PARUSA O ABILIDAD

2 0 0
                                    


PARUSA O ABILIDAD

Hi spookify, Avid- Reader ako dito. Nagbabasa ako lalo na tuwing 2 am ng madaling araw or sa mga oras na di talaga ako makatulog. Nagtry na din ako magshare ng story ko before. Sana ito matanggap na. Anyway, bago ko umpisahan ang kwento ko uunahan ko na kayo na hindi ako ganun kagaling magkwento. Frustrated writer ako, so please bare with me. Nagsulat ako dahil litong lito nako sa kakayahan na meron ako. Gulong-gulo ako at hindi ko na alam ano ito.

Itago niyo nalang ako sa pangalang Sammie. (Hindi tunay na pangalan) Mahirap man paniwalan pero i have this ability to see and talk with the ghost and ng mga iba't ibang klase ng entities. (Tikbalang, dwende, white lady, black lady) name it i can really talk to them. I can also read people's mind. Through their eyes malalaman ko kung ano ang ugali ng isang tao. Kayang-kaya ko rin ithrowback ang nangyari before.

It all started when i was young. Bata palang ako lapitin na daw talaga ako ng mga iba't-ibang klasi ng entities. Aware naman ako sa kwento ng mommy ko na yon dahil 4 years old ako ng makakita ako ng dwende. Madalas akong magkasakit, lagnatin minsan nahohospital pero minsan naman ay konting patawas lang sa albularyo ay gumagaling ako.

2nd year highschool ako ng mahilig akong sobra sa mga multo, sa third eye and everything na hindi nakikita ng ating mga karaniwang mata. Ewan ko madalas din kasi sabihin ng iba na may third eye daw ako. There's this man sa school na sobrang close ko. Sakanya kami umoorder ng pagkain sa school. Nasabi ko sakanya na nakakahiligan ko yun. Diko makakalimutan ang sinabi niya na mayroon siyang libro about third eye. Ipapahiram niya raw sa akin yon. Umasa ako. Pero everyday pag tinatanong ko asan na palagi niya nalang nakakalimutan. So i decided na wag ng umasa don. Ginawa ko nag explore akong mag-isa ko.

Bakasyon na, pasyal dito gala doon. Hindi ako nag gagala ng may araw. Madalas sa gabi ako naglalabas-labas. May hawak akong camera habang nakatambay kami sa bahay ng kaibigan ko ng maisipan kong mag ghost hunting.

"Saan ka pupunta?" Basta! Sagot ko at iniwan sila. Lumapit ako sa poste at pinicturan ito. "kung sino mang nandito please magpakita ka sa picture pero wag sa personal!" Saad ko sa isip ko sabay click sa camera na hawak ko. Paulit ulit ko itong pinindot pero walang lumitaw. Itim lang ang paligid poste at ang blue na gate na katabi ng poste lang ang lumitaw sa picture. Nadismaya ako kaya naisipan kong mag-ikot ikot pa. Dahil baka sakali makatyempo ako. Ng matapos na ay tsaka ako bumalik sa mga kaibigan ko.

Oh may napala ka ba? Tanong ni Jana sa akin. Tinignan ko isa isa ang mga larawan pero wala man lang akong nakuhanan. Badtrip! Sagot ko. Alas dose na ng mapagpasyahan na naming umuwi. May sarili akong kwarto pero napagpasyahan kong tumabi sa kapatid ko. Dahil natatakot ako. Oo ang tanga ko diba? Nag go ghost hunting pero natatakot. Peram ng cellphone mo? Sabi niya. Binigay ko naman kaagad habang ako ay nagpapatulog na.

Tangina ano to?! Nagulat ako ng biglang sumigaw ang kapatid ko. Biglang humangin sa lugar namin hindi namin alam kung dahil ba sa aircon o talagang may parang dumaan.

Tinignan ko ang litrato na kinagulat niya at ganon din ang naging reaksyon ko. Bigla akong nanlambot. Kanina wala to ah?! Gago ka may ginawa ka ba?! Nanginginig na ako sa takot.

Bobo ka ba? Tumitingin lang ako ng picture mo tas nakita ko yan eh! Sigaw din niya. Zinoom ko yung picture para malaman kung ano talaga to. Shet! Ng izoom ko muntik na akong mahimatay! Isang babaeng nakaputi nakalutang siya at walang paa sa tabi ng poste. Agad kong binitawan ang cellphone ko at nagtalukbong kami ng kumot. Pilit namin kinakalimutan ang nakita namin.

Kinabukasan:
Napagpasyahan namin ipakita ito sa lahat ng pamilya namin. Maging sila ay nagulat at hindi makapaniwala. Sobrang halata kasi nung babae sa picture. Kumalat ang larawan sa buong street namin. Kinagabihan tumambay na naman kami sa bahay ng kaibigan ko ng biglang lapitan ako nung kapitbahay nilang lalaki.

Uy Sam patingin naman nung sinasabi nilang picture? Agad kong binigay sakanya ang cellphone ko at sinuri niya ng mabuti ito. Hindi ba edited to? Bigla akong nainis sa tanong niya. Gago bat ko naman gagawin yun? Sabi ko. Hindi ako maniniwala dito. Edi wag! Saad ko. Aalis na sana ako ng bigla niya akong hilain ulit. Picturan mo ulit yung lugar! Kapag yan naging ganyan ulit maniniwala ako. Ayoko sa lahat yung sinusubukan. Lumapit ako doon sa poste at ginawa ko pinagpipicturan ko ulit yon.

"Magpakita ka!" Ulit ulit kong saad. Nakailang take ako pero walang nagpakita ng babaeng nakaputi. Napahiya ako. Pero hinayaan ko na lang basta ako alam kong sa sarili kong hindi edited yun.

Alas dose na uwian na naman namin ulit. Sa sala kami natulog kasama ng kapatid ko. Sobrang lamig kaya bigla akong nagising. Tinignan ko ang cellphone ko at tinignan ko ang oras. 3:02 AM. Bigla akong natakot dahil alam kong sa mga oras na to sinasabi nila ay may nakamasid sayo kaya ka nagigising. Tumingin tingin ako sa paligid at ng dumako ang tingin ko sa bintana ay bigla akong nanginig sa takot. Yung babaeng pilit kong pinapalabas sa picture kanina ay biglang nasa bintana. Nakalutang walang paa ulit. Pinikit pikit ko ang mata ko pero walang nangyari. Andoon pa rin siya. Nagsorry ako at nagdasal ng paulit ulit. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at kinumutan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa. Nakatulog naman ako at pag gising ko wala na sya.

Sobrang haba pa ng kwento ko pero hanggang dito nalang muna dahil habang tinatype ko to nandito na naman siya sa bintana ng kwarto ko nakamasid at nagsisitaasan ang mga balahibo ko.

Please, tulungan nyoko... Hindi ko alam kung parusa ito o isang gift na nadedevelop ko palang. Ipopost ko ang kasunod na kwento sa susunod. Pasensya na mahaba at bitin.

Sammie
Manila


-CCTO

SPOOKIFYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon