Chapter 10

3 6 0
                                    



Napag usapan namin kanina ni Harris na before 6 pm ako pupunta ng Silent Trade at nilinaw ko sakanya na pupuntahan ko sya sa may crossing exactly 5:45 pm. at sumang ayon naman sya sakin. 'Maayos naman pala yun kausap eh'



5:15 pm palang kaya't bumaba muna ako at tumungo sa kusina para magkape. Mahilig ako sa kape kaya coffee shop din ang ipinatayo kong bussiness.


Nang makarating ako sa kusina ay nadaanan ko si Shaun sa sala na abalang abala sa pagdrawing kaya napahinto ako at sinilip ang larawan..May dinodrawing syang mukha ng lalaki na naka headphone at mukhang amerikano kaya't nagtanong ako.


"San assignment yan?" Tanong ko at katawa tawang mukha ni Shaun ang kapalit dahil gulat na gulat sya sakin at naitiklop nya agad ang papel na may drawing!HAHAHAHAHA


"Wala ka talagang kwenta noh?pwede ka naman magtanong ng malumanay bakit mo ko ginulat!?gusto mo na ako mamatay?" Ayan na naman si patay patay OA factor nya!OA talaga ang king ina!


"para saan ba yan at sino yang nasa drawing mo?" Tanong ko sakanya at bigla naman syang namutla at mukhang kabadong pusa ang itsura ngayon.



"A-A-Ahhmmm...eh sa...sa..." Utal na sabi nya na parang nag iisip ng sasabihin.


"Saan?" tanong ko.


"S-Sa MAPEH! O-Oo tama sa MAPEH ito!" Kabadong sagot nya at ngingiti ngiti pa na parang aso.


"Sa MAPEH?" tanong ko uli.

"Oo..sabi kasi ni Miss ay idrawing daw namin yung...yung Ideal guy namin..HIHIHIHI" Sagot nya at itinago nya na agad yung mga gamit..

"Di kaba sasama sakin ngayon?Pupunta akong ST." Tanong ko sakanya kaya't napatingin sya sakin na animo'y nag iisip.


"Hindi na muna...May gagawin pa akong mga assignments eh..saka aasikasuhin ko din yung lagay ng mga stocks namin sa mall" sabi nya at nginitian ko naman sya.



'Sa totoo lang ay nabibilib ako kay Shaun kasi kahit isip bata sya ay napakaresponsable nya sa pag mamanage ng kumpanya nila...ayaw na ayaw nyang biguin mga magulang nya'



Nagkape muna ako saglit at nagbihis...naka black pants at white shirt lang ako na pinatungan ng maong jacket..puro lang naman ganito ang damit ko ehh..mga 5:45 ay kinuha ko na yung motor ko at umalis ng apartment at tumungo sa crossing..



Asan na kaya yun? malinaw na kanina yung usapan diba?late nana~!at hindi ko na natapos ung iniisip ko dahil may nag busenang taxi at bumaba na sya..'bat sya nakataxi??'


"Asan sasakyan mo?" Takang tanong ko.


"Ahmm..Nasiraan ako ng makina malapit doon sa may bahay namin kaya nagtaxi nalang ako" Nahihiyang tugon nya "Pero hayaan mo magtaxi nalang tayo sagot ko nalang ang bayad!" Pahabol nya pa saka ngumiti.' Damn that smiles!'.




"Tsk. Umangkas ka nalang sa motor ko!Medyo malayo ang ST dito kaya masyadong mahal kapag nagtaxi!" Iritang sabi ko sakanya.


"A-aangkas a-ako?J-jan?" Utal na tanong nya habang lumulunok lunok pa.


"Hindi..Sasabay ka pero di ka aangkas" Sarkastikong sagot ko.'nakakainis!bat ang slow nya?' "Sumakay kana kung ayaw mong iwan kita." sabi ko ulit at mukhang nag alinlangan pa sya na sumakay.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Frozen NoteWhere stories live. Discover now