OWMB 7

888 23 1
                                    

Prizila Johanna

Kakauwi ko lang ng bahay galing trabaho inumaga na naman ako kasi nag-overtime ako sa coffee shop para dagdag kita hehe alam nyo naman G na G ang lola nyo. Gustuhin ko man kasing makapaghanap ng ibang trabaho eh hindi naman pwede dahil hindi naman ako nakapagtapos sa kolehiyo dahil na din sa kahirapan namin sa buhay.

"Ha'ay kapagoooodddddd!" nangawit kasi ang buong katawan ko sa kaka'serve ng mga customers kanina madami kasi ang mga bumili. At isa pa puyat ako. Papunta ako sa kusina para sana tumingin kung may pagkain ba dahil nagugutom ako nang marinig kong nag-uusap si Inay at ang kapatid kong si Patrizia.

Napatigil ako sa pagpasok sa kusina at nakinig sa kung ano man ang pag-uusapan nila. Ewan ko ba bakit ganito ang pakiramdam ko na parang kailangan kong marinig kung ano man ang pag-uusapan nila.

"Anak naman! Ginagabi ka lagi sa pag-uwi mo! Sabi mo may mga projects ka sa school at yun ang ginagawa mo nanghihingi ka pa nga lagi ng pambayad sa ate mo eh pero bakit tumawag sakin kanina ang teacher mo at sinabing matagal ka na daw hindi pumapasok? Ano ba naman yang ginagawa mo sa buhay mo? At isa pa kanina nung nagsusugal ako akala mo ba di ko mababalitaan sa mga kasugal ko na palagi ka daw pumupunta sa bar bar na yan! Jusko naman anak kapag nalaman ng ate mo ito baka hindi kana pag-aralin!"  

Nagpantig ang tenga ko at nagdilim ang paningin ko sa narinig kong pag-uusap nila inay. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla akong pumasok sa kusina gulat si inay at si Patrizia.

"Ka-kanina ka pa ba dyan?" kandautal na tanong sakin ni Inay.

"Hindi naman po gano, pero sapat na pong narinig ko na hindi naman pala pumapasok ang babaeng ito!" sabay tingin ko ng nanggigigil kay Patrizia. Gulantang sila ni Inay.

"Walanghiya ka! Hindi mo na pinahalagahan ang mga paghihirap ko para sayo mapag-aral ka lang at maibigay ko sayo ang mga pangangailangan mo! Yung hindi mo pagrespeto sakin bilang ate mo kaya ko pang tanggapin pero yung pagsasayang mo sa mga pinaghirapan ko para lang maitaguyod ka hindi mo na pinahalagahan! Wala kang utang na loob!" sa sabrang inis ko hindi ko na napigilang pagsasampakin, sabunutan at hampasin si Patrizia. Wala na akong pake kahit na umaawat pa si Inay basta masamang masama ang loob ko! Nag-iiiyak na umiilag naman si Patrizia.

"Hindi mo alam kung gano ako nagpakahirap sa kakatrabaho at kaka'overtime para kang may maibigay sayo! Hindi mo alam kung gano ako nagtipid para lang maidaos ka! Hindi mo alam kung ilang beses walang laman ang sikmura ko may maibigay lang ako para sa mga kapritso, luho at mga projects mo kuno na ipinangba'bar mo lang pala!" hilam na ako ng mga luha ko sa sobrang iyak ko dahil sa galit ko sa kapatid ko.

"Alam mo na ngang wala tayong pera pero nagwawaldas ka pa para sa letcheng bar bar na yan! Hindi mo na pinahalagahan ang mga paghihirap at sakripisyo ko para sayo, para senyo! Palibhasa hindi ikaw ang nagtatrabaho at nagpapakahirap kaya wala lang sayong halaga yung mga ginagawa ko!" Hindi ako nagpapigil kay inay sa kakasampal at sabunot kay Patrizia.

"Ano ba Prizila tama na sabi e!" sabay tulak sakin ni Inay palayo kay Patrizia.  "Wala kang karapatang saktan ang anak ko!" sabay sampal sa akin ni Inay.

Hindi na ako nagulat na pinagbuhatan ako ng kamay ni Inay ang mas ikinagulat ko ay yung kinampihan pa nya si Patrizia sa pagkakataong ito.

"Talaga Inay? Sya pa talaga ang kakampihan mo sa pagkakataong ito? Alam mo naman Inay na hindi ako manunumbat kung wala ako sa katwiran."

"Tama na! Tumigil kana!" sigaw ni Inay.

"Hindi ko naman sinusumbat sa kanya na pinag-aaral ko sya dahil yun naman talaga ang obligasyon ko bilang ate nya. Ang isinusumbat ko lang e yung hindi naman pala sa pag-aaral nya ginagastos yung mga perang pinaghihirapan ko para sa kanya!" hagulgol na ako.

Obsessed With My Babymaker (Broken Men Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon