Unang taon ko palang sa kolehiyo sa U.P. Diliman ay sumali na ako sa isang organisasyon sa teatro. High school palang ay hilig ko na ang halos lahat ng aspeto ng teatro, pag arte, pagme make up sa mga artista, lights, costumes at sounds. Kami ring mga miyembro ang nagpapakain sa mga artista dahil wala naman talaga silang matatawag na sweldo kundi honorarium lamang. Sabi nga ng aming direktor, honorarium is an apology for what should have been a salary.
Gabi ang rehearsals at nagsisimula ito ng 6 ng gabi. Ang pang araw na klase kasi sa U.P. ay natatapos ng 5:30pm. Sa teatro sa Palma Hall ginaganap ang rehearsals, malapit din sa tambayan ng theater org na sinalihan ko. Napabilang ako sa Finance Commitee o FinCom at ako ang tagapamahala sa Refreshments group nito. Bumibili kami ng pagkain sa U.P. Coop at kami din ang toka sa paghuhugas ng mga plato, baso at kubyertos na ginamit.
Isang gabing malamig ang simoy ng hangin, nasa teatro kami at nire rehearse ang mga linya ni Tess Dumpit para sa nalalapit na opening night ng play naming Agnes of God. Sa teatro pa lamang may parang kakatwa na akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. May parte sa play na hahagulgol ng iyak si Tess. At habang uma akting sya ng pag iyak, tila may naririnig akong pangalawang tinig. Babae. Kasabay ni Tess na umiiyak din. Akala ko nung una ay echo lamang dahil sa batong istruktura ng teatro. Napatigil si Tess at humingi ng "cut" o break mula sa direktor. Matapos magpahinga ay inulit ang ensayo ng eksena ng pag iyak. At hayun nga, mas lutang ang ikalawang tinig na sumasabay sa kanyang pag iyak. Nagkatinginan kami ng kaibigan kong si Romeliza.
"Uy Romel, narinig mo yun?"
"Oo. Sinasabayan ang iyak ni Tess. Nagti trip na naman si Maristela." Kaswal na tugon ni Romeliza.
"Sino si Maristela?"
"Hindi mo pa pala alam yung kwento? Si Maristela ang residenteng multo sa teatrong ito. Madalas ganyan sinasabayan niya mga dialogue ng mga babaeng artista o kaya'y eksenang may umiiyak. Wag ka matakot. Hindi nagpapakita yun. Hanggang pagpaparinig lang yun."
"Bakit nagmumulto dito si Maristela?"
"Kasi dito sya nagpakamatay. Dyan. Dyan sa pinakataas nyang spiral staircase na inuupuan mo ngayon, dyan niya itinali ang lubid at dyan niya binigti ang sarili nya!"
✔️Please VOTE ⭐️/COMMENT. Thank you for your support.✔️
🌸TATIM🌸
![](https://img.wattpad.com/cover/149382616-288-k164784.jpg)
BINABASA MO ANG
Mga Kwento ng Lagim 2
Adventure#1 in Rank - scarystories 🥇 #2 in Rank- Scary 11142018 🏅 Kaya mo bang makipagkarera sa babaeng nagmumulto sa isang teatro ng U.P.? Paanong naunahan pa niya ang napakatulin mong oto gayung siya ay naglalakad lamang? Matatakot ka bang makasalubong a...