INHERITED EYES

6 0 0
                                    


-INHERITED EYES-

Hello po! Itago ko nalang ang pangalan ko sa 𝘐𝘴𝘢𝘣𝘦𝘭. Ako'y lumaki sa isang probinsya at lumipat din sa Manila nung ako'y nag high school. Nung bata pa lang ako ay nakakaranas na ako ng mga hindi maipaliwanag na mga bagay. Habang ako ay lumalaki, ako'y nagiging sanay na sa mga ganitong sitwasyon. Marami na din ang naranasan ko ngunit maiibigay ko lang sainyo ay tatlong karanasan ko. Sana po ay mabasa at maintindihan niyo ito ng maayos!

Inherited Eyes: 𝘓𝘪𝘬𝘰𝘥 𝘯𝘨 𝘗𝘶𝘣𝘭𝘪𝘤 𝘚𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭

Nag-aaral ako sa isang public school sa probinsya nung ako'y nasa unang baitang pa lamang. Marami-rami na din ang naging kwento tungkol sa skwelahan na ito dahil ang likod nito'y isang gubat. Sabi sabi na may mga engkanto at kapre subalit ito'y kwento lamang at iilan lang din ang mga studyante ang naniwala dun. Alam ko sa sarili ko na nakikita ko ang mga hindi maipaliwanag na bagay ngunit hindi ko nasubukang gamitin ito dahil na din sa takot ko.

Hanggang dumating ang isang araw, naglinis kami ng silid namin. Tumulong ang lahat sa paglilinis. Biglang tinawag ako ng isa sa ka-klase ko at inutusan akong mag igib ng tubig sa poso. Kinuha ko naman ang balde at dumiretso kaagad sa likod ng skwelahan namin, kung saan matatagpuan ang poso.

Pagdating na pagdating ko sa likod ng skwelahan namin ay bigla akong nakaramdam ng takot ngunit binalewala ko nalang ito at nag igib ng tubig sa poso. Pagkatapos kong mag igib ay bigla akong nagulat nung kinuha ko ang balde at tumingin sa dadaanan ko— biglaang nawala ang skwelahan namin at napalitan ito ng mga puno! Mas binalutan pa ako ng takot nung may narinig akong mga yapak sa gubat. Pawis na pawis ako at nagmamadali akong mag-isip kung ano dapat ang gagawin ko sa ganitong sitwasyon. Bigla ko lang natandaan ang sinabi ng Mama ko na isa rin sa nakakakita ng hindi maipaliwanag na mga bagay, sabi niya sa akin na ang mga engkanto ay mahilig manlinlang ng mga tao sa pamamagitan ng pagwawala nito ng mga daan at kailangang isuot ng pabaliktad ang damit upang makaalis. Kung hindi ka man makakalaya ay tiyak na mananatili ka sa lugar na iyon at patuloy ka nilang paglalaruan hanggang sa may masamang mangyari sa iyo.

Ayun, hinubad ko kaagad ang aking damit at isinuot ito ulit ng pabaliktad. Pagkatapos kong sinuot ang aking mga damit ay tumingin ako ulit sa dadaanan ko at bumalik na ito sa dati. Pawis na pawis akong bumalik sa silid namin. Tinanong pa ako ng iba kong ka-klase na bakit ang tagal ko daw mag igib sa poso, ngunit hindi na ako makapagsalita sa sobrang takot at baka sakaling hindi naman sila maniwala sa sasabihin ko.

Inherited Eyes: 𝘒𝘢𝘱𝘶𝘴-𝘗𝘢𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘢 𝘉𝘢𝘬𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯

Dahil sa ayaw ni Mama na puro nalang ako gadgets nung bata ako, pinadala niya ako sa bahay ng Tita ko sa isang bukid upang magbakasyon at matuto na din gumawa ng mga gawaing bahay.

Pagpunta ko ng bahay ng Tita ko ay sinalubong niya ako kaagad at niyakap. Ang lugar nila ay napakatahimik ngunit sariwang-sariwa ang hangin.

Nung isang araw, naglalaro ako sa labas ng bahay at bigla akong tinawag ng isang matanda na kapit bahay lang namin, "𝘐𝘯𝘦𝘯𝘨! 𝘏𝘢𝘭𝘪𝘬𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨-𝘶𝘴𝘢𝘱 𝘵𝘢𝘺𝘰." Lumapit naman ako pero nung habang papalapit ako ng papalit, nakita ako ng Tita ko at biglang sumigaw na naging rason na din sa pagtigil ng paglalakad ko, "𝘐𝘴𝘢!" Lumapit ang Tita ko sa akin at dinala ako sa loob ng bahay namin.

Pagpasok namin sa bahay ay tinanong ko kaagad si Tita kung bakit sumigaw siya, at sinabi niya sa akin na hindi daw mabuting tao ang tumawag sa akin at huwag daw ako lalapit dun at baka ano daw ang magawa sa akin. Sinunod ko naman ang utos niya nung sa sumunod na araw at sa bawas oras na nakikita ko siya na lumalabas siya ng bahay ay pumapasok ako sa loob ng bahay namin at doon nalang manonood ng tv.

SPOOKIFYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon