OWMB 1

4.1K 81 9
                                    

Prizila Johanna

Tok! Tok! Tok! Tok! "Lumabas kayo dyan!" ilang malalakas na katok sa pinto ang gumising kay Prizila.

"Sino yan?" sabi nya habang binubuksan ang pinto.

Bumungad sa kanya ang ngiwi at bungi nilang landlady.

"Oh Aling Ising kayo po pala" sabi nya habang nagkukusot pa ng mga mata.

"Oo! At kaninang-kanina pa ko kumakatok sa pinto nyo!" Amoy pa niya ang baho ng hininga ng matandang babae habang patuloy ang pagsinghal nito sa tapat mismo ng mukha niya, siya naman ang ngumiwi.

"Eh ano nga po pala ang dahilan kung bakit ang aga nyo po narito? May problema po ba?" Magalang nyang sabi at medyo lumayo sa matanda.

"Aba! Ang kapal naman ng mukha mong magtanong pa sakin? Oh cha! Magbalot-balot na kayo ng mga gamit nyo at magsilayas na kayo dito tutal di naman kayo marunong magbayad ng renta! Dalawang buwan na kayong di nakakabayad kailangan ko pa naman ngayon ng pera!" Itinuro nito ang loob ng bahay nila at hinawi siya upang tuluyang makapasok. Sinundan niya ng tingin ang matanda.

"Ho? Pero may binigay po ako kay Inay na pambayad ng renta namin dito sa bahay" Hinarap siya ng matanda at inismiran.

"Pwes! nagkakamali ka dahil wala syang binigay sakin!" Singhal na naman nito. Napahilamos na lang ng sariling mukha si Prizila dahil ginawa na naman ng nanay niya ang pagkuha sa pera na dapat ay bayad ng renta.

"Pero po---" hindi na siya nakapagsalita ng pigilin siya ni aling Ising, buo ang loob nitong palayasin sila.

"Wala ng pero pero kung hindi pa kayo makapagbayad lumayas na kayo at ng mapaupahan ko sa iba!" Hindi siya makaimik pa dahil sunod sunod ang pagsasalita nito.

"Aling Ising baka po pwede bigyan nyo naman po kami ng palugit hanggang sa makabale po ulit ako." Nilapitan niya ang matanda at nagmakaawa, mukha namang epektibo ito dahil natameme ang babae at pinakatitigan siya.

"Sige pero huling pagkakataon na 'to. Magbalot-balot na kayo dahil kapag di pa kayo nakapagbayad bukas ayaw ko ng makita ang mga pagmumukha nyo dito kinabukasan! Kaya minamalas ang negosyo ko eh dahil sa mga katulad ninyo! Mga ingrata!" Nagmamadali siya nitong binunggo at umalis ng bahay nila.

----

"Inay" tawag niya sa ina na nagsusugal.

"Oh bakit?" Hindi siya nito nililingon.

"Diba ho may ibinigay ako sa inyong pambayad ng renta dito sa bahay?" magalang kong sabi. Alam niya na ang patutunguhan nito. Siguradong siya pa ang mali sa sinasabi nya.

"Oh eh ano naman ngayon?" Nilingon siya ng ina at padabog na pinalo ang lamesa.

"Eh kasi ho nagpunta dito kanina si Aling Ising at naniningil na ho satin wala naman po akong maibigay ngayon dahil di pa po ako nakakabale ulit." Pinaglalaruan niya ang mga daliri dahil alam niyang magagalit ang ina.

"Ah ganon? Ako ngayon ang sinisisi mo dahil di ka nakapagbayad?" Tumayo na ito, napatingin siya sa mga kalaro nito sa sugal at patuloy lang ang mga iyon. Napakamot siya ng batok.

"Ay hindi naman ho sa ganon Inay ang sa akin lang naman ho nahihiya lang po ako sa amo ko dahil lagi nalang po akong bale ng bale" lumayo siya ng konti dahil tiyak na malilintikan siya.

"Ah ganon? Sa akin na nanay mo hindi kana nahiya?" Sumisinghal na ang ina niya at unti unti ang paglapit sa kanya.

"Hindi naman ho Inay ang sinasabi ko lang po saan nyo po ba dinala yung pera?" Huminga ng malalim si Prizila at lumunok.

Obsessed With My Babymaker (Broken Men Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon