OWMB 4

2.2K 49 4
                                    

Salamat po sa mga sumusuporta at sa mga nagbabasa ng OWMB. Sana magustuhan nyo po at wag sana kayong magsasawang tutukan at suportahan ang istoryang ito. 😊🙏


Chapter 4

NAGISING AKO dahil sa mga sigaw at katok na naririnig ko sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Prizila, buksan mo ang pinto!" sigaw ni Inay sa labas.

Agad naman akong tumalima at binuksan ang pinto.

"Oh Inay bakit po--" di ko pa naman natatapos ang pagsasalita ko hinila na ako ni Inay papasok sa kwarto.

"Halika mag-ayos kana ng sarili mo at nandyan si Andrew sa may sala. Ang bango ng pabangong pasalubong mukhang talagang mamahalin." magiliw at excited na wika ni Inay. Kaya naman pala ang bait nya sakin dahil nandyan si Andrew at may pasalubong pa. Si Andrew ang anak ng Mayor dito sa Bayan namin sa San Isidro at masugid na manliligaw ko, wala naman akong maipipintas sa panlabas na anyo nya pero ayoko naman sa ugali nya dahil basagulero at may pagkamayabang si Andrew.

"Si--sige ho 'nay" sagot ko nalang.

"Sige at pag-igihan mo ang pakikipag-usap sa kanya! Siya nalang ang pag-asa natin para makaahon tayo sa hirap. " mahigpit na bilin ni Inay habang inaamoy-amoy ang pabangong dala.

Pagkaraan ng ilang minutong pag-aayos ng sarili ko bumaba na ako at hinarap si Andrew.

"Hi Prizila" salubong na bati sakin nito. "Para nga pala sayo. Mamahalin yan, baka kahit nga ilang sweldo mo di mo makayang bilhin yan e." sabi pa nito. Antipatikong mayabang talaga eh nakooo!

"He--hello" may pilit na ngiti na sabi ko nalang. "Napadalaw ka?"

"Ah wala naman kauuwi ko lang kasi galing sa Amerika alam mo naman lot of businesses.." mahanging sabi ni Andrew.

"Ah si--sige" alangan ko nalang na sagot.

"Ahm Prizila alam mo matagal na kong naghihintay sayo pero bakit di mo naman ako pansinin man lang?" nagrereklamong sabi ni Andrew.

"Ahm Andrew alam mo na naman ang sagot ko dyan diba? Ako nalang ang inaasahan ng pamilya ko kaya ayoko pang makipagrelasyon." mahinahong sabi ko sa kanya.

"Kaya nga kapag naging tayo na ako na ang bahala sa inyo ng pamilya mo." mayabang na sabi nya. Nako pano ko kaya sasabihin sa kanya na ayoko sa ugali nya?

"Pa'pasensya kana talaga." nasabi ko nalang.

"Bakit may nagugustuhan kana bang iba ha?" padabog at galit na sabi ni Andrew. "Pasalamat ka nga kahit na mahirap ka eh ikaw pa yung nagustuhan ko dyan e." Pagalit at mapangmata na wika ni Andrew.

Hindi na ko nakapagtimpi. "Yan, yan ang dahilan kung bakit ayoko sayo kasi mapangmata at mayabang ka!" galit na sabi ko sabay tayò. "Ngayon makakaalis kana at wag ka nang babalik pa. Sayo na din yang pasalubong mong mamahalin."sarkastiko kong sagot sabay bato ko sa kanya ng pasalubong nya.

Padabog namang umalis si Andrew. Napakayabang talaga nakoo! Hmp! Kakagigil.

Nang nasa may pinto na si Andrew palabas nakasalubong nya si Inay na dala-dala ang pasalubong na bigay nya. Siguro pinagyabang na naman ni Inay sa mga kapitbahay yung bigay sa kanya ni Andrew.

"Oh Andrew anak aalis kana agad?" magiliw pero nagtatakang wika ni Inay. Wow at talagang anak na ang tawag ni Inay sa ipaktitong mayabang na Andrew na yan, samantalang ako ni minsan hindi nya ko tinawag na "anak".

Hindi na kumibo si Andrew at padabog nalang nyang tinabig si Inay para makalabas na sabay hablot sa pasalubong na bigay nya kay Inay.

"Andrew! Binigay mo na sakin yan. Aba't--" sigaw ni Inay sa papalayong si Andrew.

Padabog na pumasok si Inay at hinarap ako.

"Ano na naman ba ang ginawa mo at bakit umalis si Andrew? Binawi pa tuloy yung pasalubong nya! Nakooo napaka'istupida mo talaga!" galit na sinampal at kinutusan ako ni Inay.

Humihikbi naman akong humarap sa kanya hawak ang mga nasaktan sa akin.

"Nay, gano ho ba kahirap na mahalin ako? Kahit ngayon lang naman ho Inay intindihin nyo naman ako. Hindi ko po kasi talaga kayang makisama kay Andrew kasi hindi ko talaga sya gusto. Kahit anong pilit ko ho sa sarili kong magustuhan sya hindi ko ho talaga kaya 'Nay. Sana naman ho Inay intindihin nyo naman ako. Kahit ngayon lang naman ho. Ang kailangan ko ho kasi ngayon ay isang ina 'Nay." humihikbi kong wika dahil ang sakit-sakit na kasi. Nakatingin lang naman sakin si Inay kaya umalis na muna ako at umakyat papunta sa kwarto. Kailangan ko ng gumayak para pumasok sa trabaho.
--

"Uy Priz, mag-o.t ka ba ngayon?" sabi sakin ng katrabaho kong si Kim sa mini cafè na pinagtatrabahuhan ko bilang waitress. Gwapo si Kim at mabait pa.

"Oo para malaki-laki naman yung kitain ko pandagdag" sabi ko nalang. Ok lang naman na mag-o.t ako tutal absent naman yung naka'duty ngayong gabi kaya ako nalang muna yung papalit at isa pa hanggang 24 hours bukas ang mini cafè na pinagtatrabahuhan ko. Alam nyo namang intsik ang amo ko kaya dapat daw walang palalampasin na oras sa negosyo.

"Ayos! Ikaw ang makakasama ko ngayon haha" masayang wika ni Kim.

Naiiling nalang ako.

--

ALAS SAIS NA ng umaga ng makauwi ako galing trabaho mamayang tanghali pa naman ulit ang balik ko. Grabe gutom na ako sana naman may tirang pagkain pa sa bahay. Sayang naman kasi yung pera ko kung bibili pa ako ng makakain. Sa halip na gumastos itatabi ko nalang.

Naabutan ko si Inay na namamalantsa. Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Inay, ako na ho dyan." sabi ko na ang tinutukoy ay ang pamamalantsa nya.

"Hindi na ako na" sagot naman ni Inay ng hindi tumitingin sa akin.

"Inay kumain na ho ba kayo?" tanong ko gutom na din kasi ako eh.

"Oo nauna na 'ko" matabang na sabi ni Inay.

"May natira pa ho ba kahit konti?" di ko na kasi talaga kaya gutom na talaga ako.

"Oo meron" nabuhayan naman ako sa sinabi ni Inay. "Pero kay Patrizia nalang 'yon paggising nya" agad nawala ang gutom ko dahil sa sinabi ni Inay siguro matutulog nalang ako para hindi ko na maramdaman ang gutom.

"Ah si--sige ho Inay akyat na ho ako sa taas. Magpapahinga na ho ako ah antok na ho ako eh haha" sinubukan kong pasiglahin yung boses ko at kunyaring inaantok at nag-inat pa. "Magpahinga na din po muna kayo pagkatapos nyong mamalantsa." sabi ko at umakyat na nga.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto doon ko na inilabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo. Bakit ang sakit pa din? Ang sakit pa din nang balewalain ka ng mga taong mahal mo. Ginawa ko na naman ang lahat. Kulang pa ba? Kulang pa ba ang mga 'yon para matanggap nila ako? Agad akong dumapa sa may kama at doon ako umiyak ng umiyak hanggang sa makatulugan ko nalang... makatulugan ang pag-iyak, ang sakit, ang pagod at ang gutom.

-Gilsyyy

HAPPY READING GUYS!

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SUPPORT MY STORY OWMB

Obsessed With My Babymaker (Broken Men Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon