KAMBAL NI LANENG

1 0 0
                                    


KAMBAL NI LANENG

Hi spookify readers ! Share ko lang tong experience ko 3 years narin siguro ang nakalipas , nagkaroon kami ng bonding magbabarkada Picnic sa QCMC ,tamang palamig at paglilibang lang sa Sm north at Trinoma , Oo that Day sobrang saya nmin magbabarkada at nung abutan ng Gutom ay syempre diretso lang kay Jabii at pagkatapos ay takbo agad sa Time zone , nagpunta kami sa karaoke dahil gusto nmin pakantahin upang maranig ang napakagandang tinig ni Laneng pero hindi rin natuloy , halos malibot namin buong time zone sa loob ng dalawang oras , at noong halos wala na kaming magawa sa lugar na iyon ay napagdesisyonan na nming magsiuwi na dala narin ng pagod , pero bago kami makalayo ng time zone ay napansin ko na hindi nmin kasama si Laneng kung kaya bumalik kami sa time zone at naghiwahiwalay para mas mabilis na mahanap si Laneng pero hindi nmin sya nagawang hanapin , sa gitna ng pagaalala ay nagsalita ang isa sa amin si Mae "Kanina pa Wala si Laneng bago tayo umakyat dito ? " binanggit nya iyon ng walang halong pagaalala , pagtataka o pangangamba , kung kaya nagulantang ang buong barkada dahil ang Alam nmin ay Kasama nmin syang magsaya sa Loob ng timezone pero habang pilit nming binabalikan ang mga nangyari , Wala kaming matandaang nakasama nmin sya pero pakiramdam nmin ay kasama nmin sya at parang naroon ang presensya nya , ako nman ay halos hindi makapaniwala dahil sa aming magbabarkada ay si Laneng ang pinaka close ko sa tuwing magkasama kami madalas ay nakaakbay , nakahawak sa buhok o nakahawak ako sa balikat nya kaya ang nasa isip ko ay hindi pwedeng hindi ko alam na sa loob ng dalawang oras na nasa time zone kami ay hindi nmin kasama si Laneng , bago kami lumabas ng Mall naglibot muna kami at nanghingi ng tulong sa mga staff at mga guards ng mall baka sakaling napansin nila si Laneng at nagpost din kami sa facebook bka sakaling may makabasang napansin si Laneng lalo na't walang dalang phone si Laneng . dala ng pagod ay nagkaroon ng hindi maayos na paguusap ang buong barkada nagkainitan , nagkasagutan at may unting murahan pa kaya sa paguwi nmin ay nahati ang barkada sa dalawang grupo . habang nasa biyahe pauwi nagchat si Laneng sa kabarkada nming si Nicole sinabi nyang nasa Hospital sya kaya nagulat kami at pinatanong agad kung ano ang nangyari ang sagot ni Laneng ay nadisgrasya ang jeep na sinakyan nya mabuti nlang ang malapit nlang sa bahay nila ang lugar na pinangyarihan ng aksidente at hindi nman malala ang pinsalang natamo nya . at makalipas ang tatlong taon nangyari ulit iyon , Noong nagusap kami sa groupchat nmin at nagplano kami na magkita-kita upang magbonding kaming magbabarkada tumanggi si Laneng na sumama samin dahil pagkagising nya ay Nakita nya sa salamin na wala syang Ulo , natatawa nlang ako at inaasar ko pa sya dahil sa palagay ko ay Lasing na nman si Laneng . Noong nagkita-kita na kami Oo hindi sumipot si Laneng kaya pumunta nlang kami sa bahay nya at sunod nun ay niyaya nmin sya na pumunta sa bahay ng isa pa nming kabarkada na si Jean puro kami kwentuhan , tawanan at sandaling lumabas si Jean upang bumili ng makakain at pagbalik nya ay gulat na gulat na nakatingin kay Laneng dahil ayon sa kanya ay nagkasalubong sila ni Laneng at nagpaalam sa kanya na mauuna ng umuwi pero hindi nman ito lumingon sa kanya , kung kaya kinilabutan ang buong barkada mag 6:00 PM ng magsiuwian kami Nakiusap si Laneng sakin na ihatid ko sya sa bahay nila at pumayag nman ako , habang naglalakad kami ay may mga bagay na inilahad sakin si Laneng na sa tuwing makikita nya ang sarili nya sa salamin na walang ulo ay nagpapakita rin sa mga taong malapit sa kanya ang sinasabing ka doble nya at kapag nangyari iyon madalas bago matapos ang araw ay may masamang nangyayari sa kanya kaya sakin sya nakiusap dahil sa barkada ako ang nagiisang lalaki at ako mismo napagalaman ko sa mga kamaganak at iba pang kaibigan ni Laneng na nagpakita rin sa kanila ang kadobleng iyon ni Laneng .

Elias Ainswort
Quezon City

SPOOKIFYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon