Tagaktak man ang pawis ay patuloy parin sa pag padyak sa pedal ng bisikleta si Shergil. Nadaanan niya ang Mercury Drug sa kabilang kalsada ngunit gaya ng inaasahan ay bukas iyon ng 24 oras ngunit tila inabandona ng madalian. May mga nagkalat pang bayad ng gamot at pera sa formica counter ng naturang botika. Hindi doon nawalan ng pag asa si Shergil. At bigla nga nyang naisip, sa himpilan ng pulisya sya pupunta. Hindi naman kalayuan ito sa kasalukuyang kinaroroonan niya. Sigurado siya na kahit wala man ni isang pulis doon, sigurado naman siya na may mga preso siyang madadatnang nakakulong doon. Imposible namang sa loob lang ng halos mahigit lang sa isang araw ay pinalaya na kaagad ang mga naturang preso na karamihan ay nakabinbin pa ang mga kaso sa husgado. Bumilis ang tibok ng puso ni Shergil ng mamataan ang himpilan ng pulisya na oo nga'y bukas lahat ng ilaw pero alam niyang abandonado rin iyon. Tumuloy parin sya sa pag asang may makakausap kahit isang preso doon. Alam niyang kahit paano at may alam ang nga ito sa pagkawala ng mga tao sa paligid.
Tuloy tuloy si Shergil sa abandonadong front desk. Dito ay nakita nya ang isang hindi pa tapos na pag blotter sa isang naganap na estafahan sa purok 6. Sa likod ng front desk ay may kahoy na divider at naroon ang tatlong selda na detention cells lang naman ng mga akusadong hindi pa nasesentensyahan. Pag ang isang akusadi ay "tinamaan" na o nahatulan na, ito ay ibabyahe na sa Muntinlupa. Saglit siyang luminga linga sa paligid kung may pulis ba doon. Bawal kasi basta pumasok ang dalaw ng mga preso ng hindi pa nakakapirma sa log book. Wala. Wala ni isang kapulisan sa paligid. Bumuga muna siya ng isang malalim na paghinga at tinungo na ang mga selda. Pagliko niya ay sumalubong agad sa kanya ang maasim na amoy ng natuyong pawis ng tao. Natural lang ang ganitong amoy sa isang piitan kung saan walang maayos na bentilasyon. At nanlaki ang ulo niya sa namalas!
Wala kahit isang presong nakakulong sa mga selda! Nanatiling naka baral ang seradura ng mga selda at naka padlock pa ang mga ito. Pero walang presong laman!
Dito na sumabog ng tuluyan ang panic na nararamdaman ni Shergil kanina pa! Imposibleng nakalaya na lahat ng mga nakakulong dito! Ito ay tila isang matinding pagpapatunay na naglaho lahat ng tao sa lugar na iyon!
~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~•
Nanlulumo si Shergil na nagpepedal patungo sa direksyon ng simbahan. Alam niya sa isip nya na wala parin syang kasagutang makukuha sa simbahan. Huling baraha na niya ang pagpunta sa simbahan. Pag doon ay wala parin siyang nakuhang kasagutan, hindi na niya alam ang kanyang gagawin.
Bukas ang simbahan at pati narin ang mga ilaw sa loob at labas nito. Pero gaya ng inaasahan walang kahit anong senyales ng buhay ang kanyang dinatnan. Ngayon ay tila larawan siya ng kawalang pag asa at pakaladkad na pumasok sa naturang simbahan. Tinunghayan ang nakapakong Kristo sa altar at naghihinang napaluhod sa isang pew.
"Diyos ko!" Bulalas ni Shergil.
"Ano po ba ang nangyayari sa paligid ko ngayon? Wag nyo po akong pababayaan!"
Nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa boses ni Shergil. At tila umaalingawngaw ang sarili nyang boses. Kahit siguro maglaglag siya ng kahit aspile lang at lalagabog ito sa marmol na sahig ng sumbahan. Nanatili muna si Shergil sa loob ng simbahan at nanatiling nakaupo sa gawing likuran paharap sa altar. Gusto niyang linawin ang kanyang isip at ipahinga ang kanyang nangangalog na sa pagod na tuhod.
Habang nakapikit ang kanyang mga mata at ipinapahinga saglit ang hapong hapo na niyang katawan ay napamulagat siya ng may marinig na kung anong bagay na tila bakal na kumikiskis sa sahig ng simbahan. At tila nanggagaling iyon sa loob ng sakristya. Naging alerto si Shergil sa pagkaka upo nya. Sandaling nakiramdam subalit nawala ang kakaibang tunog na iyon. Dahan dahan siyang tumayo at lumakad ng marahan papunta sa sakristya nang mapatigil siya sa kinatatayuan! Bumalik at mas malakas pa ang tunog ng kumikiskis na bakal sa marmol na sahig ng simbahan. Pero hindi ang tunog na iyon ang nagdulot ng matinding kilabot sa buong pagkatao ni Shergil kundi ang kasabay na tila atungal/ungol ng isang nilalang na sigurado siyang hindi isang tao!
Palapit ng palapit ang atungal na iyon kasabay ng palakas ng palakad na pagkiskis ng tila isang bakal sa marmol na sahig ng simbahan. Tila naman na semento sa kinatatayuan si Shergil. Kung wala ni isang tao sa buong komunidad kung saan naninirahan si Shergil, ibig sabihin niyon ay mag isa lamang siya. Ngunit bakit may lumilikha ng malakas na pahampas na tunog na iyon at sinasabayan pa ng kakilakilabot na atungal. At sa kanina'y marubdob na pagnanais na may makitang kahit isang tao, ngayon nama'y mas minarapat na lamang niyang tumakbo palayo sa kahit pa alam niyang may buhay din na lumilikha ng wala sa mundong itong tunog!
~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~•
Walang lingon lingon ay sige ang padyak sa pedal ng bisikleta nya palalayo sa simbahan. Halos liparin ni Shergil pabalik sa apartment niya. At nang marating niya ito ay basta na lamang niya ibinalibag ang bisikleta at dali daling isinaksak ang susi sa seradura ng pinto at mabilis na pumasok. Ikinandado niya ang pinto at sinigurong mahigpit na nakasara ang bawat bintana pati narin ang pinto sa likuran ng naturang paupahan. Nanginginig ang buong katawan na nagkulong sa kwarto si Shergil. Matapos tunggain ang laman ng dala niyang bottled water at luminga linga siya sa loob ng silid. Naghahanap ng kahit anong pang depensa sa sarili sakaling masundan siya ng kung ano man iyong tinakbuhan niya. Nakakita siya ng isang night stick na bigay kay Jemos ng dati nitong dyowa na barangay tanod. Yapos yapos ang night stick, hawak ang susi at mag light na nagsumiksik si Shergil sa pinaka sulok ng silid na hindi alam ang gagawin at kung ano ang bukas na naghihintay sa buhay niya!
~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~•
Napamulagat si Shergil at napasinghap sa pagkakatulog niyang iyon sa sulok ng kanyang kwarto. Yapos yapos pa niya ang night stick at ang mag light nyang flashlight. Nakatulog pala sya kagabi sa matinding pagod at di nya namalayang umaga na pala uli. Pilit kumakawala ang mumunting sinag ng araw sa mga siwang ng kurtinang tumatakip sa bintana ng kwarto nya. Tumayo si Shergil at tinungo ang kusina. Wala ng kuryente. Binuksan nya ang ref at kinain ang mga pagkaing unang mapapanis pag wala sa ref. Tapos ay chineck nyang muli ang mga pinto at bintana bago pumasok sa banyo. Iniwan nya sa tabi ng balde ng inimbak na tubig ang night stick. Pinihit nya ang gripo at tulad ng inaasahan, wala naring tubig na lumalabas dito. Mabuti nalang at ugali nila ni Jemos na mag imbak ng tubig sa malaking plastic na drum sa loob ng banyo. At may dalawa pang balde na puno parin ng tubig. Buong pagtitipid na naglinis sya ng katawan at nagsepilyo. Walang kasiguraduhan ang mangyayari sa araw na ito. Matapos ay nagbihis sya nagsuot ng cargo pants para maraming bulsa at rubber shoes. Susubukan niya uling lumabas upang humanap ng kasagutan sa mga nangyayari sa kanya at maghanap ng senyales ng buhay bukod sa sarili nya.
Sumilip muna siya mula sa likod ng kurtinang tumatakip sa bintana ng harapan ng tirahan niya. Walang kahit anong gumagalaw sa labas. Wala kahit anong ingay. Nu huni ng ibon ay wala. Nakabibinging katahimikan. Marahan niyang binuksan ang pinto at humakbang palabas. Kailangan niyang magpunta sa geocery upang bumili ng mga de lata at bottled water. Dahil wala na ngang kuryente at di na nagana ang ref, panigurado hanggang bukas nalang ang itatagal ng mga pagkaing nanduon.
Dumating sya sa isang 7-11. Walang crew, customer o kahit anong senyales ng buhay. Nagsisimula ng kumapal ang alikabok sa ibabaw ng mga paninda.
Agad niyang pinuno ng de latang easy-open can ang kanyang backpack. Kumuha din sya ng ilang pirasong baterya para sa mag light nya at isang may kalakihang flashlight at mga baterya para dito. Kinuha nya lahat ng kandila at ilang pirasong lighter. Kailangan niya ng liwanag sa gabi dahil walang elektrisidad na bubuhay sa mga ilaw sa bahay, ika niya sa sarili. Nagpalinga linga siya at nakakita ng isang basket. Nilagyan niya iyon ng dalawang tig dalawang galon ng drinking water at dalawang bote ng Coke Zero. Palabas na siya ng maalala ang deodorant kaya't kumuha sya ng dalawang botelya ng Nivea Deodorant. Buhat buhat ang may kabigatang basket pati na ang back pack sa likuran nya ay nagmamadali siyang bumalik sa tirahan at inilagak doon ang nakuhang supplies. Nagpapahinga lamang siya sandali nang makitang isang pigura ng tao na nakasilip sa bintana. Malabo ang pigura nito dahil natatakoan ng kurtina ang nasabing bintana. Akmang tatayo siya ng malaglag sa bulsa niya ang lata ng corned tuna at lumikha ito ng ingay. Biglang tumakbo papalayo ang tao sa bintana. Dali dali niyang hinawi ang kurtina at nakita nya ang pigura ng taong papalayo. Hindi siya pwede magkamali! Binuksan nya ang pinto at ubod lakas na tinawag ang taong tumatakbong palayo."JEMOOOSS!!!"
✔️Please VOTE ⭐️/COMMENT. Thank you for your support.✔️
🌸TATIM🌸
BINABASA MO ANG
Mga Kwento ng Lagim 2
Adventure#1 in Rank - scarystories 🥇 #2 in Rank- Scary 11142018 🏅 Kaya mo bang makipagkarera sa babaeng nagmumulto sa isang teatro ng U.P.? Paanong naunahan pa niya ang napakatulin mong oto gayung siya ay naglalakad lamang? Matatakot ka bang makasalubong a...