the demon
hello po so avid reader po ako dito and super naeenjoy ko po nagbabasa dito. sana ma post niyo to. and ishashare ko lang po sainyo experiences ko sa isang demonyo na laging nag papakita sakin sa panaginip ko.
So bata pa lang ako malapit na sakin yung demonyo na 'to, laging nagpapakita sa panaginip, naalala ko pa dati nagising ako in the middle of the night, it was holy week, tas umiiyak ako and ginising ko mom ko nun kasi sabi ko may bumubulong saken na devil and di ko madyadong maalala pero ang naririnig ko lang is "wag ka maniwala sa Diyos niyo hindi yan totoo" may iba pa tong sinabi hindi ko lang masyadong naalala. tas habang tumatanda ako lumalala yung mga nangyayari sakin. kung dati, sobrang minsan lang to magpakita, ngayon sobrang dalas na. recently lang, nagpakita ulit siya sa panaginip, so usually malalaman ko na siya yun dahil pag yung pakiramdam ko sobrang mabigat, tas madilim super yung paningin ko. pero eto sobrang weird kasi nasa taas ko siya like he was on top of me ang creepy tas nafeel ko sa ano ko na sinesex na niya pala ko so sobrang natakot ako nun coz kala ko mabubuntis ako or smth pero sinearch ko naman sa google na hindi naman daw pero unting unti ka niya daw isasama sa hell ganon. tapos eto na talaga yung sobrang natakot na talaga ko and pati family ko nag worry na din and recently lang din to nangyari. so yun nanaman nagpakita nanaman siya sa panaginip ko, ang lagi kong makikita is nasa harap or nasa tabi ko siya tas maitim na shadow na may sungay. tas may sinabi siya na nakakilabot at ang sobrang nagpatakot sakin. sabi niya "yung lolo mo na pumanaw na, nasa impyerno na siya ngayon" tas sabay tawa. kakamatay lang kasi ng lolo ko nung sepetember. sobrang natakot talaga ko, and kung usually sobrang iksi lang nung mga nightmares ko, nung sinabi niya yun mas tumagal yung panaginip ko and kala ko din mamamatay na ko nun sa panaginip kasi hindi talaga ko makahinga at makagalaw.
may isang beses rin, mga around 4 am na nun, pa tulog na ko at magdadasal na rin. nakaramdaman ako ng isang kakaibang energy around me. yung tipong mapapa tigil ka talaga kasi napaka lakas neto. nilamig ako nun at nakakarinig ng mga boses. iba iba. may mga tumatawa. at hindi ko sila nakikita pero ramdam na ramdam ko sila. ang pakiramdam ay parang may gustong kumuha saiyo. napaka bigat ng feeling. sinubukan kong mag dasal pero sa kalagitnaan neto, ay napa tigil ako dahil naramdaman ko na naman. sobrang bigat. nakakalibot. ginising ko yung ate ko at sinabi ko ang nakakatakot nararamdaman ko. iyak ako ng iyak. nag research kami ng effects of a demonic attack at ayon, isa na dun ang "feeling controlled in everything" which is totoo. halos lahat ng galaw ko ay parang kontrolado lahat. yung tipong may dumidikta sayo kung anong gagawin mo. isa na din sa mga nangyayari saken ay ang shadows na nagpapakita sa panaginip.
so sinabi ko yun sa fam ko kasi natakot na talaga ko so every night lagi nalang kami nagdadasal ng sabay kasi yung dad ko din daw since same kami ng room, parang nafefeel niya din yung presence nung demonyo na yun kahit gising siya, so everynight nagdadasal na po kaming lahat, and after that naman, hindi na po nagpakita yung demonyo. pero ipapadasal pa daw siguro ako sa church or mag confess daw ako.
so yun lang po, kung sino man nakaka experience din nang ganito, pray lang kayo lagi, and remember na mas malakas kayo, at mas malakas din si God.putapeppa pig
quezon city