Matandang Babae
Hello, you can call me Chewi(nickname) at may kwento lang ako na ishashare ko
Reader ako sa page na to matagal tagal na. Pero naisipan ko na dapat may ishare ako na nasaranasan ko nung bata pa ako.
So eto na nga yun, madaling araw ginising ako ng ate ko para maglaro kami ng shopkins, syempre nung narinig ko yung word na "Shopkins" bigla akong naexcite nun haha. Tapos pagdilat ko, may nakita akong matanda na orange ang balat, ang tangos ng ilong. Biglang tumaas balahibo ko nun at biglang tumibok ng mabilis yung puso ko, sobra akong natakot nun kasi nga bata pa lang ako nun. So ayun natulog ulit ako sa sobrang takot ko.
(Fast Forward)
After two days, nagyaya kapitbahay namin na lagi kong kalaro na magduyan sa playground, maaga pa yun, kasama ko dalawa kong kapatid na magduyan, eh yung playground namin dito malapit lang sa court, walang katao tao nun at kami lang ang maingay sa playgroud, so ayun nagduyan ako tapos pagkaswing ng mataas ng duyan, may nakita akong matandang babae na nakasilip, nagtatago siya sa may van(luma na yung van at napakdumi so ang creepy tingnan) yung matandang nakita ko nun, siya din yung nakita ko nung madaling araw na niyaya ako ng ate ko maglaro. Tapos biglang lumakas yung hangin, kinalabutan talaga ako nun. Kaya bigla akong lumabas ng playground, sumilip ako sa likod ng van pero wala naman akong nakita, kinwento koyun sa mga kapatid ko at kay mama, kaya simula nun di na kami naglaro sa playground na yun. Alam ko di masyadong nakakatakot to, pero kung naranasan niyo lang yung naranasan ko, nakakakilabot talaga. Marami pang nakakakilabot na nangyare sakin pero next time kona lang iaupload yun.ChewiMae
Pasig