OWMB 3

2.2K 45 2
                                    

Happy Birthday!
LegendArie I love you. God bless always! 😘😘


Chapter 3

"Ano ba Ising matandang hukluban ka bitiwan mo ako!" narinig kong sigaw ni Inay habang hinihilahod sya ni Aling Ising.

"Aling Ising! Tama na po!" sigaw ko kay Aling Ising ng makita kong kinakaladkad na nya palabas ng bahay sina Inay.

"Diba sinabi ko na sayo kapag di pa kayo nakabayad eh palalayasin ko na kayo?"

"Aling Ising pasensya na po kayo kung natagalan ako pero mababayaran ko na po kayo ngayon. Natagalan lang po ako pero magbabayad na po kami." sabi ko sa kanya tyaka inilabas ko ang pambayad sa renta namin na ipinahiram sa akin ni Jorcey. "Eto po oh Aling Ising kunin nyo na." sabi ko.

"Yun naman pala e. Kung ganyan ba naman ng ganyan edi hindi na tayo aabot pa sa ganito" sabi nito na kumalma na.

"Sana naman ho sa susunod Aling Ising wag na po sanang aabot pa sa ganito basta po kapag sinabi kong magbabayad kami maniwala po kayo at kumalma kasi po ginagawan ko naman po iyon ng paraan" sabi ko ng mahinahon at maluha-luha na dahil napakamiserable ng buhay namin.

Natameme naman ang matanda sa sinabi ko. "Sige basta sa susunod aagahan mo na kasing magbayad at wag ng magpapaabot pa ng dalawang buwan bago ka magbayad! Panira kayo ng negosyo!" ayan na naman sya nagmasungit na naman.

"Sige na aalis na ako. Kung ganyan ba naman ng ganyan eh edi walang gulo! Ayoko na ulit itong maulit ah! Hmp!" mataray na sabi ni Aling Ising.

"Inay ayos lang ho ba kayo?" tanong ko sa kanya.

"Inggrata ka!" isang malakas at nakakabinging sampal ang natanggap ko. "Kung sanang nagbayad ka agad ng renta hindi na sana kami pinalayas nung Ising na yan! Tyaka bakit ngayon ka lang ha?" mataray na sita sa akin ni Inay.

"Eh nay, inumaga na po kasi akong nakauwi sa bago kong raket para po may pambayad tayo sa renta kaya lang po di na po pala ako umabot agad" mahinahon kong sabi habang nakahawak sa pisnge kong nasaktan.

"At talagang nagdadahilan ka pa ah? Hindi kana nahiya sa kahihiyan na dinanas namin ng kapatid mo!" sigaw nito sakin at tumalikod na.

Oo may kapatid ako si Patrizia, half sister ko sya sa dating kinakasama ni Inay na si Tiyo Ramon na ngayon ay patay na dahil sa sakit sa baga dahil sa bisyo nitong pag-inom at paninigarilyo.

"Anong tinitingin-tingin nyo dyan! Mga chismosang ito! Magsibalik nga kayo sa mga gawain nyo! Mga inggratang 'to!" baling ni Inay sa mga kapit-bahay namin.

Ako naman naiwan dito sa labas na umiiyak. "Nay, kailan mo ba ko matututuhang mahalin? Ginagawa ko naman po ang lahat para sa inyo." naiusal ko nalang sa sarili ko habang hilam ang mga mata sa luha at napaupo na lang sa tapat ng pintuan namin habang nakalugmok.
--

"Ate, may kailangan nga pala akong bayaran sa school. Pengeng pera" sabi sakin ng kapatid ko sa inang si Patrizia. Kinakausap lang naman nya ako kapag kinakailangan nya ng pera. Ako kasi ang nagpapaaral sa kanya dahil may sakit na si Inay kaya di na makapagtrabaho sa pabrikang dati na nyang pinagtatrabahuhan at patay na din ang Tatay Ramon nya.

"Ah ngayon mo na ba kailangan? Pasensya kana bunso wala pa akong pera sa ngayon e. Hindi pa ko nakakabale sa boss kong intsik" sabi ko naman.

"Nako ang dami mo pang sinasabi dyan, magsabi ka nalang kung ayaw mong magbigay" pairap at mataray nitong sabi sa akin. Sabay talikod at alis ng nagdadabog.

--

"Uy bes! Tulaley kana naman dyan" kalabit sakin ni Jorcey.

"Ah wala bes may iniisip lang ako" sabi ko naman sa kanya at may tipid na ngiti.

"Nakooo kilala kita bruha ka alam kong prinoproblema mo na naman yung pamilya mo." pairap nitong sabi sakin habang nakahalukipkip.
"Kung ako kasi sayo bes tutal di ka naman tinatratong kapamilya nila umalis kana lang kasi sa inyo. May pakinabang ka lang naman sa kanila kapag may datung kana e pero kapag wala nakoo parang hangin ka nalang na di nakikita at dinadaan-daanan." pairap nitong sabi.

"Nako bes nagpapasalamat ako sa pag-aalala mo. Pero alam mo naman na ako lang ang inaasahan nila. Tyaka may sakit na si Inay kawawa naman ang kapatid ko kapag nawala na sya. Tyaka mahal ko sila dahil sila nalang ang pamilya ko." sabi ko nalang kay Jorcey ng mahinahon, alam ko naman kasing matabil talaga ang dila ni Jorcey at walang preno kung magsalita at isa yun sa mga bagay na gusto ko sa kaibigan ko dahil nagpapakatotoo sya sakin. At nagpapasalamat ako sa kanya kasi sya ang lagi kong kakampi at karamay kapag may mga problema ako.

"Ha'ay nako bes ayoko lang naman kasi na inaapi at kinakayan-kayanan ka nalang lagi nila lalo na yang impaktita mong kapatid walang utang na loob" nakaismid na reklamo ni Jorcey.

"Ha'ay nako bes salamat talaga at lagi kang nandyan at salamat din sa pag-aalala mo pero alam mo namang tutulungan ko sila hangga't sa makakaya ko" pagkumbinsi ko kay Jorcey.

"Nakooo bes sige ikaw na talaga ang martyr dinaig mo pa ang GomBurZa kaloka" sabi nito ng nakairap. "Pero sige bes hahayaan kita kasi 'yan yung gusto mo, pero kapag di mo na kinaya tandaan mo nandito lang ako lagi para sayo ah?" malumanay na sabi sa akin ni Jorcey.

"Salamat bes" sabi ko sa kanya sabay yakap.

--

"Bro, I think you should forget the past. I know it's hard for you but please give it a try. You're not getting any younger. I think it's time for you to have a child man, sayang din ang mga negosyo mo kailangan mo talaga ng tagapagmana" paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang sinabi sakin ng kaibigan kong si Joaquin Arevalo, bata palang kami magkaibigan na kami kaya alam nya ang tungkol sa nakaraan ko. Kung bakit ayokong magkaroon ng "asawa". Pero napapaisip ako sa sinabi nya, kung tutuusin may point naman sya. Tyaka sa pagtanda ko wala akong makakasama dahil malayo sakin ang kuya at papa ko. Pero hindi ko naman prinoproblema ang bagay na iyon---sa ngayon. Siguro kailangan ko pang mag-isip-isip dahil hindi naman ako sigurado sa mangyayari. Maybe kung anak lang okay pa, pero yung mag-asawa siguro hindi na. Iiwan ka naman din ng mga babaeng 'yan kapag nakuha na ang gusto nila. Tyaka ang mga nag-aasawa lang ay yung mga taong takot mag-isa.

-Gilsyyy

HAPPY READING GUYS!

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SUPPORT MY STORY OWMB 😁😘

Obsessed With My Babymaker (Broken Men Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon