21

105 9 5
                                    

"Demi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Demi." Ramdam kong may nakahawak sa balikat ko at inaalog iyon. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nakita ko si Cess sa labas ng bintana ng sasakyan ni Zecky.

So dumiretso na pala sa pagtulog yung pagpikit ko?

"Mauna na 'ko sa inyo ni Sir, ikaw ha! Tinulugan mo kami ni Sir. Sayang 'di mo narinig yung sinabi niyang huli," bahagyang mahina ang pagkakasabi niya sa'kin. "Siya sige, una na ako."

Napaisip ako sa sinabi niya, ano pa kayang pinag-usapan nila?

Teka, bakit ba interesado ka?

"Sir! Ikaw na bahala kay Demi ha? Salamat po sa paghatid. Ingat! Nag-enjoy po ako talaga," nakangiti niyang sinabi.

"Sige, ingat din Cess," paalam ni Zecky na dahang-dahang isinara ang bintana ng sasakyan niya.

Nang magsimula siyang mag-drive ay siya ring pagsisimula ng katahimikang hindi ko nanaising basagin.

Hindi na masyadong katagalan ang naging byahe namin dahil hindi naman kalayuan ang bahay na tinitirhan ni Cess sa apartment na tinutuluyan ko.

Bago pa lang kami tumatapat sa apartment building namin ay natatanaw ko na sina Mavy at Dane sa labas ng building.

Pagbaba namin ni Zecky ng sasakyan niya ay agad siyang tumabi sa akin kaharap sina Mavy at Dane.

"Sorry Dane, I should've been there for your Ate when that happened," Zecky apologized na ikinagulat ko.

"Okay lang Kuya Zecky, at least nakauwi kayo ng ligtas," sagot naman ni Dane.

Alam na niya?

"So, tara na sa taas para makapagpahinga ka na rin Demi," pagyayaya ni Mavy at agad naman kaming kumilos para kunin ang mga dala at gamit ko sa kotse ni Zecky.

"Kuya Zecky dito ka na sa apartment namin ni Ate maghapunan," sabi ni Dane habang paakyat na kami sa floor ng apartment unit namin.

Hindi ako makapag-react dahil mukhang nagkakaintindihan sila kaya binalewala ko na lang yun at sumunod sa paglalakad nila.

Pagpasok namin sa apartment namin ni Dane ay dinala na ni Dane at Zecky yung mga gamit ko, at dumiretso naman kami ni Mavy sa dining area.

"Anong nangyari sa'yo dun? Kung kelan last day na tsaka ka pa nadisgrasya, at sinong Megan yun? Naiinis ako sa kanya," naiinis na sinabi ni Mavy habang naghahanda ng pagkakainan namin.

"It's something that is not worth arguing for," walang gana kong sagot na agad namang inismidan ni Mavy.

"Nako kapag nakita ko lang talaga yung babae na yun, I'll murder her. You won't do such thing kagaya ng sinasabi niy-"

"How'd you know?" pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"Zecky told me over the phone while he's driving, kausap ko nga rin si Cess," sagot niya sa'kin habang abala pa rin sa paghahanda ng mga pagkain.

So, yun pala ang iba pa nilang pinag-usapan habang tulog ako?

"Bakit parang nagulat ka? Iniisip mo na kung anong mga pinag usapan namin 'no?" pagbibiro ni Mavy at tumingin siya sa akin ng nakakaloko.

"Hindi," walang emosyon kong sagot.

"Sus, tago pa ng feelings. Nakakabaliw yan Demi promise." Pagkatapos niyang mag-prepare ay iniwan na niya ako sa dining area at napaisip ako sa sinabi niya.

Huwag Demi, hindi pwede.

Mayamaya lang din ay bumalik na si Mavy kasama sila Dane at Zecky, hindi ko maiwasang tumingin sa direksiyon ni Zecky.

Nakakainis, bakit ba ako kinakabahan ngayon?

"Ate, nagtext na nga pala ako kay Papa na nakauwi ka na," banggit ni Dane, napatingin ako sa kanya na para bang nagtatanong, at mukhang na-gets naman niya dahil sa sagot niya sa'kin. "Huwag kang mag-alala Ate, hindi ko nabanggit kay Papa."

"Salamat Dane," I said.

Nakahinga na ako ng maluwag.

Ayoko na kasing malaman pa ni Papa dahil alam kong magagalit siya, isa pa baka dumagdag pa yun sa mga problema niya. Mas mabuting sa amin na lang muna yun, as long as kaya pa namang masolusyonan.

Nagsimula nang magdasal si Mavy at matapos yun ay nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami habang kumakain pero napapansin kong kanina pa tumitingin sa akin si Zecky o baka naman nag-iilusyon lang ako?

Natapos ang hapunan na walang imikan, hindi rin ako ang nagligpit ng mga pinagkainan namin dahil mas mabuti pa raw kung magpapahinga na ako.

At dahil abala si Mavy at Dane na maglinis, wala akong magagawa kundi ako na ang maghatid kay Zecky sa labas ng building.

Wala kaming imikan pero may gusto akong sabihin sa kanya, hindi ko lang alam kung paano.

Nasa tapat na kami ng sasakyan niya at hinihintay ko na lang siyang makapasok doon ngunit may bumubulong sa akin na wag muna siyang pasakayin sa loob ng kotse niya.

"Z-Zecky," tawag ko sa kanya.

Lumingon naman siya sa akin na para bang inaasahan na niya ang pagtawag ko sa kanya.

"Demi," tawag niya sa akin pabalik at tuluyan nang humarap sa akin.

"Salamat, sa lahat. Simula unang araw ng outing hanggang ngayon," nahihiya kong sinabi.

"Wala yun, it's my responsibility to do so," sagot niya. "Una na ko," paalam niya at tumalikod na sa akin upang sumakay sa kotse niya.

Tinanguan ko siya nang makapasok siya sa loob ng sasakyan niya, nakita kong ngumiti siya dahil hindi naman masyadong tinted yung kotse niya.

Pag-alis niya ay tsaka ako pumasok sa loob ng building at dumiretso sa unit namin. Pagpasok ko ay hindi na kami masyadong nag usap ni Mavy at Dane, mas mabuti raw na magpahinga na muna ako bago ako magkwento sa kanila. Babalik na lang daw si Mavy bukas. Si Dane naman ay abala sa kanyang mga assignment kaya wala na rin akong magawa kundi ang sumang-ayon sa kanila.

Lumigo muna ako bago ako magligpit ng mga gamit ko at nang matapos ko na ang lahat ay tsaka ako humilata sa kama ko.

Then I remembered someone.

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon