Isang araw ng Sabado, lumuwas sa Maynila si Aling Dely para pasyalan ang kanyang kapatid na si Bobong na maysakit. Palibhasa maagang naulila sa ina at si Aling Dely ang panganay sa magkakapatid, siya na ang tumayong parang ina ng mga ito.
Ibinilin niya sa panganay na anak na si Fatima ang pamamahay at pati narin ang batang si Alexander.
"Fatima! Anak, wag mo hayaang maglaro sa labas yang si Alex maghapon. Alas cuatro hanggang alas cinco y media lamang sya pwedeng lumabas. Tandaan mo, bago mag alas sais ay dapat naparito na sa loob ng bahay yang batang yan!"
"Opo Nanay. Ako na po bahala dyan kay Alexander."
At naiwan na nga ang dalawang magkapatid. Tuwang tuwang naglaro si Alexander ng hapong iyon. Ngunit pagsapit ng alas cinco y media ng hapon ay tinwag na siya ng kanyang Ate Fatima para pumasok na sa loob ng bahay. Nagdasal na ang dalawang magkapatid ng Angelus at pagkatapos ay kumain na sila ng hapunan. Matapos kumain ng hapunan ay magkatulong nilang hinugasan ng magkapatid ang kanilang pinagkainan. Wala parin ang kanilang ina kung kayat nagpaalam ang batang si Alexander na muling lumabas upang makipaglaro sa mga kapwa bata doon.
"Sabi ng Nanay Dely na pag takipsilim na ay bawal na tayo lumabas Alexander. Wag kang mapilit at magagalit si Nanay."
"Pero ate nandyan na sa pinto ang nga kalaro ko inaantay nila ako na magtaguan!" Pagpupumilit ni Alexander.
"Sinabing hindi nga pwede eh!"
"Eh ate, wala pa naman ang Nanay eh! Sige kung gusto mo dito nalang tayo sa loob ng bakuran magtaguan. Wala namang sinabi si Nanay na bawal maglaro sa loob ng bakuran at ng bahay di ba? Ang sabi nya ay bawal tayong lumabas!"
At sa kapipilit at kakukulit ni Alexander sa Ate Fatima nya ay pumayag na din ito. Apat silang batang nagtataguan. Si Fatima, si Alexander at ang dalawang kalaro nitong sila Samuel at Bubuy. Ang unang "taya" ay si Bubuy.
"Pagbilang ko ng sampu ay nakatago na kayo! Isa..."
At kanya kanyang tago na nga ang tatlo. Si Alexander ay naisipang sa likod ng kurtina magtago. Humihingal ito sa kaba at excitement. Wala pang ilang minuto ay:
"Bulaga!" At tuluyan na ngang nakita ni Bubuy si Alexander sabay takbo pabalik sa "base" nila sa may pintuan. Laking gulat ni Alexander na nandun na ang kanyang ate, si Samuel at si Bubuy.
"Taya ka Alexander! Hahahaha!" Sigaw ni Samuel.
At nagsimula na ngang bumilang si Alexander.
"Pagkabilang ko ng sampu, nakatago na kayo!"
"Aaaleeexxxx!"
"Isa!..."
"Aaallleeeexxxxx!"
"Dalawa!..."
Biglang kinilabutan si Alexander. Para bang may tumatawag sa pangalan niya. Luminga linga siya. Wala namang tao na doon. Sigurado siya nakapag tago na ang kanyang ate pati narin sila Samuel at Bubuy.
Kahit takot ay tinapos niya ang kanyang pagbilang at ng mahanap na niya ang mga kalaro.
"Siyam! Sampu! Ready or not eto na akooo!"
Una niyang pinuntahan ang kusina. Sinilip niya ang likod ng paminggalan doon. Walang tao. Lahat ng kurtina sa kusina ay ininspeksyon nya. Wala rin. Dali dali siyang bumalik sa "base" nila at baka masalisihan sya ng mga iyon. Walang tao doon. Nagsimula ulit syang maghanap sa mga kuwarto. Sa ilalim ng mga kama. Sa likod ng tocador at mga estante. Wala kahit sino ang nagtatado doon. Medyo lumakas ang kabog ng dibdib ni Alexander. Nasaan na kaya ang mga iyon?
Bigla niyang naisipan na baka sa looban o sa bakuran nagtago ang kanyang mga ate at kalaro. Kaya nagmamadali siyang lumabas ng bakuran upang doon maghanap.
Malamig ang simoy ng hangin. Kagat na ang dilim. Tila kakaiba ang paligid. Parang hindi ito ang bakuran nila. Nakaramdam na ng takot si Alexander at nagmadali na siyang makabalik sa loob ng kanilang bahay.
"Aaallleeeexxxx!!!"
Mas malakas ang tinig na tumatawag sa kanyang pangalan. Luminga linga siya sa paligid. Walang tao. Lalong lumamig ang hampas ng hangin. Halos takbuhin niya patungo sa pintuan papasok ng bahay. Ngunit anong panghihilakbot ng batang si Alexander ng hindi niya makita ang pinto ng bahay nila! At ng masulyapan niya ang kanilang bahay ay ganun nalang ang takot niya ng makitang hindi iyon ang kanilang tahanan! Isang dalawang palapag na napakalumang bahay ang tumambad sa kanyang harapan. Marumi ang mga salamin sa bintana nito at hindi matanaw ang loob ng bahay. Nagsimula ng umiyak ang batang si Alexander.
"Ate! Ate Fatima! Nasan kayo! Samuel! Bubuy! Natatakot ako!"
"Aaaallleeeexxxx!!!"
"Si-sino ka? Ate ikaw ba yan? Nasaan kayo? Nasaan ako?"
At ang pintuan ng lumang bahay na nasa harapan ni Alexander ay unti unting bumukas. Napakadilim ng loob ng lumang bahay. Walang maaninag sa loob. Naramdaman ni Alexander na may papalabas mula sa loob ng madilim na lumang bahay. Napa atras siya ng dahan dahan. Nais niyang tumakbo ngunit hindi niya alam kung saan siya pupunta.
"Aaaallleeeexxxx!!!"
Dalawang hakbang paatras ang ginawa ni Alexander. Hindi niya napansin ang isang tipak na bato sa daanan kung kayat napatid siya dito na naging dahilan kaya siya ay natumbang paupo.
Nanlalaki ang mga mata at walang nagawa kundi ang sumigaw nang tumambad sa kanya ang lumabas mula sa pintuan ng lumang bahay!
"Aaaaaahhhhhhh!!!"
✔️Please VOTE ⭐️/COMMENT. Thank you for your support.✔️
🌸TATIM🌸
BINABASA MO ANG
Mga Kwento ng Lagim 2
Adventure#1 in Rank - scarystories 🥇 #2 in Rank- Scary 11142018 🏅 Kaya mo bang makipagkarera sa babaeng nagmumulto sa isang teatro ng U.P.? Paanong naunahan pa niya ang napakatulin mong oto gayung siya ay naglalakad lamang? Matatakot ka bang makasalubong a...