Shaun's POV
"Bato,mauna ka na,may aasikasuhin pa ako eh,maaga pa naman",sabi ko kay Rock habang hinahanap ang kapiraso ng papel sa bag ko
"Asan ba kasi yun?ang alam ko nilagay ko yun dito eh!",pagtanong ko sa sarili ng marinig ko na ang pagsara ng pinto,senyales na nakalabas na ang kumag
Kahit kelan talaga yung taong yun!psh.kala mo may kapansanan sa sobrang tahimik!
Nagpatuloy ako sa pagkalkal sa bag ko ng mapatingin ako sa bintana at nakita ko si Rock na nakatayo sa harap.ng motor at hinihimas himas ang head ng motor nito,baliw din! binuksan na nya ang makina at nagbusina ng dalwang beses bago umalis saka paharurot na nilisan ang parking space namin.
Psh!kala naman nya sakanya yung kalsada!
Tatalikod na sana ako ng mapansin kong may naka park na itim na motor sa gilid ng bahay kaya naman nagtaka ako at dali daling bumaba ngunit bago pa man ako makalabas ay narinig ko na ang mabilis na pagharurot nito palayo at tanging likod lang ng itim na jacket at helmet nya nalang ang nakita ko.
Sino kaya yun?tss.baka stalker nya nanaman?pero ang creepy nun ha.
makaakyat na nga lang at mahanap yung ticket para sa book signing sa linggo,tiyak na inggit na inggit nanaman si Bato nito!HAHAHAHA
Mich's POV
kapapasok ko palang sa canteen ng salubungin na agad ako ng mga lalake na nakatambay sa may counter
"Hi Mich!ang ganda mo talaga!"sabi ni kuyang naka cap na puti
"Mich hatid na kita sa room nyo",sabi naman nung naka coat
Psh.kainit init
"Ahhmmmm..Mich?kelan laro nyo ng Volleyball sa field?",tanong naman nung umiinom ng mineral water
"Sa friday pa",maikling tugon ko sabay talikod
Paakyat na sana ako ng hagdan ng biglang ...
*Blag!*
Napatingin ako sa gawing kanan ng makita ko ang nakatumbang babae kaya agad akong lumapit sakanya at nagulat ako ng makitang si...
"Rock!Rock!okay ka lang?",alalang tanong ko sakanya
Nag.angat sya ng tingin at nanlaki ang mata na kala mo ngayon lang nakakita ng tao
"MICH!?"
nalimutan na ba ako nito?
"Rock!ano?may masakit ba sayo?magsalita ka!bat natutulala ka?tulooooongg!!",pag aalala ko dahil nakatitig nalang sya sakin.
" "ahh...ano...ahmmm..oo.,okay lng ako",sabi nya sakin
"eh bat namumula ka?sigurado ka?",pag aalala ko parin
"okay lng Mich,salamat pala",sabay tayo nya at pinagpagan ang palda
"okay lang yun basta para sa idol ko nung first year na astig!"
Ngumiti lang sya sakin at nagpasalamat uli at saka tumalikod na
Ang astig talaga nun kahit di nagsasalita,naalala ko tuloy kung pano kami nagkakilala
YOU ARE READING
Frozen Note
General Fiction" 'First love never dies' nga ba talaga?Sana Oo...but once you enter a relationship ay maaaring mabago lahat ng paniniwala mo...paniniwala sa friendship,sa sarili at paniniwala sa love...lahat pwedeng magbago... Minsan na akong naniwala diyan at min...