OWMB 6

1.8K 42 3
                                    

Sorry for the very long update medyo naging busy din kasi hehe.  I hope you understand and like my story eto lang kineri ko jusme and thank you sa walang sawang pagsubaybay sa aking story.  I hope you like it! 

Chapter 6

"Nako po late na 'ko!" sabi ko sabay balikwas sa kama ko. Agad-agad akong gumayak. Pagkaraan ng ilang minuto nakagayak na ako at mag-aabang na sa labasan ng pampasaherong jeep.

Pitpit! Pitpit! Busina ng jeep nakita ko naman na hindi naman masyadong siksikan kaya sumakay na ako at isa pa late na rin ako.

Pagkaraan ng ilang minuto nasa harap na ako ng pinapasukan kong cafè.

"Oh bes bakit ngayon ka lang?" bati sakin ni Jorcey habang nagmamadali na akong pumasok para gumayak.

"Eh tinanghali kasi ako ng bangon e" sabay kamot ko nalang sa batok ko at tulis ng nguso. Ewan ko mannerism ko na ata yun.

"Oh sya sige buti nalang wala pa si insik panget sa office nya" sabi sakin ni Jorcey na tumirik pa ang mata na parang diring-diri.

"Haha baliw ka talaga baka marinig ka!" saway ko namang natatawa sa kanya.

"Hmm mano ba!" sabi pa din nyang nakaismid.

"Edi kapag narinig nya mawawalan ka ng trabaho aber?" sabi ko naman.

"Sabagay hehe" sabi nalang nyang naka'peace sign. Napailing nalang ako. Itong babaeng 'to talaga napakapilya nasabi ko nalang sa isip ko.

---

Hindi ako pwedeng magkamali sya nga ito. Naisatinig ko nalang sa isip ko habang titig na titig ako sa mukha ng babaeng ito. Pababa sya ngayon sa isang pampasaherong jeep.

"Hindi ako pwedeng magkamali ikaw nga ang babaeng ilang araw ng gumugulo sa sistema ko. Magbabayad ka because you're driving me nuts d*mn hinding-hindi na kita papakawalan." sabi ko sabay alala sa pagkakakita ko sa kanya.

Flashback

Nandito ako ngayon sa loob ng kotse ko sa may parking ng club ko, ang club G-Dragon. Habang ini'start ko ang sasakyan ko may nakita akong dalawang babae na tahimik na naglalakad papunta sa gawi ko.

"Ahm bes" basag ng isang babae sa katahimikan. Napahinto tuloy sila sa tapat malapit sa sasakyan ko kaya nakikita at naririnig ko sila.

"Hmm?" sabi naman ng isa sabay lingon sa kanya. Hmm she's pretty, very pretty. Maganda din naman yung kasama nya pero yung kasing sa kanyang ganda eh yung gandang hindi pangkaraniwan para syang dyosa. Mas maganda pala sya sa malapitan.

Sus! Iiwan ka lang din naman ng mga babaeng 'yan, lalo na yan maganda pa. Kontra naman ng isang bahagi ng isip ko. Napapikit nalang tuloy ako.

"Gusto mo hatian nalang kita sa sweldo ko? sabi ng isa.

"Ay nako bes wag na ano ka ba haha" sabi naman nung mas maganda. She looks like foreigner .

"Sige na bes pambayad man lang ng renta nyo." pagpipilit nung isa.

Nag-isip muna yung mukhang foreigner bago sumagot. "Si-sige. Pero babayaran ko sayo 'to ah?" sabi nya na parang nahihiya pa sa kaibigan nya. Hmm impressive. Natutuwa naman ako kasi kahit kaibigan nya yun hindi sya abusado.

Pero ang pinagtataka ko kung bakit pinapahiram sya ng pera nung isang babae eh mukha naman syang mayaman? Well, baka naglayas sa kanila? Pero kung ano man yon di ko na dapat pang usisain dahil it's none of my business.

Tumango nalang yung isa sabay yakap sa kanya. Nangiti nalang ako dahil ang ganda ng samahan nila. Then I start the engine and maneuvered my car.

Pag-uwi ko sa unit ko naligo na 'ko at nagbihis, pagkatapos humiga na ko para makapagpahinga. It was a tiring day. Sabay pikit ko. Pero sa pagpikit ko nakita ko ang mukha ng babaeng 'yun, ang maganda at sexy nyang katawan, ang makinis at malaporselana nyang balat, ang kulay brown na mahaba at alon-alon nyang buhok at ang mga mata nyang kulay brown na may kahalong parang kulay gray na nakapagpatigil saglit ng pagpintig ng puso ko at ang dahilan kung bakit kailangan ko ngayon ng cold shower f*ck.

"Stop it Grae, just stop thinking of her" sabi ng kabilang panig ng isip ko. 

"Malay mo kapag natikman mo na sya mawala na ang pagnanasa mo sa kanya?" sabi naman ng isang bahagi ng isip ko.

Oh F*ck, f*ck, f*ck



-Gilsyyy


HAPPY READING GUYS!

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SUPPORT MY STORY OWMB

Obsessed With My Babymaker (Broken Men Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon