HULING TAO I

1.7K 75 3
                                    

Napabalikwas ng bangon si Shergil sabay sulyap sa alarm clock na nasa bedside table niya. Laking gulat niya nang mapansing alas diyes na pala. Pero teka, alas diyes na ba ng umaga o alas diyes ng gabi? Kasi kung alas diyes ng gabi, ibig sabihin ay nakatulog siya ng 27 oras! Sinilip niya ang bintana. Madilim sa labas. Malamang alas diyes na nga ng gabi. Kaya pala humihilab na rin ang sikmura niya dahil sa gutom. Sa sobrang pagod siguro kahapon pagkagaling sa pagsusulit sa paaralan, samahan pa ng ilang araw siyang puyat, kayat sobrang lalim ng tulog niya. Marahan siyang nag inat at lumabas ng kwarto upang humanap ng makakain.

"Jemos! Jemos! Uy bakla nasan ka ba? Lafang tayo!" Tawag niya sa room mate at kaklase din niya. Katahimikan ang sumalubong sa kanya paglabas niya ng silid.

Binuksan niya ang ref at laking tuwa niya nang makitang may cheese, bacon, lettuce, kamatis at mayonnaise sa loob. Sumulyap siya sa paminggalan at kumpleto na ang pagkain niya. May isang balot pa ng Gardenia tasty bread na tila wala pang bawas. Agad na siyang gumawa ng BLT Sandwich na kanyang paborito.

Habang kumakain at ngumunguya, tinawag niya ulit ang room mate: "Jemos! Nasan ka ba? Uy!" Katahimikan parin ang sumagot sa kanya. Saan kaya nagpunta ang baklang yun. Hindi ito umaalis sa apartment nila ng hindi siya kasama. Kung may biglaang kailangan itong bilhin at tulog siya, mag iiwan ito ng note para sa kanya. Pero lahat ng pwedeng pagpaskilan ng note ay tiningnan na niya. Walang iniwang note para sa kanya ang kaibigan.

Matapos kumain at iligpit ang pinagkainan, lumabas siya sa harap ng apartment para mag yosi. Kasunduan kasi nila ni Jemos na hindi sila mag yoyosi sa loob ng tirahan para hindi mag amoy sigarilyo at upos ang loob ng apartment.

Habang humihitit at bumubuga ng usok mula sa sigarilyo ay napansin niyang ang pilahan ng jeep na bumibyahe ng 24 oras sa na tapat mismo ng apartment nila ang terminal ay walang katao tao. Walang tao kahit isa mapa driver mang nakapila o pasahero. Nakapagtataka naman yata. Sabado ngayon at uwian sa probinsya ng iba. At ang mga jeep ay pabalagbag ang pagkakaparada. Para bang inabandona ng mga driver nito ng madalian.

Inikot pa niya ang mata sa katabi ng terminal na 7-11. Bukas ang ilaw pero walang tao kahit isa sa loob. Kahera man o customer. Weird! Pati ang mga balot at cigarette vendors na suki na niya halos lahat ay wala din sa kani kaniyang pwesto. Wala ding mga taong naglalakad sa datiratiy mataong kalsada.

Bigla siyang nakaramdam ng kung anong pinipilipit sa dibdib at sikmura niya. Senyales iyon pag siya ay nakakaramdam ng hindi niya maipaliwanag na takot o kaba ng dibdib.

Para kasing nag iisa lamang siya sa lugar na iyon ng gabing iyon!

~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~•

Pilit pinairal ni Shergil ang kanyang common sense. Imposible namang sa ipagpalagay na niyang mahigit 24 oras niyang pagkakatulog ay nawala lahat ng tao sa paligid niya at pati ng tinitirhan nya. Agad siyang bumalik sa loob ng bahay at kinuha ang kanyang cellphone. Mabilis na hinanap ang pangalan ng room mate at kaibigan na alam niyang laging may dalang powerbank at hindi ito nalo low battery pagdating sa cellphone.

Jemos Gallardo

Kanyang pinindot ang dial button.

The number you dialled is not accessible at the moment. Please try again later.

Inulit niyang pindutin ang Call Button.

Ganun parin ang recording.

At sa ikatlong pag Call nya ay:

The nunber you dialled is incorrect. Please check the number and dial again.

"Bakit ganun?" isip isip ni Shergil. "Bakit parang hindi lang basta walang signal ang cellphone Jemos? Bakit nung ikatlong dial ko parang hindi nakasalpak ang SIM Card ni Jemos?" ang pangambang isip ni Shergil. Imposible na hayaan nalang ni Jemos na nawalan silang dalawa ng means of communication. Parang pamilya na sila and ika nga they watch each other's back. Biglang naisipan ni Shergil na tawagan ang mga magulang sa probinsya. Siguro naman may signal sa Tacloban.

RRiiiinnngggg!!!!

Makailang ulit nag ring ang cellphone ng ina hanggang sa:

The number you dialled is not accessible at the moment. Please try again later.

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Shergil. Imposible! Dalawang ulit pang ganun ang recording at sa ika-apat na pag try nyang matawagan ang ina ay:

The nunber you dialled is incorrect. Please check the number and dial again.

Halos ikatuyo ng utak ni Shergil ang narinig. Wala siyang mahanap na paliwanag para doon. At sinubukan pa nyang magtawag ng iba pang kakilala at kaibigan. Ngunit bigo syang may makontak kahit isa sa mga ito.

Bakit ganun? Lahat nalang ba ng nasa phonebook ng cellphone niya ay walang signal? Nagpalit ng SIM? Baka naman may problema ang mga networks. Ah siguro nga yun ang problema. Nagpasya siyang maglakad lakad hanggang may makita siyang kakilala o tao. Dahil nga walang tao sa terminal ng pampasaherong jeep sa tapat ng apartment nila, at wala naman siyang kotse o motorsiklo na pwede niyang masakyan, nagpasya si Shergil na gamitin nalang ang kanyang bisikleta. Parang exercise narin nya ang pagbibisikleta habang hinahanap ang kaibigang si Jemos.

Kayat kinuha ang susi ng apartment nya, ang mountain bike, helmet, maglight at isang bottled water, lumabas na si Shergil at ini lock ang tirahan. Hindi siya titigil ng pagbibisikleta hanggat hindi niya nakikita si Jemos para maliwanagan narin siya kung ano ba ang nangyari sa paligid at tila nawala yata lahat ng tao habang halos maghapon at magdamag siyang tulog. Kailangan niyang makita si Jemos upang makalma ang namumuong panic sa bawat himaymay ng katawan niya. Kelangan niyang makita si Jemos. Kelangan niyang makakita ng kahit sinong kakilala, ng kahit sinong tao kahit hindi niya kilala basta't mapatunayan lang niyang hindi siya nag iisa sa mundo ngayong gabing ito!

Your VOTE ⭐️ is always highly appeciated.

🌸TATIM🌸

Mga Kwento ng Lagim 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon