19

103 10 5
                                    

"Huwag mo nang alalahanin yung mga nangyari kagabi, kalimutan mo na yun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Huwag mo nang alalahanin yung mga nangyari kagabi, kalimutan mo na yun."

Napamaang ako sa sinabi niya. Yun nga siguro ang dahilan kung bakit siya nag-iyak. Too bad, naalala ko yung mga sinabi niya.

"Okay," yun na lamang ang naisagot ko.

Katahimikan nanaman ang bumalot sa amin. Halos mag-iisang oras kaming nakatambay dito hanggang sa mapagpasyahan na naming pumunta sa resto.

Dumiretso kami sa counter para umorder ng makakain naming lahat, lulutuin pa yun kaya pumili na muna kami ng table kung saan kasya kami lahat.

Ilang minuto lang ay dumating na sila Cess kasunod ang iba pa naming kasama at iba nanaman makatingin si Cess sa akin ngayon. Umupo siya sa tabi ko at nakatingin naman sa amin si Zecky na nasa harap namin.

Bakit ngayon ko lang napansin na ang attractive niya sa suot niyang white loose v-neck shirt with a pair of dark green board shorts. Agad kong iniiwas ang tingin ko kay Zecky.

"MIA kayo ni Sir kahapon ah, mukhang ikaw ang sinundan ni Sir kagabi."

Napalingon ako sa kanya.

"Uy, akala niya hindi ko alam. Lasing ako pero alam ko kung anong nakita at narinig ko," aniya na kami lang dalawa ang nakakarinig. "So anong nangyari at hanggang ngayon ay magkasama kayo?"

Matagal bago ko naisip ang dapat kong isagot kay Cess.

"Nag-usap lang kami kagabi tapos kanina nakita ko siya sa tapat ng kwarto niya kaya magkasabay na kaming pumunta dito," maikli kong pahayag. "Okay na?"

"Fine. Okay. Sabi mo e," patango-tangong sinabi ni Cess at mayamaya lang din ay inihanda na sa amin ang aming almusal.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang nagsalita si Zecky.

"1PM ang uwi natin mamaya pero may huling activity pa naman tayo. Pupunta tayo sa magandang diving spot sa dagat."

Yung iba sa amin ay excited pero hindi ako makaramdam ng excitement na kagaya nung sa kanila, hindi ko alam pero bigla akong nawalan ng gana.

Nagpatuloy kami sa pagkain at mayamaya lang din ay isa-isa na kaming umaayaw. Nang matapos kaming lahat ay nagsipuntahan na kami sa kanya-kanyang kwarto namin.

Naligo na ako at nakapagbihis at sa ngayon ay abala ako sa paggagayak ng mga gamit ko at pati na rin ng mga pamalit ko nang may kumatok sa pinto.

"Saglit lang" may kalakasan kong sinabi, nang matapos kong tiklupin yung mga damit ko ay agad kong binuksan yung pinto at bumulwag sa harap ko si Jolo.

"Uh, nandun na kaming lahat. Ikaw na lang ang kulang. Dumaan na ako dito tutal galing naman ako sa kwarto ko," ani Jolo.

"Sige, tapusin ko lang 'to," sagot ko. Isinara ko ulit yung pinto at niligpit yung mga dapat ko pang iligpit. Chineck kong mabuti yung buong kwarto ko kung may naiwan ba ako at nang makita kong wala na ay agad na akong lumabas sa kwarto ko.

From Anonymous, To Dearest (Book 1 of Email Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon