C
hapter 5
NAGISING AKO dahil sa sakit ng katawan at gutom. Bumangon ako at naghilamos na para bumaba. Nagtungo ako sa kusina pero wala namang lutong pagkain. Ang nandoon lang ay ang nakatakip na kanin at ulam na alam ko namang kay Patrizia na nakalaan. Wala din naman kaming stocks na de lata para lutuin sana kaya nagpunta nalang ako sa may tindahan na malapit sa amin para bumili ng makakain.
"Oh umalis na muna kayo dyan panira lang kayo sa pag-uusap namin, ayan na si ganda." rinig kong sabi ni Raldy sa mga pedicab drivers na nagmemeryenda sa harap ng tindahan nya. Napakamot lang naman ng ulo ang mga ito sabay alis ng nangingiti at tinutukso si Raldy. Siguro naghihintay pa ng sakay yung mga yun.
"Hi, Miss beautiful" bati nito sakin.
"Raldy, pabili nga ako kahit tinapay lang tyaka 3 in 1 na kape" sabi ko sa tindero na suki ko na.
"Ano pa miss beautiful?" sabi nito ng nakangiti. Ganyan talaga si Raldy palangiti at mabait pa.
"Wala na. Eto oh." sabi ko nalang sabay bigay sa bayad kong 20 pesos.
"Ahm Miss beautiful, pedicab ka ba?" tanong sakin ni Raldy.
"Ahm bakit naman?" tanong kong nagtataka.
"Kasi PEDICABang maging akin?" nakangiting hirit ni Raldy.
"Nakoo Raldy tigilan mo ko sa mga hirit mo na yan haha. Ang corny mo haha." sabi ko naman sa kanya ng natatawa. Sanay na ko minsan sa kapilyuhan niya dahil minsan nagkakabiruan din kami. At hindi ko maitatangging may pagtingin sakin si Raldy kaya minsan naiilang ako pero dahil nga nakakabiruan ko naman sya pinagsasawalang bahala ko nalang.
Pabalik na ako sa bahay at nanghihinayang ako kahit papano sa kinse pesos na naibayad ko sa tindahan. Napanguso nalang akong napatingin sa limang piso na hawak ko ngayon. Ipambibili ko pa sana ng gamot ito dahil masama talaga ang pakiramdam ko pero nagtitipid kasi ako eh pero kailangan ko namang kumain kahit papaano at uminom ng gamot kasi nagtatrabaho ako. Mamaya pa naman ang pasok ko, siguro matutulog nalang ulit ako pagkatapos kumain dahil masama talaga yung pakiramdam ko.
--
Nagising ako ng mabigat ang pakiramdam. Tinanghali na pala ako ng bangon.
"Prizila, ano ka ba namang bata ka! Wala ka bang balak pumasok sa trabaho ngayon ha?" sigaw na bulyaw sakin ni Inay.
"Ah 'Nay papasok naman ho ako tinanghali lang ho ako ng bangon kasi ang sama lang ho ng pakiramdam ko" matamlay kong sabi kay Inay.
"Nakoo ang sabihin mo tinatamad ka lang! Oh cha sige gumayak kana bilisan mo. Sayang ang sweswelduhin mo kung di ka pa papasok!" mataray na sabi sakin ni Inay. "Kailangan pa naman ng pambayad sa eskwelahan ng kapatid mo." sinasabi ko na nga ba si Patrizia na naman ang iniisip at inaalala ni Inay.
Napayuko nalang ako para hindi pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Si--sige ho Inay gagayak na ho ako." sabi ko nalang at pinilit nang makatayo kahit na sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko. Ako kaya Inay kailan mo iisipin? At kailan mo kaya ako matututuhang mahalin?
--
Pauwi na ko sa bahay at bagong sweldo lang ako ngayon nabayaran ko na din si Jorcey.
"Nay mano po." magalang na bati ko kay Inay. "Eto nga po pala yung panggastos natin sa bahay." sabay abot ko sa kanya sa natirang sweldo ko.
"Eh bakit ang konti lang nito?" mataray na tanong ni Inay.
"Eh kasi po Nay binayaran ko po si Jorcey nung nagkaroon po ako ng hiram sa kanya." sabi ko naman.
Bago pa makasagot si Inay dumating na si Patrizia. "Hey mother nandito na ko!" masiglang bati nito kay Inay.
"Oh nandito na pala ang anak kong mahal." masayang salubong naman ni Inay sa kapatid ko na parang wala ako sa tabi nila. "Kumain kana ba? Halika na ipaghahain na kita" masayang tanong ni Inay kay Patrizia. Ako ba Inay naisip mo bang itanong sa akin kung kumain na ko? Malungkot na nasabi ko nalang sa isip ko. Hindi ko man gustong magselos pero nasasaktan na kasi ako.
--
"Patrizia" tawag ko sa kanya.
"Bakit?" nakairap naman na lumingon sya sakin.
Sinampal ko sya pagkatapos ay sinabunutan.
"Nanggigigil na talaga ako sayong bata ka, nagtitimpi lang ako pero nasagad mo na ang pasensya ko!"
Taho! Taho! Tahoooooo! Bili na kayo dyan Taho! Taho! Tahoooooo!
Ilang malalakas na sigaw ng magtataho ang gumising sakin sa natutulog kong diwa. Nakooo ano ba naman 'tong naiisip ko jusme sabay takip ko ng palad sa mukha ko. Sabay pasok naman ni Patrizia sa bahay.
"Patrizia!" tawag ko sa kanya.
"Bakit?" nakairap na lumingon naman sya sakin.
Parang deja vú.
"Patrizia, eto na nga pala yung pambayad mo sa school." sabi ko.
"Yay! Thanks Ate!" masiglang sabi nito. Napangiti naman ako Una dahil nag'thank you sya, Pangalawa dahil masigla sya at nakangiti sakin at Pangatlo tinawag nya kong Ate. Ganyan naman kasi sya lagi kapag nanghihingi dun lang ako tinatawag ng Ate at kinakausap.
"Tyaka nga pala Ate pahingi na din ako ng pambayad at panggastos sa project." sabi nya ng nakasahod ang kamay at nakangiti.
"Ah eh magkano ba ang kailangan mo?" kinakabahang sabi ko.
"Ahm.. Isang libo sana." sabi nya.
Tiningnan ko muna ang wallet ko kinakabahan kasi ako na baka wala akong maibigay sa kanya at baka walang matira sakin para sa isang linggo kong budget sa pagpasok sa trabaho.
Parang ang laki naman ata ng isang libo para sa project?
"Nako bunso pwede bang 500 nalang muna? Wala na kasi akong budget e. Yaan mo babawi nalang ako sa susunod ha?" malumanay na sabi ko nalang sabay abot sa 500 na ibibigay ko.
"Sige pwede na 'to" sabay talikod nya sakin. Napabuntong-hininga nalang ako. Sana lagi syang ganun sakin kahit wala akong naibibigay.
-Gilsyyy
HAPPY READING GUYS!
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SUPPORT MY STORY OWMB
BINABASA MO ANG
Obsessed With My Babymaker (Broken Men Series #01)
General FictionSi Grae Marttius Stavros ang tipo ng lalaki na hindi naniniwala sa kasal dahil sa nangyari sa kanyang ama at kapatid. But he do girlfriends for past time, not for serious relations. Until Prizila Johanna Gracia, a woman who captivated his cold hear...
