Hunyango ~ I (Ang Batang si Alexander)

1.7K 79 2
                                    

"Alexander! Alexander! Nasan ka bang bata ka ha?! Alexander!!!"

Rinig hanggang kapitbahay ang boses ni Aling Dely ng hapong iyon. Takipsilim na kasi. Menos diyes para alas sais de la tarde. 5:50pm. Mahigpit si Aleng Dely sa mga anak niya pagdating ng takipsilim. Palibhasay laki ito sa sinaunang panahon sa isang pamilyang may lahing Kastila.

Hindi naman mayaman sina Aling Dely, hindi rin naman sila nagdarahop sa buhay. Pero kung titingnan mo ito, pati narin ang dalawang anak nitong sina Alexander at Fatima, aakalain mong mga anak mayaman at alta de sociedad ang mga ito. Lalo na si Aling Dely. Kulay mais ang buhok nito, matangos ang ilong at mahahaba ang pilikmata ng kulay berdeng mga mata. Tipikal na kastilaloy. At pag ganitong mag a-alas sais na ay nagdarasal sila ng orasyon ~ sa wikang Latin.

Humahangos na pumasok ng kabahayan ang batang si Alexander. Napakaamo ng mukha nito at hindi mo aakalain na napaka pilyo nito.

"Heto na po ako Mama! Umabot po ako sa Angelus Domini?"

"Saan ka ba galing bata ka ha? Kanina pa kami naghihintay sa iyo ng Ate Fatima mo. Hala sige, Fatima ikaw ang mamuno ng dasal. Humarap kayo sa banda ng katedral."

At humarap na nga ang mag iina sa Katedral at nag ang tanda:

"In nomine Patris, et Filii, et Spiritus Sancti...Amen" Panimula ng labindalawang taong gulang na batang si Fatima.

"Angelus Domini Nuntiavit Mariae.
Et concepit de Spiritu Sancto..."

At ng matapos na ang kanilang pagdarasal ay nag hapunan na ang mag iina.

Matapos kumain, nagpaalam ang batang si Alexander na muling maglaro sa labas. Galit na sinagot siya ng ina:

"Naku Alexander. Pag kumagat na ang takipsilim dapat ang mga bata ay nasa loob na ng tahanan. Delikadong nasa labas ka parin pag pakagat na ang dilim. Sige ka, baka makasalubong mo ay kamukhang kamukha mo!"

Namimilog ang magandang mata ni Alexander. Hindi niya mawari pero may takot siyang naramdaman sa tinuran ng ina.

Pero nanaig pa din ang kakulitan ni Alex na siyang naging daan upang danasin niya ang isang kahindik hindik na pangyayari na hindi nya malilimutan sa tanang buhay niya. At pati ang kanyang tahimik na Ate Fatima ay naging saksi sa isang pagsubok kay Alexander na muntik na niyang hindi malampasan. Kung ano iyon ay ating malalaman sa paglipat ng pahina.

✔️Please VOTE ⭐️/COMMENT. Thank you for your support.✔️

🌸TATIM🌸

Mga Kwento ng Lagim 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon