded, smiling. As always.
"Well hi, but its just Mavy." Nag-handshake silang dalawa. "What's up with this Demi? Girls night out?" baling sa akin ni Mavy habang isinasara nito ang pintuan na nasa likod niya.
"Sa tingin ko parang ganoon na nga, pero dito lang tayo sa apartment," I casually said.
"You're not answering my question Demi, hindi mo naman ako tatawagan para lang pumunta dito and to have some fun," napangisi siya at napatingin kay Cess. "At alam ko rin na hindi lang 'to para sa amin ni Cess."
Alam talaga ni Mavy ang daloy ng utak ko. Maninibago pa ba ako?
"Okay fine, something happened," I blurted out.
Naupo sila sa sofa na kaharap ng isang mini table at dito na nagsimula ang lahat. Ine-expect kong tatangungin nila ako nang tatanungin sa mga nangyari pero bago pala ang lahat ng yun, e hinayaan ko na munang silang dalawa ang mag-usap.
Nagpakilala sila sa isa't isa at konting bagay na tungkol sa sarili nila and of course mawawala ba naman yung tungkol sa friendship ko with them.
I ride with them if I can, I laugh when they laugh, pinag-uusapan nila si Zecky, at nabanggit na rin ni Mavy yung tungkol kay Rio pero walang nagbago sa nararamdaman ko.
I feel so unhappy and I don't exactly know why.
"So what happened?" biglang tanong sa akin ni Mavy.
"Nothing." I fakely smiled at them.
"Ayan nanaman 'yang peke mong ngiti," ani ni Cess. "Huwag mo rin kaming gawin na matandang ulyanin, tandang-tanda ko pa yung sinabi mo kanina na something happened." Kinuha niya yung red cup niya sa mini table at bahagyang uminom mula doon.
Currently, meron na kaming beer na kaharap dahil nagpadala si Mavy sa driver niya pati na rin snacks.
"I found my journal," ani ko at agad na ininom yung natitirang beer sa baso ko.
"What? Saan?" agad na tanong ni Mavy.
Kwenento ko sa kanila simula nung pumunta ako sa bahay ni Zecky hanggang dun sa... ayun yung huling e-mail ni Rio.
"Shit. Totoo?" gulat na gulat na tanong ni Mavy. "Anong sabi mo?" dagdag niya.
"W-Wala," tipid kong sagot.
"Hindi ka nag-reply sa kanya after niyang sabihin yun?" kunot-noo na itinanong sa akin ni Cess.
Napapikit ako at huminga ng malalim.
BINABASA MO ANG
From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)
Fiction généraleEMAIL DUOLOGY (Book 1 of 2) To Dearest, When feelings became words, words became letters, and letters became bridge to form love. Pwede na bang matawag yun na 'love at first read?' From Anonymous. --- Started: May 03, 2018 Completed: March 31, 2019