38

62 7 0
                                    

"Oh my God! Kayo na?" gulat na tanong sa akin ni Mavy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh my God! Kayo na?" gulat na tanong sa akin ni Mavy. Nakaupo kami ngayon sa isang bench habang nagbabasa ako ng libro at kumakain naman siya.

Uwian na namin ngayong hapon at hinihintay ko na lang si Zecky dahil kagaya ng nakagawian, sa apartment siya uuwi para mag-dinner.

"Hm-hmm," pagtango ko sa kanya.

"AAAAAAAH!" Hinampas niya ako sa braso ko at tinignan ko siya ng masama.

"Mavy, pwedeng maging masaya kahit hindi nakakasakit, okay?" I rolled my eyes at her, habang hawak ang braso kong hinampas niya.

"I know! It's just, alam mo yun? Yung pinagdadasal kong happiness para sa'yo, ayan na! Nasa tabi mo na." Pagkasabi niya nun ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko at nakita ko si Zecky na may malaking ngiti.

"Hi Bub," bati niya sa akin.

"Hey," tawag ko sa kanya.

"Ano ba yan! Sa harap ko pa," naiinis na sinabi ni Mavy. "Anyway, may sasabihin din ako sa'yo," tumigil siya saglit at umayos ng upo. "Raf's courting me," she announced.

"Your thesis partner?" tanong ko.

"Yes!!!" masaya niyang sinabi. "I mean, kung busy ka sa lovelife mo, busy rin ako sa akin."

"Kelan pa?" tanong ko ulit. Gulat na gulat. Bakit hindi ko man lang naramdaman yun?

"Last week," sagot niya, ngiting-ngiti.

"Daya, 'di man lang sa'kin sinabi," kunyaring nagtatampong sinabi ko.

"Magtatampo ka o maghihiwalay kayo ni Zecky?"

"Dyan ka magaling Mavy, sa pamba-blackmail." Itinabi ko na ang hawak kong libro sa bag ko at tumayo.

"Where are you going?" tanong ni Mavy nang mapansin niya ang pagliligpit ko sa mga gamit ko.

"Oo nga, saan ka pupunta?" tanong din ni Zecky.

"Hindi mo alam?" kunot noo kong tinanong sa kanya. "May schedule tayong mag-interview ng mga students para sa year-end celebration ng PCU. Hindi ba nabanggit sa'yo ni Sir Harvy?"

"Oh shit. I forgot." Napakamot siya sa batok niya at tumayo mula sa kinauupuan niya. "So I guess, mauuna na muna kami sa'yo ni Demi?" tanong niya kay Mavy. "Or, you want to come with us?"

Grabe. Zecky's really so gentle! May ganito pala siyang side? Kaso pang-premium user?

"I'm alright here, don't worry guys. I'll be fine, really." Kinindatan niya kami at kumaway pa siya bago kami tuluyang tumalikod sa kanya.

"Bub, sa department of theater arts ka," sabi ko habang nakatingin sa hawak kong papel na ibinigay sa akin ni Sir Harvy kanina.

"How about you? Saan ka?" tanong niya.

"Sa sports center ako," sagot ko. "Bub, una na ako sa'yo. Papuntang sports center na 'tong way na 'to." Turo ko sa daan na kabaliktaran nung daan na papunta sa theater arts.

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon