Rock's POV
"Rock!pansinin mo naman ako",sigaw ni kupal sa likod ko
King inang yan!araw araw na lang ba ganto?ilang ulit ko pa bang sasabihin sa mga mokong na yan na wala akong pakealam at hindi ako interesado sakanilang mga bwisit sila
"Rock!"tawag nya uli
Binilisan ko pa ang paglakad at maya maya...
"Roooocckkkkk!",malakas na sigaw nya na umalingaw-ngaw sa buong hall.
Huminto ako at lumingon.
"Ano ba?!"sigaw ko
Pawis na pawis sya at gulo gulo na din ang buhok,maski ang malinis na polo habang pawis pawisan...ang lakas talaga ng dating ng kupal na to.tsk
"gusto lang sana kitang makausap",sabi nya
"nag uusap na tayo,ano pa bang gusto mong usap?sa telepono?"sarkastikong tanong ko
"h-hindi,gusto ko sanang s-sabay tayo bukas kumain sa canteen pag ka b-break time,pwede ba?",maamong tanong nya
Tsk,nag pacute pa si kupal
"okay",sagot ko sabay talikod sakanya
"huh?ano nga? Okay lang ba?"taniong nya
"tss..okay nga diba?may okay bang hindi okay?"sabat ko
Bago pa man sya makasagot ay tinalikuran ko na sya.
"YEEESSSSS!masosolo ko bukas ang little monster ko!",malakas at masayang sigaw nya
Natigilan ako dahil sa di malaman na dahilan,may kakaiba akong kaba na naramdaman.
Lumabas na ako sa building at dere-deretsong pumunta sa parking lot para kunin ang motor ko,habang naglalakad papunta sa motor ko ay napahinto ako dahil naramdaman kong may nakatingin sakin,tiningnan ko sa peripheral vision ko kung sino at nasaan,pero wala akong nakita kaya binalewala ko at agad na sumampa sa motor at harurot na umalisPagdating ko sa apartment ay nadatnan kong nakahiga at nagbabasa ng libro si Shaun habang nanunuod ng TV.
Tsk.sa sobrang talino nabaliw na talaga to
Dahan-dahan kong isinara ang pinto para di sya maabala
Dumaan ako sa harap nya at nasagi ko ang upuan pero hindi man lang sya lumingon,baliw na nga
"walis,may pagkain na ba?",tanong ko
Di sya umimik at tutok na tutok sa libro"Shauunn",medyo nilaksan ko boses ko
Nakita ko yung bola ng volleyball at...
*pok!*
Ibinato ko sakanya.
"aray!",sigaw nya at tumayo
"kanina pa ako nandito sa harap mo!",sabi ko
"anong problema mo?eh bat di ka magsalita?nambabato ka kaagad eh!",maarteng sagot nya
"kanina pa ako nagtatanong",sagot ko
"weh?sorry,ang lakas ng music sa earphones ko eh,hehehe",ngiting ngiti nyang sagot
King ina!baliw na ata yan?nagbabasa habang nanunuod at naka earphones pa.
"mas malakas parin ang amats mo kesa sa pinapakinggan mo aning!",matigas na saad ko sabay akyat ng hagdan
"kumain kana,nagluto na ko,ikaw nalang hinihintay sa kusina",sabi nya pero di ako lumingon
Pagkapasok ko ng kwarto ay agad akong sumalampak sa kama at agad ding nakatulog ng mahimbing..
~~~~~~~
Kringg!…kringg!…kri-
Hinampas ko ang alarm clock sa gilid ng kama ko,ang aga aga naman!tsk.naalala ko na sinet ko pala.ang alarm ng 6 am dahil magrereview ako para sa quiz namin sa Science kaya't bumangon na ako para magising gising na din ang diwa ko
Lumabas na ako ng kwarto para tingnan kung gising na din ba si Shaun,pagdaan ko sa hallway ay nakita kong sarado pa ang kwarto nya
Baka humihilik pa ang pwet nito,baka mabaliw nanaman pag ginising ko ng maaga
Bumaba na ako ng hagdan ng biglang bumukas ang pinto at tumambad sakin ang pawis na pawis na katawan ni Shaun habang hinihingal pa.
San naman kaya galing to?naunahan pa ako ng baliw na to ah?
"oy bato?!gising kana agad?aga mo ah?",sabi nya na halatang nagulat pa dahil sa paggising ko ng maaga
"magrereview ako,nagreview kana ba?may quiz mamaya",malamig na sabi ko
"oh?talaga?!kala ko wala kaya nagjogging na muna ako",nakasimangot na sabi nya
"pano mo malalaman eh di ka naman pumasok kahapon?saka isa pa,para ka na ngang walis sa sobrang kapayatan mo tas nakakaisip ka pang magjogging?lakas ng tama mo",sabi ko ng deretsong nakatingin sakanya
Pumunta syang kusina at naghiwa ng sibuyas
"lakas mo naman makalait porke may nagkakagusto sayo sa U(university) ha?!maganda kaba ha?sa pagkakaalam ko mas maganda ang isang Shaunaiah Eu kesa sa babaeng mas malamig pa sa madaling araw!?",sigaw nya
"tsk.",singhal ko
Yan ang hirap kay shaun eh,masyadong OA ang king ina
"kumain ka na?",nakangiting tanong nya
Bipolar pa.tss
"oo kumain na nga ako,marunong kasi ako magluto eh",galit na sagot ko
Sandaling katahimikan……
Okay?
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA",tawa nya ng malakas habang nakahawak pa aa tiyan nya
"nakalimutan ko na di ka nga pala marunong magluto!HAHAHAHAHAHA!Sorry ha naalog ata brain cells ko pag jogging!",paliwanag nya habang tumatawa
Kung marunong lang sana akong magluto edi sana ako lagi nagluluto.tsk,bwisit na walis to
YOU ARE READING
Frozen Note
General Fiction" 'First love never dies' nga ba talaga?Sana Oo...but once you enter a relationship ay maaaring mabago lahat ng paniniwala mo...paniniwala sa friendship,sa sarili at paniniwala sa love...lahat pwedeng magbago... Minsan na akong naniwala diyan at min...