Habang umaandar ang aming sinasakyang oto, siguro mga 60 km/hr ang bilis, isang babaeng mahaba ang nakalugay na buhok ang kasabay na naglalakad sa tabi ng aming sasakyan. Ang hindi namin maipaliwanag, sa galaw ng babae ay hindi sya tumatakbo, naglalakad lamang siya! Ngunit bakit nakakasabay siya sa bilis ng takbo ng aming sasakyan. Ordinaryo lang ang suot niyang damit, normal ang itsura, walang kahit anong palatandaan na siya ay hindi isang normal na tao.
Bumulong si Romeliza sa tabi ko: "Bilisan mo andar nitong kotse..."
At iyon na nga ginawa ko, inapakan ko ang silinyador at halos paharurutin ko ang oto. Ngunit nandun pa din sya! At ngayon ay nasa tabi na sya ng driver's seat. Nasa tabi ko na sya.
"More speed please?!" Sabi ni Mitch. Kaya lalo ko pa binilisan. Nasa highway kami at pumapalo na sa 120km/hr ang takbo ko!
Paglingon naming tatlo sa tabi ko ay nandun pa din ang babae. Naglalakad pa din!
At bigla itong lumingon sa kanan niya-sa amin at tiningnan kami ng masama ng kanyang galit na galit na mata! Doon lang namin nakita ang lubid na nakatali pa sa leeg nya!
"Aaaaaaahhhhhh!!!"
Sabay sabay naming sigaw at biglang nag unat ng kanang kamay ang babae na animoy aabutin kami!
"Close the wiiindooows!!!" Sigaw ni Mitch habang una niyang sinara ang bintana sa tabi ko at saka isinunod ang nasa kaliwa niya. Ganun din ang ginawa ni Romeliza.
Pagtingin namin sa labas ng oto ay wala na ang babaeng naglalakad. Nagkatinginan kami ulit sa rearview mirror.
"Si-si Mariste-la...?" Ang nanginginig kong turan/tanong.
"Oo, shhh. Wag na nating banggitin ang pangalan niya..."
"Please drive fast. Hurry home to your place. Natatakot na ako!" Maluha luha na si Mitch.
At akmang tatapakan ko ulit ang silinyador ng...
BLAAG!!!
May lumagabog sa bubong ng oto ko kaya wala ng usapan tinodo ko na ang tulin ng pagmamaneho, walang tigil tigil sa red light, mabuti nalang at hindi kami naaksidente, hanggang narating namin ang bahay ko. Habang umaandar naman kami, pinage (Easy Call) ni Mitch ang kapatid ko na buksan na ang gate bago pa man kami dumating sa bahay. Hindi ko ipinasok sa looban o garahe namin ang kotse pagdating sa amin. Biglang baba kami sa sasakyan, iniwan nalang namin basta sa sidewalk sa labas ng bahay namin at hinila ko narin ang kapatid kong nag aantay sa amin papasok sa looban at deretso sa loob ng bahay.
Tumawag kami sa pulis para ipa check ang bubungan ng kotse ngunit wala naman daw tao doon.
Wala ni isa sa aming tatlo ang nakatulog ng gabing iyon.
Kinabukasan ng umaga saka palang namin sabay sabay na nilabas ang kotse. Nandun parin ito sa pinag iwanan namin. Walang kakaiba, walang nasira o nabasag na salamin.
Biglang nagsalita si Romeliza: "Bubong!"
At sabay sabay din kaming tumingin sa bubong ng oto. At nanlaki ang mga mata namin pare pareho sa aming nakita!
Puro gasgas ang bubong ng kotse - tig-aapat na mahahabang gasgas na animoy likha ng mahahabang kuko!
✔️Please VOTE ⭐️/COMMENT. Thank you for your support.✔️
🌸TATIM🌸
BINABASA MO ANG
Mga Kwento ng Lagim 2
Adventure#1 in Rank - scarystories 🥇 #2 in Rank- Scary 11142018 🏅 Kaya mo bang makipagkarera sa babaeng nagmumulto sa isang teatro ng U.P.? Paanong naunahan pa niya ang napakatulin mong oto gayung siya ay naglalakad lamang? Matatakot ka bang makasalubong a...