Chapter 9

2 6 0
                                    

Matapos ang eksenang yun ay hindi na ako umimik pa at tuloy tuloy nalang akong lumabas ng Village. Hindi ko maramdaman ang hapdi ng sugat sa kamay kong dumudugo,marahil ay may bubog pang nakatusok dahil sumasakit ang loob ng laman nito.



Hindi ko na din binigyan ng atensyon si Shaun dahil alam kong susunod naman sya hanggang sa makarating na kami sa apartment mga past 9 pm. na.



Dumeretso ako sa sala ng kwarto ko at umupo malapit sa bintana bago kumuha ng sigarilyo sa kahang nasa bulsa ko at sinindihan.



Habang humihithit ay inisip ko ang mga nangyari kanina sa Village. Gusto kong takasan ang responsibilidad ko sa pamilyang yun pero hindi ko sila kayang iwan dahil pamilya ko sila,nandun ang mga kapatid ko at hindi ko sila pwedeng pabayaan,hindi ko maintindihan kung bakit kaylangang hatulan pa ako ng ganoong klaseng responsibilidad,gusto kong mabuhay tulad ng karaniwang tao na haharapin ang problema ng walang kahirap hirap,siguro pinagkaitan ako ng tadhana para mabuhay ng payapa.



*Tok!Tok!Tok!*



"Rock!pwede papasok?" Tanong ni Shaun at halatang kinakabahan sya "Pasok" Sabi ko at pumasok naman agad sya at kumunot ang noo ng makita ako.



"Nababaliw kana ba?Ha!" Sigaw nya sa mismong mukha ko.



"Hindi pa naman siguro."



"Tingnan mo nga yang kamay mo!Masakit yan!" Sigaw nya sakin at halatang irita na sya.


"Tss..Di ko nga nararamdaman eh."



"Punong puno na ng dugo yang T-shirt mo dahil jan sa kamay mong di matigil sa kadudugo tas di mo man lang intindihin?!inuna mo pa yang bisyo mo!Rock naman!papatayin mo ko sa pag aalala!bahala ka jan!" At tinalikuran nya na ako.



"Wag mo na ako intindihin dahil hindi mo talaga ako maiintindihan." Sabi ko sabay hithit ng sigarilyo kong paubos na.



"Che!Shut up!ubusin mo na yang yosi mo at gagamutin ko yang sugat mo kung ayaw mong lutuan kita mamaya ng ginisang bubog!" At padabog nyang sinarahan ang pinto.



'OA talaga nitong babaeng to! Di pa naman ako mamamatay!'



Kumuha uli ako ng yosi sa kaha at sinindihan ito saka nag isip isip muli.



Mga ilang minuto pa at bumalik syang may dalang first aid kit at pagkain,inilapag nya ito sa lamesa at humarap saakin,tinitigan nya ako na animo'y binabasa ang aking naiisip.'masyado na kitang kilala Shaun kaya alam kong magtatanong ka'.tumabi sya sa sofa na hinihigaan ko at nagsimula na syang gamutin ang sugat ng palad ko.



Hindi pa rin sya umiimik kaya't pumikit nalang ako para matulog.



"kumain ka na oh.." Napamulat ako
at inabot nya sakin ang mangkok na may sopas.



"Akala ko ba ginisang bubog?" Tanong ko sakanya at umangat naman ang ulo nya at kita sa mukha nya ang pagkairita kaya natawa ako sa itsura nya.



"kumain ka na lang,ang dami mong sinasabi jan." Walang ganang tugon nya kaya natigilan ako..ngayon lang nagkaganito si Shaun..ano bang nangyari dito?pagod siguro?



"tama na yan..okay na ako makakaalis ka na sa kwarto ko." Anas ko at saka hinablot ang kamay ko sa pagkakahawak nya. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero iniwasan ko ito..inilapag ko na ang mangkok at astang tatayo ng bigla nya akong iharap sakanya at yakapin. Hindi ko alam ang dahilan nya pero nalulungkot ako na nagkakaganito sya, malakas si Shaun pero emotionally weak sya lalo na pagdating sa malalapit na tao sakanya kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganto sya sakin ngayon.



Frozen NoteWhere stories live. Discover now